KABANATA 19

41 1 2
                                    

KABANATA 19

Everleigh Kaihley's Point Of View

During my last year of high school, Hazel and Lorenzo became my classmates. Si Lean ang tumatayong class monitor namin. Nasa unahan nakaupo si Hazel habang ako naman ay nasa gilid si Rafael na pinaggigitnaan namin ni Audrey. Sa kabilang gilid ko ay si Sheon.

Tinapunan ako ni Lorenzo ng tingin. Nakakainis 'to. Kahapon pa siya hindi namamansin.

Natigilan kami sa pag kukwentuhan nang marinig namin ang boses ng assistant principal. "I ask for the understanding of today's students not to make noise first because all the teachers have a meeting."

Dali dali kaming tumayo at agad siyang binati. Pag alis niya ay nagkaroon ng sariling mundo sina Hazel at Lorenzo. Habang ako naman ay abala sa pagtitig sa kanila.

Nang lumingon si Lorenzo ay iginala ko ang mga mata ko sa paligid. Walang buhay ang classroom namin. Hindi pwedeng lagyan ng desenyo o kahit ano ang dingding. Ang pwede lang ay maglagay ng kurtina. Malinis at simple lang. Mas maganda iyong tignan.

Hindi ko na pinansin si Lorenzo alam kong hindi naman din ako papansinin non.

Pagdating ko sa bahay ay natigilan ako nang mapansin ko ang sasakyan ni Tita Christina. Why is she here? Pumasok ako sa loob at naabutan ko silang dalawa ni Papa na nakaupo sa sofa.

Bumati ako sa kanilang dalawa. "Buti dumating kana." Nakangiting sabi ni Tita. Napawi ang ngiti ko. Bakit mukhang importante ang pinag uusapan nila.

Pinaupo ako ni Papa sa single sofa at hindi na makapahintay sa sasabihin nila. "Ayaw talagang pumayag ni Lorenzo na maikasal sayo, Kai." Kunot noong sabi ni Tita.

Napayuko ako. Kunot noo akong huminga ng malalim. "You don't want to force him." Mahinahon kong sabi.

"No. Hindi pwede, hija. Napagkasuduan na namin iyon. Sa oras na mag isa ang kumpanya ay mas lalakas ang impluwensya natin." Paliwanag ni Tita.

Napatulala ako sa kanilang dalawa. Sa ngalan ng kapangyarihan handa nilang gipitin ang tao. Nang tinangalain ko sila ay nakita ko si Hazel na nakasilip. Kararating niya lang din.

Nakikiusap ang mga mata niya na para bang sinasabing huwag akong pumayag. Dalawang taon na silang may relasyon ni Lorenzo at hindi ko pwedeng sirain iyon. "I don't like Lorenzo. I will not marry him."

Pinanood ko ang pagguhit ng pagkasakrastiko sa mukha ni Tita. "Kapag hindi ka gumawa ng paraan para mapapayag mo siya dadalhin kita sa Canada at doon ka titira."

"What?" Gulat kong tanong. Gusto kong tumawa. Nagtagis ang bagang ko at seryoso silang tinignan. "We are not dogs so you can only pair for the power and influence you seek. May pakiramdam din kami. Maawa naman kayo."

"Everleigh!" Mariing sabi ni Papa. "Wala kang karapatang pagsalitaan kami ng ganyan!" Nagitla ako ang sa pagtaas ng boses ni Papa. Ni minsan sa buhay niya hindi niya ginawa sa amin ito ni Papa.

Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kanilang dalawa. "Ginagaya ninyo lang kami sa kung anong nangyari sa inyo noong panahon ninyo." Tumayo ako at agad na tumalikod.

"Alalahanin mo ang sinabi ko, Kaihley. Hindi iyon isang biro." Paalala ni Tita. Inis akong bumaling sa kanila pero agad ko silang tinalikuran.

Natigilan ako sa paglalakad nang makita ko si Hazel sa hagdan na umiiyak. "You do not know how lucky you are because the man I love will marry you soon."

Nag unahan sa pagpatak ang luha niya. Hindi ako nakagalaw dahil doon. Parang sinasakal ang leeg ko at parang may batong naka dagan sa dibdib ko sa sobrang bigat.

UNTIL I  LOVE YOU (Hope of heart series 02)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon