𝙲𝙷𝙰𝙿𝚃𝙴𝚁 𝟸 - 𝙺𝙸𝚂𝚂 𝚃𝙷𝙴 𝙶𝙸𝚁𝙻

11 4 0
                                    

HON's POV

Tumigil ako sa pagtakbo at napatingala ako dahil sa haba ng aakyatin kong stairwell. Halos mapanganga ako sa haba ng itatakbo ko paakyat. Pwero biro! Baka himatayin na ako niyan wala pa ako sa kalahati!

Napatigil ako sa paghabol sa hinga nang nakarinig ako ng malakas na yabag malapit sa akin, "Here little kitty kitty." sumilip ako ng bahagya sa railings at nakita kong papalapit na siya. Nanlaki ang mata ko ng makita niya ako.

"There you are!" napaatras ako ng itinutok niya banda sa akin ang baril niya at mayamaya lang ay narinig ko na ang sunod-sunod na pagputok ng baril. Kahit na hingal na hingal at kinakabahan ay pinagpatuloy ko na ang pagtakbo.

'Takbo. Takbo. Takbo. Takbo. Takbo.'
sigaw ko sa isip at iniiwasang mapatingin sa aking likuran dahil baka mamaya ay nasa likuran ko na! Napahinto ako ng naabutan ko na ang pintuan. Madalian kong pinihit ang seradora at doon ko lang napansin na nasa rooftop na ako. Humampas ang malakas at malamig na hangin sa aking balat.

"Grr.. Sobrang lamig!" sigaw ko at napaiwas ng nakarinig na naman ako ng pagputok ng baril. Sinara ko agad ang pintuan saka doon ko lang napansin na wala palang pagiipitan ng bakal. Nilibot ko ang tingin at mayroong kumpol na mga box kaya itinulak ko 'yon at natumba sa mismong pintuan.

Sa pagtakbo ko ay natigilan ako ng biglang may may sillhouette akong nakita hindi kalayuan sa akin. I keep on running at the rooftops and halted nang makita ko na medyo malayo ang kabilang building. Napasabunot ako ng buhok para mabawasan ang tensyon ng kaba sa aking dibdib.

Hindi naman ako katulad ng mga tao sa movie na nakakatalon ng malayo!

"Mamili ka honey?! Ang fears mo o yung lalaking humahabol sa 'yo?" mahinang sigaw ko sa sarili. Napatingin ako sa likuran ko at papalapit na siya! Umatras ako kahit alam kong papalapit na siya. But I have no choice! I ran and stop at the edge to jump off at the other side of the building.

Naramdaman ko ang sarili kong lumipad at bumagsak pati ang paggulong. Marahan kong idinilat ang mga mata upang tingnan ang paligid dahil baka nasa ibang lugar na ako. Pero laking tuwa ko na nasa kabilang building na nga ako!

I succeed!

Napatingin ako sa kabilang banda ng building at napangisi dahil halatang nadismaya ang humahabol sa akin at mas lalo siyang nadismaya dahil naubusan na siya ng bala.

"¡Adiós cara arrugada! Hahaha!" <Goodbye wrinkled face!> nakangising sigaw ko. Kita kong galit siya bago umalis. Ha! Naglakad ako palayo doon baka dahil sumunod sa akin 'yon. Tumigil ako sa pinakagitna ng building saka kinuha ang posporo bago nagsindi ng isang palito. Itinaas ko 'yon bago hinipan. Ipinagpatuloy ko ang paglakad habang pinagkrus ang mga kamay.

"ANNNNNNND CUTTT!" sigaw ni Direk kahit na nakamega phone siya. Napailing na lang ako habang nakangiti.

"Good job everyone!" narinig kong pumalakpak sila at inalaayan naman nila ako sa pagbaba. Tinulungan naman nila akong tanggalin ang mga kable ng harness na nakakabit sa akin.

"Paniguradong matutuwa niyan si Felicia once na mapanuod niya ang stunts mo." nakipag-apir pa ako sa tropa namin dito sa industriya na 'to. May mga ilan ding Pilipina ang kasama ko dito. Halos lahat kasi ay foreigner.

"Panigurado. Maastigan na naman 'yon hahaha." pagyayabang ko kunwari. Nang umalis na sila ay napabuntong hininga ako sa kawalan.

Arthur Esguerra..

Lav ArtWhere stories live. Discover now