14

1.4M 52.2K 138K
                                    


"Saan kayo? Uuwi na ba? Ayaw ko pa! Kain muna tayo!" 


Ngumuso si Luna matapos umakbay sa aming dalawa ni Kierra pagkalabas ng room. Kakatapos lang ng huling klase namin ngayong araw at may natitira pang oras bago mag-training kaya hindi pa ako uuwi. Palagi naman akong ginagabi. Minsan naiisip ko kung kailangan ko na bang mag-quit sa volleyball dahil masyado na siyang nakakapagod. Buo na ang loob kong hindi ko 'to itutuloy hanggang kolehiyo. 


"Ako, ayos lang..." Sagot ko naman habang abala sa pagtetext. Nag-message kasi si Arkin sa akin na diretso muna siya sa Music club dahil magtuturo siya ng gitara sa mga 1st year nilang members dahil nagpapatulong sa kaniya. Sabi ko naman ay magkita na lang kami mamaya pagkatapos dahil halos sabay lang naman kaming natatapos. 


"Yanna, saan ka?" Tanong kaagad ni Kierra nang makasalubong namin si Yanna sa may gate. Mukhang hindi niya kami narinig dahil tuloy-tuloy lang siyang naglakad hanggang sa mabunggo niya iyong lalaking 4th year. "Yanna!" Tawag ulit ni Ke at naglakad palapit. 


"Bitawan mo nga 'ko!" Malakas siyang tinulak ni Yanna paalis. "Huwag mo 'kong mahawak-hawakan gamit 'yang marurumi mong kamay. Nakakasuka ka." 


"What's happening?" Napalingon kami sa likuran nang biglang dumating si Sam. Napatingin din si Yanna sa kaniya at parang nag-usap pa sila gamit ang mga mata. Ngumiti si Sam at umakbay kay Yanna para hatakin paalis. "Let's go, girls!" Malakas na sabi niya para sa amin. 


Bandang huli ay wala kaming nagawa kung hindi sumunod na lang sa kaniya papuntang Wings Club. Ang sabi ni Sam ay sasagutin niya raw ang pagkain ngayon dahil good mood daw siya at gusto niyang makipagkwentuhan sa aming mga babae. Nakasimangot lang si Yanna hanggang sa makaupo kami sa may table. Nakakatakot tuloy siyang tanungin. 


"Sino 'yun, Yanna? Ex mo?" Napatingin ako kay Luna sa gulat dahil sa kaswal niyang tanong. Hindi man lang naramdaman ang bigat ng aura ni Yanna! Wala talagang takot 'tong isang 'to. 


"Ex? Yuck." Natawa nang sarkastiko si Yanna. "Hindi ako nagbo-boyfriend at wala na 'kong balak mag-boyfriend. Alam mo kung bakit? Kasi pare-parehas lang sila." Sinandal niya ang dalawang palapulsuhan sa table at nilapit ang mukha sa amin. "Gusto lang nila 'kong lapitan para may mapagyabang sa tropa nila. Sinasabi lang nilang mahal nila 'ko kahit gusto lang nila akong i-kama." 


"May... nangyari ba?" Napaawang ang labi ni Kierra. "May ginawa ba 'yung lalaking 'yun sa 'yo?" 


Napahalukipkip si Yanna at umiwas ng tingin, pinipigilan ang emosyon. "Lahat naman sila..." Mahinang sabi niya at bumuntong-hininga. "Hayaan n'yo na. Baka... hanggang doon na lang talaga ako." 


"Ano?! Huwag mo ngang sabihin 'yan!" Napatayo si Luna at humalukipkip din. Nakakahiya at napatingin pa ang mga tao sa ibang table dahil sa biglaan niyang pagtaas ng boses. Napatakip na naman ako sa gilid ng mukha ko para itago ang sarili ko. "Kung lalaki lang ako, mamahalin kita nang buong buo!" Nakakatawa si Luna. She was like declaring her love for Yanna. 


"Ano 'yan? Confession ba 'yan?" Tumaas ang kilay ni Yanna. "Sabihin mo lang kung may gusto ka sa 'kin, Luna. Ayos lang naman sa 'kin." Ngumisi pa siya at natawa. 

Golden Scenery of Tomorrow (University Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon