TDPG - 9

59.7K 819 31
                                    

Chapter 9

See Lyka Salazar & Lharby Salazar on the side. *U*

NOTE: Super short update lang ‘to. Mas maikli pa sa suot na shorts ng writer. XDDD

*****

(Lyka Salazar’s Point of View)

 

Kakauwi ko lang galing school. Pag pasok ko ng bahay, madilim. Gabi na hindi man lang niya binuksan yung ilaw dito. Tsss! At walang magulo, walang maingay. Himala?!

Umakyat ako at sumilip sa kwarto niya. Tsss. Kung hindi nakikipag-away, natutulog. =____= Nakadapa itong matulog at may nakapatong na unan sa ulo.



“Hoy!” sigaw ko sa kanya pagkapasok ko. Pero hindi niya ko pinansin, naka-headset siguro ito kaya hindi niya 'ko nadinig. =___=

 

Pa'no ko kaya ‘to gigisingin? -_- Bumwelo muna ako saglit at saka ko siya tinalunan. Dinganan ko siya! Bwahahaha! ^0^



"Ahhh! 'tol naman oh!" nasaktan na siya do'n? Ang gaan gaan ko kaya. =_= Bumaling na 'ko sa gilid ng kama niya. Kainis talaga mas malambot kama niya kesa sa'kin. =_= Napakaarte talaga nitong mongoloid na 'to. >_<



“Oh manggugulo ka na naman dito? Wala ba kayong gala ni Cleo?” tanong niya, pero nakadapa pa rin siya.

 

“Wala e. Busy siya dun kay Aldrin. Tsaka gabi na kaya.” narinig kong tumawa siya sa sinabi ko

 

“Gabi na ba? Hindi ko namalayan ah.”

 

“Hindi umaga, kasasabi lang diba? Saka pano mo malalaman e tulog ka. =__=” hindi na niya ‘ko pinansin.



"Tutulog tulog ka diyan, siguraduhin mong gagraduate ka ngayong darating na May ah..." dagdag ko pa



"Wala ka bang tiwala sa utol mo? Magiging pulis na 'to..."



"Nagtanong ka pa, wala naman talaga akong tiwala sa'yo. Masyado kang busy sa frat mo e. Frat frat pa, wala naman purpose. =_="



"Tsss." pag ganyan sagot niyan, naiinis na 'yan.



"Nga pala, uuwi na sila Papa at Mama kaya siguraduhin mong gagraduate ka at makakapasa sa pagka-pulis. Kundi tatanggalin ko isa isa yang pilikmata mo." gan'to talaga, parang ako pa yung mas matanda sa  kanya. Wala e, masyado kasi 'tong pasaway. >_<

 



“By the way, I just met HER...”

The Double Personality GangsterWhere stories live. Discover now