TDPG - 2

105K 1.4K 108
                                    

Chapter 2

See Lharby Salazar on the side. Gaaaaaaahd! Why so gwapo? *drools*

NOTE: This story contains sexual........ chos! De eto talaga yun, ano kasi puro bad words yung ibang sinasabi nila dito kasi GANGSTER nga diba? You know... Lantaran ng bad words 'to, kaya kung ayaw niyo nun, close close din tayo ng tab. X)

*****

"Hahahahahaha! Ibang klase ka talaga brad!" malakas na tawanan ng mga  kalalakihan. Nasa hideout nila ngayon ang TGS at ikinikwento ni Lharby ang nangyari sa kanya kahapon sa mall.

"Pakshet lang mga brad e, sa gwapo kong 'to mukha akong bakla? Makikita ng mga sales lady na 'yon.." sabi nito sabay hithit ng sigarilyo.

"Tang'na lang. 'kala namin kung san ka na napadpad kahapon. Akala namin nahiya ka na sa pagkanta  mo ng it girl. Pasayaw-sayaw ka pa. Hahaha!" asar ni Carlo sa kanya

"Gago, nahila nga ko."

"Kunwari ka pa talaga brad e, nagpahila ka naman. Maganda siguro yun no? Hot ba? Akin nalang, isang gabi lang."

"Tarantado, tanggalan kita ng ngipin diyan Carlo."


"Yan tayo e, ayaw pala ibigay. Type mo? Takte si Aldrin may babae din ngayon, pati ba naman ikaw brad? Pa'no nalang ang frat niyan? Hahahaha!" hindi nalang pinansin ni Lharby ang mga kantyawan ng ka-frat

*beep*

Binasa ni Lharby kung sino ang nagtext sa kanya. Agad naman itong napangiti sa nabasa.

"Tang'na, ngumingiti na ngayon mag-isa! Iba talaga hatak nung babae sa'yo ah." pang-aalaska na naman sa kanya ni Carlo

"Gago isa pang satsat, wala ka nang buhay bukas." tumayo na ito at itinapon ang upos na sigarilyo saka inapakan.

"O san ka pupunta brad?" tanong sa kanya nung isa


"Papakamatay, sama ka?" narinig niyang nagtawanan ang mga kalalakihan bago siya tuluyang makalabas sa hideout.

*****

(Lauren's Point of View)


"Beks!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!" buong buhay kong sigaw kay David a.k.a Divina daw. Nakikipaglandian na naman tong baklang 'to e. -___-

"Yes beks?" aba? makapag-yes kala mo walang kasalanan sakin kahapon. >_<

"TARA NGA DITO. MAY IMPORTANTENG MAHALAGA AKONG SASABIHIN." matigas kong sabi, importante na nga mahalaga pa. Ganun talaga yun ka-importante.

The Double Personality GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon