KABANATA 24

37 1 1
                                    

KABANATA 24

Everleigh Kaihley's Point Of View

Nakadapa ako nang magising ako sa isang malambot at malaking kama. Napahawak ako sa ulo ko nang maramdaman ko ang kirot na ito.

Ngayon ko lang napansin na nasa ibang lugar pala ako. Dali dali akong tumayo at hinanap ang cellphone ko. Nang makita ko ito sa lamesa na nakapatong ay dali dali ko itong kinuha kasama ng purse ko.

Ngayon ko lang napansin na iba na ang damit ko. I am now wearing a yellow t-shirt and black jersey shorts. "Putcha." Nag umpisang gumapang ang kaba sa dibdib ko nang marinig ko ang pagbukas ng pinto mula sa likod ko.

I stiffened in my stance because I never thought I would see him this morning. "Anong ginawa mo sa akin?" Bigla kong tanong sa kanya.

Sumilay ang nang aasar na ngiti sa labi niya. "Bakit sa akin mo tinatanong yan?" Natatawang tanong niya.

Kumunot ang noo ko dahil sa tanong niya. "Malamang nandito ako sa lugar mo itatanong ko talaga yan." Inis kong sabi. Teka ba nga ba ako nandito? Napapikit nalang ako sa inis. "Hay bwisit." Lalabas na sana ako nang magsalita siya.

"Oh saan ka pupunta?" Tanong niya.

"Uuwi." Walang pakialam kong sabi.

Halos hindi ako magalaw sa kinuupuan ko habang naka shooting kami. Inaayusan ako pero parang wala akong naririnig sa tuwing kinakausap ako. Hindi maalis sa isip ko ang nangyari kanina. Nakakainis isipin kung bakit nandon ako sa condo ni Lorenzo?

Ilang oras din ang tinagal ko doon bago tuluyang umuwi. Nag yaya pa ng dinner sina Audrey sa isang mamahaling resto.

"Bakit nandon ako sa condo ni Lorenzo kagabi?" Tanong ko agad sa kanila. Tumawa naman si Lean habang nilalantakan ang isang putahe ng pagkain.

"Girl, may pa yakap yakap ka pang nalalaman kagabi. Nakakatawa nga 'e." Pang aasar ni Lean sa akin.

Hindi ako naniniwala sa kanila nang tignan ko sila. "Itanong mo pa kay Rafael. Gagi ka, girl." Tawa naman ni Sheon.

Napahilamos ako sa mukha ko at ipinikit ang mga mata ko. Natigilan ako nang maalala ko kung paano ko hubadin ang damit ko sa harap ni Lorenzo.

I covered my face with the intense embarrassment I felt. Sh*t. Is that true? O' baka nananaginip lang talaga ako?

"Yakap? Hoy, wala akong ginawang ganon." Inirapan ko silang tatlo bago ko kinain yung adobong pusit. "Bakit ko naman gagawin yung ganong klaseng–kadiri. Naiimagine ko palang nasusuka na ako." Uminom agad ako ng tubig at pinaypayan ang sarili ko.

"Hindi mo gagawin kasi nga ginawa mo na." Nakangising saad ni Audrey. Hinawi niya ang buhok niyang mahaba.

Matagal ko pa siyang tinitigan. "That's not true." Depensa ko sa sarili ko. Tumawa lang sila.

Gabi na din nang makauwi ako sa bahay. Patay na ang ilaw at halatang tulog na silang lahat. Napadaan ako sa wall kung nasaan ang family picture namin dati.

Napakunot ang noo ko nang mawala iyon doon. Pinalitan iyon ng bagong family picture kung saan wala ako doon. Nanginig ang labi ko dahil sa nag aalab kong nararamdaman. Gusto kong magalit at gusto kong mag wala kaagad. Parang kasama akong namatay ah.

"Everleigh." Napalingon agad ako nang marinig ko ang boses ni Papa mula sa likod. In his right hand he was holding a glass of wine.

Walang reaksyon ang mukha ko nang harapin ko siya. "Ganon nalang po ba kadali para sayo ang itapon at kalimutan ang lahat ng alaala kung saan bahagi si Mama, Pa?" Diretso kong tanong sa kanya.

UNTIL I  LOVE YOU (Hope of heart series 02)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon