TDPG - 20

45.6K 591 11
                                    

Chapter 20

See Lharby on the side. *U*

 

NOTE: Click the external link for the teaser video of UNCHAINED MYSTERY OF THE GANGSTERS (UMG) starring (naks! Lakas maka-starring no? XP) TOP, GD & DAE. Mehehehe~ May story din sila no. Lahat ng BigBang. *O* Abangan niyo after nitong TDPG ^___^ Thankies readers/friends! =))))))))))))))))))))))

*****

(Lauren’s Point of View)

Tatlong linggo na simula nung huli kong makita si Senyor sa hideout nila. Binalik-balikan ko pa ang hideout nila para lang matiyempuhan ko  pag bumalik siya. Pero... ‘Di ko na siya nakita.

Pag nakita ko siya, ano ba ang gagawin ko? Papatayin ko rin ba siya? Magiging masaya ba ako pag nangyari yun?  Magiging tulad niya ba ako na mamamatay tao?

Ang hirap pumili sa pagitan ng hustisya at kabutihan. Ano ba ang nararapat kong gawin?

Kinuha ko ang kahon sa ilalim ng kama ko at kinuha ko mula doon ang baril ni daddy. Hinawakan ko ito... Malapit na kitang magamit. Pero... kaya ko ba?

*beep*

‘Baby girl.’

 

Nagulat ako sa text ni Lharby, gabing-gabi na at nagtext pa siya ng ganito. Nitong mga nakaraang araw hindi na kami gaanong nagkikita ni Lharby dahil may problema yung kaibigan niyang si Aldrin.  Buntis ang girlfriend nito at nalaglag daw ang bata dahil kay Aldrin. Sa totoo lang, naaawa ako kay Aldrin dahil hindi naman niya ginusto ang lahat. Pero mas nakakaawa yung babae dahil higit pa sa isang kayamanan ang nawala mula sa kanya. Kung ako kaya, mararanasan ko ba ang ganitong hirap kapag pinili kong mahalin si Lharby?

Haaaays. >__< Bakit ko ba iniisip ang lahat ng ito? -____- Inilagay ko ang baril sa bag ko at nahiga na ako. Hindi ko na nireplyan si Lharby dahil wala akong maisip na dapat ireply.

*beep*

Tinignan ko kung sino na naman ang nagtext, si Lharby ulit.

‘Baby girl, labas ka. Andito ako sa labas.’

 

Napabalikwas ako ng bangon at agad na lumabas. Pagbukas ko ng pintuan ng boarding house ay nakaupo si Lharby sa may sahig.

“L-lharby?” pagharap niya sa’kin puro sugat ang mukha niya, may ilang dugo sa kilay at bibig niya.

“Tss.”  tanging yun lang ang nasabi ni Lharby sabay pinunasan ang bibig na may namuo ng dugo.

“A-anong nangyari? Tara dito nga sa loob.” pinapasok ko siya at dumiretso kami sa kwarto ko. Kumuha ako ng yelo at towel para asikasuhin siya.

“Nakakainis ka naman Lharby e!” naiinis talaga ako bigla, ewan ko ba. >__<

The Double Personality GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon