KABANATA 08

29 1 0
                                    

KABANATA 08

Everleigh Kaihley's Point Of View

"3 points!" Deklara ni Eric. Sa loob ng linggo palagi kaming naglalaro kasama si Lean. Palagi nalang akong nakatunganga. Minsan palaging talo.

Palagi niya akong tinatalo maging sa shooting. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Hindi naman ako ganito dati!

I was wearing a white t-shirt and red jersey shorts. Hinawi ko ang buhok ko habang hawak ang bola. Titira na sana ako nang biglang may tumama na bola sa likod ko. Gumapang ang galit sa pagkatao ko dahil sa gulat at sakit.

"Loko ka ah!" Sigaw ni Eric sa lalaking nakatama ng bola, nakatama nga ba talaga? O sinadya. Dalawa sila at mas matatangkad. Mukhang mga señor high tong mga depungal na to.

Tumawa siya at tinulak si Eric ng mahina. "Umalis na kayo. Kami na." Mayabang na sabi nong lalaki. Mukhang uhaw sa laro.

Dinampot ni Lean ang bola ko at dinampot ko naman ang bola ng mga lalaking ito sa lupa. "May pangalan ba tong court ninyo para paalis ninyo kami?" Masungit na tanong ni Lean.

"Wala pero umalis na kayo." Hinawi niya si Lean dahilan para maupo ito sa sahig ng court. Tinulungan siyang tumayo si Eric.

Kukunin sana sa akin ng lalaking ito ang bola pero inilag ko ito sa kamay niya. Bahagya siyang nagulat pero sumilay ang ngisi sa labi niya. "Akin na ang bola ko." Mariin niyang sabi.

"Ayaw ko." Mariin ko ding sabi. Nagtiim bagang siya at kukunin sana sa akin pero inilayo ko ulit iyon sa kanya. "Say sorry to my friend first." Seryoso kong sabi.

"No!" Aniya kukunin sana ulit niya pero humakbang ako paatras.

"Ayaw mo?" Tumaas ang dalawang kilay ko.

"Ayaw ko."

"Edi wag." Sabi ko sabay hagis sa mukha niya ng bola. Napapikit siya dahil sa sakit. Susugod sana yung kasama niya pero hinarangan iyon ni Eric.

Nakaupo ngayon sa lupa ang lalaking ito. "Alam mo, depungal ka. Dalawa yung ring ng court na to, pwedeng doon kayo sa kabila pero mas pinili mong umepal dalawa lang naman kayo."

Sobrang bilis ng pintig ng puso ko habang nakatitig sa nagasgasan niyang ilong. Hinawi ni Lean ang buhok niya bago kami maglakad paalis.

The next day I walked quietly to the classroom but it disappeared when Lorenzo greeted me. "Smeagol!" Ngiti niya.

Tumango ako at ngumiti ng kaunti. Magsasalita pa sana siya nang talikuran ko na agad siya. Naiwan siya na parang hangin sa harap ng pintuan. Mas pinili kong huwag siyang tignan dahil parang kinukurot ang puso ko.

Pagtapos ng klase ay sabay sabay kaming naglaro sa field. Hawak ko ang badminton habang hinihintay si Sheon na kalaro ko. Halos madurog ang shuttlecock na gamit namin sa lakas pagtira ko.

"Relax, girl!" Sigaw sa akin ni Audrey nang masira ang shuttlecock. Ngumuso ako at nag iwas ng tingin pero mas lalo akong nawala sa sarili ng makita ko si Lorenzo at Hazel na naglalakad ng sabay.

Damn! Ano bang nangyayari sayo, Everleigh? Wala ka naman dapat pakialam sa mga yan, pero bakit parang ayaw mo silang makitang magkasama?!

Nang magpalit kami ng shuttlecock nasobrahan yata sa pagkakahampas ko yun dahil ngtanggal ulit ang balahibo.

Napailing si Sheon. Inis kong binitiwan ang badminton at naglakad palapit kay Rafael na nakaupo sa ilalim ng puno. "Bad mood." Natatawa niyang sabi.

Nag iwas ako ng tingin. "Puyat lang kagabi." Kahit hindi naman. Kinuha ko ang tubig ko bago ko iyon nilagok ng tuloy tuloy.

"You love sports. Ano pang sports ang kaya mong laruin?" Tanong niya sa akin.

UNTIL I  LOVE YOU (Hope of heart series 02)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon