Chapter 35.1

10.5K 278 8
                                    

Kinabukasan ay tahimik namagkaagapay ang mag-asawa habang patungo sa library. Walang gustongbumasag ng katahimikan sa kanila sa tensiyon na nararamdaman.Natatakot si Maureen sa maaaring magiging damdamin ng kaniyang amakapag nalaman nito ang pagpapakasal niya kay Nathan.


Habang hinihintay niRodrigo ang anak ay maraming bagay ang tumatakbo sa kaniyang isipan,masyado siyang nag-aalala para sa anak dahil maaaring ginagawa lamangitong pampalipas oras ni Nathan. At nang maramdaman nito angpresensiya ng mga hinihintay ay tinitigan lamang niya ang mga ito.


"Papa, alam kongdarating ang pagkakataon na ito pero sana unawain mo kami," simulani Maureen pagkaupo sa tapat ng kinauupuan ng ama.


"Meron ba akong dapatmalaman tungkol sa inyo?" tanong ni Rodrigo habang kay Nathan itonakatingin ito na tahimik na nakikinig.


Parang naumid ang dilani Maureen, natatakot siyang magsalita dahil mas nananaig angpag-aalala niya sa kalusugan ng kaniyang ama. Naramdaman na lamangniya na pinagsalikop ni Nathan ang kanilang mga kamay at nangbalingan niya ito ay nakita niya sa mga mata nito ang emosyon nahindi niya maipaliwanag.


"Ikinasal na po kamini Maureen," buong tapang na pag-amin ni Nathan. Sinalubong niyaang mapanuring titig ng biyenan. Ito na ang hinihintay niyangpagkakataon upang patunayan sa mga magulang ng asawa ang totoongdamdamin.


Napatuwid ng pagkakauposi Rodrigo. "Nakuha mo rin ang gusto mo," makahulugang tugonniya.


"Inaamin ko na maliang ginawa ko noon sa inyo. I was an asshole. I was desperate namakalapit kay Maureen noon kaya nang magkaroon ako ng pagkakataon ayhindi ko na pinalampas," buong pagpapakumbabang paliwanag niNathan. Kahit ano pa ang sabihin ngayon ng kaniyang biyenan ay hindiniya isusuko ang asawa. Inaamin niya na maraming babaeng nagdaan sabuhay niya ngunit si Maureen talaga ang pinangarap niya.


"Tama ka hindi mopinalampasan ang pagkakataon at talaga ginipit mo ang pamilya naminupang mapapayag mo lamang ako na ipakasal sa 'yo ang anak ko. Nathan,walang halagang katumbas ang anak ko at kahit maghirap kami ayhinding-hindi ko ipagpapalit ng ano mang halaga ang kalayaan ng anakko. Ipawalang bisa mo ang kasal ninyo sa lalong madaling panahonhabang kaya ko pang kontrolin ang sarili ko." May diin ang hulingsinabi ni Rodrigo.


Pigil hininga siMaureen habang nakikinig hindi siya makapaniwala sa mga nalaman.Gustuhin man niyang sumabad sa usapan ngunit tila walang tinig anggustong lumabas sa kaniyang mga labi.


"Hindi ko ipapawalangbisa ang kasal namin," mabilis na tugon ni Nathan.


"Magiging miserablelang ang buhay ng anak ko sa 'yo. Alam ko na darating ang panahon namagsasawa ka rin sa kung ano mang relasyon ang meron kayo."


"No, It won'thappen." Kay Maureen na nakatingin si Nathan. Hinila niya angisang silya na nasa kabilang panig ng library at naupo sa harap ngasawa. Ginagap niya ang dalawang kamay nito.


Tinitigan lamang niMaureen si Nathan. May takot siyang nakita sa mga mata nito.


Naiiling si Rodrigohabang nakatunghay sa dalawa. Bago niya kinausap ang mga ito ayipinagtapat na ng kaniyang asawa ang ginawang pagpapakasal ng anakkaya hindi na siya nasorpresa nang magtapat si Nathan. Ang tangingpinag-aalala niya ay kung hanggang kailan matatapos ang kalokohangito dahil alam niya na noon pa man ay may damdamin na ang anak parakay Nathan. Alam niya na si Maureen ang dehado sa sitwasyon.

Deal with the Millionaire (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon