𝙲𝙷𝙰𝙿𝚃𝙴𝚁 𝟹 - 𝙻𝚄𝙲𝙸𝙰𝙽𝙰

42 8 2
                                    

HON's POV

A WHILE AGO...

"Are you ready girl?" tanong ko dahil mukhang hindi pa ready ang kasama ko. Kung kailan naman nandito kami sa harapan nang hotel bigla siyang mag-iinarte. Hayy.

"Sí Hermana mayor. " <Yes big sister > sagot niya pero mukhang wala siyang balak gumalaw. I rolled my eyes.

Ilang saglit lang, inayos niya na ang gamit niya. Buti naman. Binuksan ko na ang pinto at sabay na bumaba sa kotse ko. Sa tagal na namin nagtrabaho ito ang kotse ang nabili namin pero minsan lang namin gamitin kung kailan lang namin kailangan. Tulad lang ngayon.

Nung handa na kami doon na napagdesisyunang pumasok na sa loob. Sa pagpasok pa lang sa hotel masasabi mong 5 star ito dahil sa sobrang glamoroso nito. May malaking chandelier sa gitna at halos naiilawan nito ang buong paligid na tipong mabubulag ka sa liwanag dito.

"Buenos días. Soy Luciana Skallevine y esta es mi hermana Honey Skallevine." <Good morning. I am Luciana Skallevine and this is my sister Honey Skallevine.> pagpapakilala ko. Kita kong naguluhan ang guard at hindi kami nakilala or nakilala? Buti na lang kaya ko at tanda ko pa. Sabi lang naman ni Hazel mga basic lang. Kita kong nakatitig ang guard kaya hindi ko mapigilang pagtaasan siya ng kilay. Pero buti na lang ay nilampasan ko na lang siya. Phew.

'Sana naman hindi kami makilala nung guard.' pagdadasal ko sa isip ko. Sana lang talaga nakuuu.

"Welcome to Harmonia Hotel. What I can do for you ladies?" si Hazel naman ang kumausap sa receptionist. Mukhang mabait naman ito dahil palapit pa lang kami kanina nakangiti na siya sa amin. Or sabihin na nating trabaho niya ang sumalubong ng bisita na may ngiti sa labi.

"We would like to book a room." kita kong pinagpapawisan na ang sentido ni Hazel. I rolled my eyes. Ikinatang ko ang siko sa balakang ko habang ang isang kamay ko ay may kapit na pouch at hinihintay ang isasagot ng receptionist.

"Room for two?"

"No se si estas jugando ciega o estupida." < I don't know if your playing blind or stupid.> Malamang dalawa lang kami ni Hazel alangang maging tatlo. Hayy. Pero hayaan na. Kailangan talaga magtanong!

"Ho?" tulad nung sa guard halatang nagulat at naguluhan ang kausap namin ngayon. Gusto ko sana silang tawanan pero kinakailangang manatili ang postura ko. Naramdaman ko naman na kinurot ako ni Hazel sa tagiliran. I hissed.

"Eherm. She meant, room for two. Hehe." Binaba ko ang shades upang bigyan siya ng masamang tingin. Oo nakashades ako sa loob ng hotel! Kilalang kilala ako kapag walang shades at sumbrero pero bago kami makalapit kanina ay pinatanggal ng guard ang sumbrero ko na halos natatakpan ang mukha ko.

Yes, magpapabook kami since dalawang araw ang restday namin. And yes again, gagastos kami ng malaki. T^T

"Saglit po tatawagin ko si Sir Ryder." tinanguhan lang namin siya at nakangiti siyang umalis. Aha. Maganda sana slow lang parang katulad lang ni Hazel. Hmp.

Nanlaki ang mata ko ng makita ko yung guard na manghuhuli sa amin. Pinilit kong huwag siyang tingnan pero ito ang lumapit sa amin. Nakilala niya ba kami?

"Goodmorning ma'am." tinanguhan siya ni Hazel at ako naman ay nanatiling nakatayo habang hindi malaman ang gagawin. Mas lalong nanlaki ang mata niya ng makita niya ang mukha ko. Sa taranta ko, kahit na hindi nakatingin ay nahila ko si Hazel at tumakbo kami sa mga elevator. Nabitawan ko lang siya para pindutin lahat ng elevator. Ang dami naman ng elevator at mas malala pa! Lahat going up na. Minamalas ka nga naman!

Lav ArtWhere stories live. Discover now