KABANATA 27

33 4 0
                                    

KABANATA 27

Everleigh Kaihley's point of view

Halos hindi ko malunok ang kinakain ko habang nakatitig ako sa mainit na sabaw ng mangkok. Kanina pa kami ni Lean nandito sa condo ko. Halos hindi ko na din maidilat ng maayos ang mga mata ko.

"Alam mo... dapat siguro hindi ka nila binigla." Tinignan ko si Lean dahil sa sinabi niya. Malabo man iyon pero nakikita kong concern siya sa akin.

Kinagat ko ang pang ibabang labi ko nang ibalik ko ang paningin ko sa mainit na sabaw. "Hindi ko talaga alam kung ano pa yung dapat kong gawin."

Huminga siya ng malalim at lumapit sa akin. "Kahit anong mangyari nandito lang ako sa tabi mo, Baby Kai." Ngiti niya. Niyakap ko siya pabalik.

"Maraming salamat sa pag unawa, Lean." I tried to smile but I didn't expect my hot tears to flow.

Kinabukasan ay mabilis na kumalat ang balita sa buong mundo ang nangyari kagabi. Alam na ng lahat ang ginawa kong pagtakbo palayo kagabi kay Lorenzo.

[Anong dahilan ni Everleigh para gawin iyon?]

[Siguro may iba siyang gusto. Wag nalang natin siyang husgahan. Hindi naman natin alam ang dahilan kung bakit niya ginawa iyon.]

[Ang gwapo gwapo ni Lorenzo tinakbuhan niya lang sayang.]

Napahawak ako sa ulo ko nang maramdaman kong sumakit ito. Kapiranggot palang yan sa mga naririnig ko ngayong araw.

Gustong gusto akong makita ng media at pagsalitain kung bakit ko ginawa ang katangahang iyon. Maghapon akong nakatago sa set. Hindi din ako lumabas dahil alam kong pag may nakakita sa akin yayariin ako.

"It's okay, Everleigh." Ngiti ni Ellen bago siya tumalikod. Pauwi na daw siya dahil babalik pa siya mamayang madaling araw para sa taping niya kasama ang bidang lalaki.

Ngumiti naman ako nang hindi iyon umaabot sa mga mata ko. Isinandal ko ang likod ko sa high chair habang dinadama ang kapayapaan sandali. Mabilis kong idinilat ang mga mata ko nang maalala ko ang itsura ni Lorenzo nong gabing iyon.

Muli ko naman pinikit ang mga mata ko. Matagal kong tinitigan ang mukha ni Lorenzo sa isipan ko. Gusto ko siyang balikan nong mga oras na iyon pero hindi na pwede.... sabi nila hindi daw totoo ang tadhana dahil ikaw daw mismo ang pipili ng iyong magiging tadhana, pero para sa akin nakasalalay ang paniniwala ko sa dalawa. Yun ay ang unang pagtatagpo namin ni Lorenzo na ang tadhana mismo ang gumawa ng paraan. Nang gabing takasan ko siya ako mismo ang pumili ng tadhana ko na iwan at hayaan siya.

It hurts but I have to accept that he and I are not for each other.

Pagka gabi ay dumeretso ako sa condo ko. Doon ako mag isang nagmomukmuk. Wala akong magawa kundi titigan ang mga bituin sa kalangitan. What happened to old Everleigh? Why did she seem to disappear when she learned to love?

Ilang araw lang ang nakakalipas ay unti unting nawala ang issue tungkol sa aming dalawa ni Lorenzo. Hindi na masyadong nababanggit ang pangalan ko sa lahat. Nakalalabas na din ako ng maayos.

Hapon na nang makarating ako sa building. Madaming mga kasing edad ko ang nagsasanay na matutong sumayaw at umarte.

Yung iba kong nadaraanan ay nakaupo nalang sa sahig dahil sa pagod. Awa ang nararamdaman ko sa mga estudyanteng nais matuto ng kanilang pangarap.

Napatingin ako sa isang malaking salamin. I reached Papa’s wishes without going through much of the hardship of the students I now. Pero sa tuwing nakikita ko ang mga model na gustong gustong matuto ay napapatingin ako sa paa kong napilayan noon.

UNTIL I  LOVE YOU (Hope of heart series 02)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon