Chapter 7.1

22.9K 708 31
                                    

Chapter 7.1

Panay ang buntong hininga ni Nathan habang nakakuyom ang dalawa niyang kamao. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na may tumangging babae sa kanya at ang hindi niya matanggap ay mas pinili pa ni Maureen ang boyfriend nito. Wala siyang pakialam kung sino man ang lalaking iyun ang tanging sisiguruhin niya ay mapapasakanya ang dalaga. Iniisip pa lamang niya na may ibang lalaking kasama ito ay parang gusto na niyang magwala.



"Excuse me sir, Maureen's mother wants to talk to you." Magalang na turan ni Helen habang nakasungaw sa pinto.



Napakunot ang noo ni Nathan. Nagkaroon na siya ng pagkakataon noon na makaharap ang ginang at masasabi niyang hindi naging maganda ang una nilang engkwentro. Namalayan na lamang niya na nakatayo ang ginang sa tapat ng mesa niya.


"Talaga bang hindi mo titigilan ang anak ko?" Mahahalata sa boses ni Frances ang tinitimping galit.


"Sabihin niyo sa akin kung magkano ang kailangan ninyo basta hayaan niyo lang magpakasal sa akin si Maureen."



Muntik ng mapamura si Frances sa narinig. Buong hinahon niyang hinarap ang binata. "Hindi mo kayang bilhin ang anak ko, Nathan. Kung noon ay hindi kami pumayag sa gusto mo ngayon pa ba na sanay na kami sa hirap. Huwag mong ipagpilitan ang sarili mo kay Maureen. Hangga't nabubuhay kaming mag-asawa hindi namin mapapayagan na mapabilang siya sa mga babae mo." Nanginginig na sa galit si Frances habang nagsasalita.



"I am offering her marriage. It means I'm willing to give my name to her." May pagyayabang na pahayag ni Nathan.



Napailing si Frances. "Ano ba ang meron sa pangalan mo? You're nothing without your money." Pang-iinsulto ng ginang



Napapangiti si Nathan habang pinapanood ang reaksiyon ng ina ni Maureen. Ganito rin ang reaksiyon nito ng una silang magharap ang kaibahan nga lamang noon ay may pabor silang hinihingi sa kanya. "Kung ako ang mapapangasawa ng anak ninyo sisiguruhin ko na makukuha niya ang lahat ng karapatan bilang Sarmiento. She will be entitled to have the half of my properties." Gusto niyang murahin ang sarili dahil hindi niya alam kung bakit ganito na lamang ang pagnanais niya na makarelasyon si Maureen. Unang kita pa lamang niya sa litrato ni Maureen sa opisina ng ama nito ay nagkaintres na siya sa dalaga. Umabot pa nga sa panggigipit niya sa pamilya nito para lamang hayaan siyang makalapit sa dalaga.



"Kung noon hindi kami pumayag sa kalokohan mo kahit na ginipit mo kami ng husto sa mga pagkakautang namin sa bangko ninyo. Sa tingin mo hahayaan naming mag-asawa na mapasama ang kaisa-isa naming anak na babae." Halos duruin ni Frances ang binata. Muli na naming nanariwa sa isipan niya ang mga sakit na naranasan dahil sa ginawang pangigipit ni Nathan sa kanila. Kakaupo pa lamang nito bilang president ng SV Bank at talagang maraming nabagong patakaran sa bangko at hindi nito pinaligtas ang pagkakautang nila. Doon na nagsimula na mawala ang lahat-lahat sa kanila ng hindi sila pinagbigyan sa extension na hinihingi nila.



"Mrs. Saavedra, please sit down first. Puwede naman tayong mag-usap na hindi nagsisinghalan." Pagpapakalma ni Nathan. Natatakot din siya na maaaring mapasama sa kalusugan ng matanda ang galit na nararamdaman nito ngayon.



"Wala na tayong dapat pag-usapan. Pumarito lang ako para balaan ka na tigilan mo ang anak ko. And starting today she will not work in this company!"


Napatuwid ng pagkakaupo si Nathan dahil sa huling sinabi ng ginang. Kung totoong hindi na nga magtatrabaho si Maureen sa kumpanya ng kapatid ay mas lalong lalabo na mapasakanya ang dalaga. "Ano ang gusto ninyong gawin ko para payagan nyo akong pakasalan ang anak ninyo?" May pagpapakumbaba na sa boses ni Nathan ng muling magsalita.


Matagal na tinitigan ni Frances ang binata pilit na pinag-aaralan niya ang motibo nito. "Kung ipapangako mong mamahalin mo ang anak ko baka ako mismo pa ang kumumbinse sa kanya."


Pakiramdam ni Nathan ay parang nagtayuan ang lahat ng buhok niya sa ulo. Wala sa bokabularyo niya ang salitang pagmamahal kaya imposible ang hinihiling sa kanya ni Mrs. Saavedra.


"Hindi mo kaya di ba? Wala na tayong dapat pag-usapan. Kung hindi mo titigilan ang anak ko ako ang makakalaban mo." Muling pagbabanta ni Frances bago walang lingon likod niyang nilisan ang opisina ng binata.


Napailing na lamang si Nathan habang pinapanood ang paglabas ng ginang. Kung hindi lamang ito ang ina ni Maureen ay baka nabastos na niya ang matanda. Kung kaya lang niyang baguhin ang nakaraan ay gagawin niya. Inaamin niya sa sarili na naging masyado siyang agresibo noon para patunayan ang sarili sa stepfather at isa ang mga Saavedra ang naapektuhan sa mga pagkakamali niya.


Malinaw pa rin hanggang ngayon sa isipan niya ang ginawang pagtanggi ng mag-asawang Saavedra sa proposisyon niya. Ipinangako niya sa sarili na kapag nakaharap niya ng personal ang anak ng mga ito ay gagawin niya ang lahat para mapasakanya lamang ito ngunit sa tinatakbo ng sitwasyon ngayon ay tila mabibigo na naman siya. Bigla siyang napatayo ng may naisip na ideya. Nagmamadali niyang tinungo ang puwesto ni Helen upang kunin dito ang address ng mga Saavedra. Kailangan niyang mapaniwala ang mga magulang ni Maureen na seryoso siya sa dalaga.

______________

A.N. 

Sorry ang tagal ng UD ngayon super busy lang sa work :( 


Happy reading!!

Deal with the Millionaire (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon