Chapter 21.2

29.4K 768 334
                                    

Chapter 21.2

Maluwag ang pagkakangiti ni Maureen ng matanaw ang tiyahin na nag-aabang sa kanya. Ayon sa driver na sumundo sa kanya sa airport ay talagang nagpahanda ng masaganang hapunan ang kanyang tita Fely para sa pagdating niya.


Halos hindi siya makapaniwala sa mga nakikita. May isang napakarangyang mansion na nakatayo sa gitna ng napakalawak na solar na napapalibutan ng iba't ibang mamahaling halaman. Maraming katanungan ang naglaro sa kanyang isipan. Ang kanyang tita Fely ay namumuhay ng ganito karangya samantalang ang kanyang mama ay naghihirap sa America.


"Maureen! I'm glad na nakauwi ka na rin dito." Masayang salubong ni Fely sa pamangkin. Halos isang dekada na rin niyang hindi nakikita ito at ang pamilya ng kanyang kapatid.


Naramdaman ni Maureen ang higpit ng yakap ng tiyahin. "Sorry tita. Medyo na delay ang pagpunta ko. May mga tinapos lang po akong trabaho sa Manila." Paliwanag ni niya.


"That's alright. Ang importante nandito ka na. Bukas na bukas din marami tayong aasikasuhing trabaho."


"Yeah, I heard about the expansion of your resort. I don't know kung paano ako makakatulong sa inyo tungkol doon. I don't have an experience about the construction and the designs. Kaya nagtataka ako kung bakit ako ang pilit ninyong pinapauwi rito."


"Let's not talk about it today. I want you to rest first. Ipinahanda ko ang mga paborito mo, mas mainam na kumain ka na muna." Pahayag ni Fely habang kaagapay ang pamangkin papasok ng mansion.


"Oh my god! Tita, you've got a very nice house..... I mean mansion." As she walked into a mansion and see the tallest ceiling ever, lovely crown molding, a table in the center, two flights of spiral staircases going up to the second floor, the floor is ceramic tile. There are pricey things all over the place.


"This is ours, Maureen. Dapat sa mama..." Natigilan si Fely. Hindi pa ito ang tamang pagkakataon para pag-usapan ang tungkol dito.


"Ang mabuti pa sa kumedor na tayo dumiretso." Pag-iiba niya sa usapan.


"Tita, busog pa po ako. I will take a rest first." Kahit na gutom ay mas pinili muna niyang magpahinga para magkaroon siya ng pagkakataon na matawagan si Nathan. At paghahadaan din niya gagawing pagtatapat sa tiyahin tungkol sa pagpapakasal niya.


"Okay. Ipapahatid kita sa magiging kuwarto mo." Mabilis na tugon ng ginang bago tinawag ang isang kasambahay.


Napasinghap pa rin si Maureen ng mabungaran ang magiging silid. Ganitong-ganito ang hitsura ng kanyang kuwarto noong mga panahong mayaman pa sila. Sadya bang ipinagaya ng kanyang tiyahin ang kanyang silid-tulugan noon? Ito ang katanungang naglalaro sa isipan niya ngayon ngunit naputol ang pagmumuni-muni niya ng biglang tumunog ang kanyang cellphone. Dali-dali niyang inilabas ito sa kanyang handbag, umaasa siya na si Nathan ang nasa kabilang linya.


Napailing si Maureen ng makitang si Grace na naman ang tumatawag sa kanya. Napakawala muna siya ng malalim na buntong hininga bago ito sinagot.


"Hi, Grace napatawag ka."


"Keep your eyes to your husband. Baka maagawan ka lalo na hindi mo naman talaga siya pagmamay-ari." Sabay halakhak ni Grace. Hindi na hinintay na makapagsalita si Maureen sa kabilang linya pinutol na niya ang tawag dito.


Talagang ayaw siyang tantanan ni Grace. Medyo apektado siya sa huling sinabi nito. Kailangan niyang kausapin si Nathan, ayaw niyang maglihim dito. Isusumbong niya ang mga pinagsasabi ni Grace.


Nakakaisang ring pa lamang ay agad ng may sumagot sa kabilang linya. "Nathan, kadarating ko lang dito sa bahay ni tita Fely."


"Nadelay ba ang flight ninyo?" Kalamadong turan ni Nathan pero sa totoo lang ay gusto na niyang bulyawan ang asawa dahil sa panloloko nito sa kanya. Pagkatapos nilang mag-usap ni Grace ay muli siyang bumalik sa sasakyan upang kalmahin ang sarili.


"Oo, delayed ng halos 2 oras. Nagkita pala kami ni Grace sa airport kanina papun..."


"Sinabihan na kita na huwag ka ng makikipag-usap sa babaeng iyun di ba?"


"It was a coincidence. Papunta daw siya ng Cebu, wala naman kaming napag-usapan. She just hugged me." Pagpapaliwanag ni Maureen.


Napakunot ang noo ni Nathan. Pupunta ng Cebu si Grace ngunit kausap niya lang ito kani-kanina lang. "Wala na kayong ibang pinag-usapan?"


"Wala na at wala naman kaming dapat pag-usapan pa. Ayoko ko lang siyang ipahiya kaya kinausap ko siya ng maayos."


Biglang napaisip si Nathan. Mas naniniwala siya sa asawa kaysa kay Grace dahil ito ang may motibo na guluhin ang buhay niya.


Nang biglang nanahimik si Nathan sa kabilang linya ay kinabahan si Maureen. "Is there something wrong? Galit ka na naman ba dahil nakipag-usap ako kanina kay Grace? I swear, Nathan. Wala kaming ibang pinag-usapan ni Grace it was just a casual talk."


"I believe you, sweetheart. I'll see you tomorrow. Magpahinga ka na muna alam kong napagod ka. Pagkatapos kong makausap si Senator Illustre uuwi na rin ako." Bilin ni Nathan sa asawa. Hindi niya kayang komprontahin si Maureen tungkol sa mga sinabi ni Grace dahil nag-iingat siya na masaktan niya ang damdamin nito.


May mga tao na rin naman siyang kinausap upang magbantay sa seguridad niya ngayong gabi kaya kampante siya na walang mangyayaring masama sa kanya. 


_________________

A.N.

Ano sa tingin ninyo ang mangyayari sa next part? :D 

Deal with the Millionaire (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon