TDPG - 23

44.6K 588 52
                                    

Chapter 23

See the cold hearted Lauren on the side. Ansaveh ng cold hearted? Hahaha! De joke. Anyare kay Lauren? >0< Gaya ng naipangako ko, eto na ulit ang update. Mehehe~

 

NOTE: Click the external link for the teaser video of UNCHAINED MYSTERY OF THE GANGSTERS (UMG) starring (naks! Lakas maka-starring no? XP) TOP, GD & DAE. Mehehehe~ May story din sila no. Lahat ng BigBang. *O* Abangan niyo after nitong TDPG ^___^ Thankies readers/friends! =))))))))))))))))))))))

*****

(Lauren’s Point of View)

‘Baby girl...’

‘Labas ka na please.’

‘Sorry na. Di ko talaga sinasadya.’

‘Mag-usap naman tayo oh.’

‘Maghihintay lang ako dito hanggang sa lumabas ka.’

 

Ilang lang yan sa mga text na bumungad sa’kin pagkabukas ko ng cellphone ko. Pinatay ko ito dahil kanina pa siya tumatawag sa’kin. Nag-aantay siya sa labas kanina pang umaga. Agad ko uli itong pinatay nung mag-ring na naman.

Sobrang sakit ng ulo ko, may hang-over pa sa mga nainom ko kagabi. Umuulan pa sa labas. Nakikisabay ang panahon sa nararamdaman kong sakit sa damdamin. Bakit niya nagawa sa’kin yon? Nagagalit ako sa sarili ko... Oo, nagagalit talaga ako sa sarili ko dahil hindi ko magawang magalit kay Lharby sa ginawa niya sa’kin. Nagagalit ako dahil kahit anong pilit kong magalit hindi ko pa rin magawang magalit sa kanya. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Hindi ko akalain na magagawa niya iyon. Bakit nga ba hindi ko inakala? Umpisa palang naman alam ko na, na gangster siya diba? Ang isang tulad niya... Kayang kayang manakit ng tao.

Hindi ko rin muna pinapadalaw si beks dito dahil gusto ko munang mapag-isa. Ang daming pumapasok sa isip ko. Gusto kong labasin si Lharby dahil malakas ang ulan. Naiinis ako sa sarili ko... Anong ginawa sa’kin ni Lharby at hindi ko magawang magalit sa kanya?

*****

Nagising ako ng may tumamang sinag ng araw sa mukha ko. Umaga na pala... At dahil wala na kaming pasok, may gusto akong puntahan ngayon. Nag-asikaso na ‘ko para ayusin ang sarili ko.

Kinuha ko ang bag ko at agad akong lumabas ng kwarto. Andiyan pa rin kaya sa labas si Lharby? Hindi ko na ulit binuksan ang cellphone simula kagabi. Sumilip ako sa door hole at hindi nga ako nagkamali dahil andun siya at nakaupo habang naka-ubob ang mukha sa dalawang tuhod nito. Timang na ba talaga siya? Hindi siya umuwi?

Bumuntong-hininga muna ako bago ako lumabas.

Pagkalabas na pagkalabas ko ay agad siyang napatayo...

“Denise...” lumapit siya sa’kin at hinawakan ang kamay ko, kinabig ko ito.

“HUWAG MO KONG HAWAKAN.” madiin kong sabi

The Double Personality GangsterWhere stories live. Discover now