KABANATA 26

31 1 1
                                    

KABANATA 26

Everleigh Kaihley's Point Of View

Nagsitayuan kami nang matapos ang pagpapakilala sa lahat ng cast ng drama. Katabi ko ngayon ang bida sa drama nasi Ellen. Sabay kaming napangiti dahil ngayon gabi ipapalabas ang drama.

Nagsigawan sila sa tuwa nang ipalabas sa prime time television ang trailer. Napahawak ako sa dibdib ko nang makita ko ang hitsura ko doon. Pagod at pawis din ang ginulgul ko doon. Ilang buwan pa namin matatapos ang project na ito.

Naghiyawan sila sabay lingon nang ipakita ako doon. Nakatago ako sa isang puno pero dahan dahang ngumiti at mabilis na tumakbo papalayo hawak ang mahabang kasuotan. I never thought my simple dream would reach this far.

Sandali akong natulala sa malaking screem nang maaalala ko si Lorenzo. He's with Dulce this time. Mapait akong ngumiti habang nakatitig sa screen. Alam kong nasa akin ang mata ng ibang tao.

Napayakap sa akin si Ellen dahil sa tuwa. "This is the biggest project I’ve ever had." Nalangiting sabi niya.

"I’m happy to know that." Ngiti ko sa kanya. Masaya ako dahil kahit sinong artista ang makakuha ng ganitong klase ng project ay sobrang tuwa na.

Nagpalakpakan kami nang matapos ang speech ng isang director. Nanatili akong nakaupo sa isang tabi habang nakatitig sa wine na nasa harap ko.

Ilang minuto ang tinagal ng speech nila. Nang mag simula ang party sa dance floor ay nakisama ako pero hindi ako uninom ng husto sa takot na baka kung ano nanaman ang magawa ko.

Nang matapos ang event ay tahimik akong umiwi sa condo nang mag isa. Pagod kong hinubad ang suot kong dress at high heels.  Isinandal ko ang sarili ko sa sofa at hiyaan kong magpahinga ang sarili ko.

I'm so tired today. Bukas ay may taping nanaman kami hanggang gabi pagtapos noon ay may shoot akong pupuntahan.

Kinuha ko ang phone ko at pinagtitignan ang mga pictures namin sa internet na bagong labas. Napangiti ako nang makita ang picture namin ni Ellen. Magkatinginan kami sa isa't isa.

:they look good together

Gabi na nang matapos ang taping. Binubura ko na ang make up sa mukha ko nang mag ring ang phone ko. 'Papa.'

Bigla ding nawala ang tawag pero muli akong nakatanggap ng text mula kay Ate.

Ate Presley: Girl, may family dinner mamaya I hope you could come this is important

Matagal kong tinignan ang text message na iyon. Nagdadalawang isip pa kung dapat ba akong magpunta mamaya.

Tinigan ko ang relo ko sumandal sandali.  Ilang minuto pa akong naupo doon bago ako mag ayus ng sarili ko. Nag suot ako ng white longsleeve polo at pinatungan ko iyon ng white fitted dress. I paired my outfit with ankle boots. Inilugay ko buhok ko at naglagay ng unting make up bago ako umalis.

Pagdating ko sa bahay ay ala syete na ng gabi. Napatitig pa ako sa gate dahil medyo nanibago ako. Namimiss ko yung dito ako umuuwi noon. Ngayon nagbago na ang lahat.  Bumaba ako sa kotse at hinayaan ko ang driver namin na mag parada sa garahe.

Ngayon ko lang din napansin na may mga ibang kotse sa labas. Anong meron? Nahinto ako nang pumasok ako sa loob. Madaming christmas light na isang kulay lang.

Does anyone have a birthday? Kanino naman? Kay Scarlette? Hazel? Rita? Whatever. This is not family dinner!

Narinig ko ang bungisngisan sa loob na ipinagtaka ko nang husto. What's going on here? Lumakad ako sa loob at sinundan ko ang tunog ng mga tao.

UNTIL I  LOVE YOU (Hope of heart series 02)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon