"Larkin Sanchez and Clea Aguilar are planning to build a house together?!"
Exaggerated pa ang pagbabasa ni Mira ng news na 'yon sa harapan ko habang nagdi-digital sketching ako sa drawing tablet ko. Pumasok pa siya sa kwarto ko at humiga sa kama ko para sabihin 'yon sa akin. Akala ko naman ay importante.
"Hindi ba ikaw 'yong architect ni Clea?" nagtatakang tanong niya sa akin. "Omg, totoo ba 'to, Ate? Ano'ng nararamdaman mo?"
"Wala naman," sagot ko sa kaniya habang abala sa ginagawa. Wala naman talaga akong nararamdaman... dahil matagal ko nang in-expect 'yon. Matagal ko na ring tinanggap na wala na talaga ang sa amin ni Larkin. Kinalimutan ko na 'yon noong umalis ako. Kailangan, eh. Wala naman na akong balak bumalik pa sa kaniya.
Ayaw kong bumalik sa sitwasyong 'yon... at alam kong mas lalong ayaw ni Larkin. Hindi na kami katulad ng dati na pwede pang maging malapit sa isa't isa. Iyon nga ang sabi niya, hindi ba? Hindi niya raw talaga kayang maging malapit sa akin.
Ganoon na rin siguro ako sa kaniya, pero kung iisipin ko ang pagkakaibigan namin, kaya kong maging malapit sa kaniya para hindi naman masira ang friendship circle namin nina Luna. Ayaw kong kami ang maging dahilan kung bakit malalayo si Larkin sa amin... or sa kanila lang dahil matagal naman na kaming malayo sa isa't isa.
"Totoo bang nagde-date daw sila?" chismosang tanong na naman ni Mira.
"Mira, hindi ko nga alam," kalmadong sagot ko sa kaniya. "Hindi naman kami close ni Larkin. Siya ang tanungin mo at tutal, mukhang mas malapit kayo nina Aidan sa kaniya kaysa sa akin..."
Napagtanto ko nang may koneksyon pa rin sila sa isa't isa dahil noong pumunta si Larkin dito ay parang wala lang sa kanila, lalo na kay Aidan na tinuturuan pa pala ni Larkin tumugtog ng gitara. Hindi naman nila kailangang itago sa akin. Hindi ko alam kung bakit umaakto silang parang bawal sila maging close.
Naiintindihan kong hindi nila kayang malayo sa taong buong buhay rin nila ay kasama nila. Nasanay silang nariyan si Arkin simula pagkabata nila. Napanood din sila ni Arkin lumaki kaya hindi madaling putulin ang koneksyon nila sa isa't isa. Hindi rin naman naging madali sa akin... pero iyon ang nangyari.
"Ate, paano mo nakayanan?" tanong niya pagkatapos manahimik. Nakatulala na lang siya ngayon sa kisame ng kwarto ko. "Hindi ba mahirap? Pinagsisihan mo ba?"
Napatigil ang kamay ko sa pagdo-drawing at natulala saglit sa may lamesa ko. Napakagat ako sa ibabang labi ko bago sumandal sa upuan at inayos ang buhok ko. Paano ko ba sasagutin 'yon?
"Mahirap," mahinang sabi ko, naaalala ang mga panahong ginusto kong bumalik... iyong mga panahong naisip kong kaya ko namang tiisin lahat... pero naisip ko ring hindi 'yon maganda para sa sarili ko. "Pero hindi ko pinagsisisihang umalis ako. Ang pinagsisisihan ko ay 'yong desisyon kong sirain ang pagkakaibigan namin para lang dito."
"Lang?" Lumingon ako sa kaniya at nakataas na ang isang kilay niya sa akin. "Hindi 'lang' ang relasyon n'yo, Ate. Kahit hindi mo sirain ang pagkakaibigan n'yong dalawa, hulog pa rin naman kayo sa isa't isa. Hindi mo na rin naman matatawag na friendship 'yon."
BINABASA MO ANG
Golden Scenery of Tomorrow (University Series #5)
RomanceUNIVERSITY SERIES #5. Ever since they were kids, Avianna Diaz from UST Architecture and Larkin Sanchez from UP Film were inseparable, not until Larkin's fame grew over time, and they suddenly found themselves taking different roads at the same time.