Chapter 18.1
Papalabas pa lamang si Marian sa inookupang kuwarto ng mag-asawa ng biglang bumungad ang isa sa mga kasambahay nila, hawak nito ang cordless phone.
"Maam, para p okay sir Nathan. Si maam Farah po."
Napataas ang kilay ni Marian pagkarinig sa pangalan na binanggit ni Loleng. "Bakit ka tinatawagan ng babaeng iyan? At paano niya nalaman na nandito ka sa mansion." Hindi na niya naitago ang pagkadis-gusto sa dating karelasyon ng anak.
"Mommy, sinabi ko sa kanya..." Mabilis na tugon ni Nathan sabay abot sa telepono na hawak ni Loleng.
"Nathanieil! For God's sake may asawa ka na! Tigilan mo na ang pakikipakita sa babaeng iyan." Kunsimidong bulalas ni Marian.
"Excuse me, I'll take this call." Tinalikuran ni Nathan ang dalawang babae at tinungo ang library kung saan makakapag-usap sila ng maayos ni Farah.
Samantalang si Maureen ay nagpupuyos ang kalooban sag alit. Kahit ang mga magulang ni Nathan ay hindi siya kayang pigilan pagdating kay Farah. Ngayon pa lamang ay buo na ang kanyang desisyon.
"Maureen, anak huwag mong hahayaan na magkaroon pa ng ugnayan ang asawa mo at ang babaeng iyun." Pukaw ni Marian sa pananahimik ng manugang. Naiintindihan niya ang nararamdaman nito kaya naman handa siyang alalayan ito.
Mapait na napangiti si Maureen sa biyenan bago nagsalita. "Wala naman po tayong magagawa sa anumang gusto ni Nathan."
"Halika rito." Nagpatiuna ng umupo sa pandalawahang sofa si Marian. Ito na ang pagkakataon na makausap ng masinsinan ang manugang.
Kinakabahang sumunod si Maureen at umupo siya sa tabi ng biyenan.
Matamang tinitigan ni Marian ang manugang. "Hija, magtapat ka sa akin. Bakit biglaan ang pagpapakasal ninyo ni Nathan?"
Parang biglang naumid ang dila ni Maureen, hindi niya alam kung paano sasagutin ang tanong nito. Minabuti na lamang niyang manahimik dahil alam na niya ang mangyayari kung magtatapat sa ginang.
Ang pananahimik mo ay parang ibinigay mo na rin sa akin ang kasagutan. May malalim na dahilan kung bakit mo pinakasalan ang anak ko at nasisiguro kong hindi kasama rito ang pag-ibig." Malungkot na pahaya ng ginang bago nito ang dalawang kamay ng manugang.
"Mommy, I'm sorry kung hindi ko masasabi sa inyo ngayon ang dahilan ng pagpapakasal naming pero...."
"Ssshhh... it's okay, I understand." At marahan niyang pinisil ang mga palad nito.
Nakahinga ng maluwag si Maureen ng marinig ang sinabi ng biyenan. "Mommy, kailangan kong pumunta ng Palawan. My aunt is waiting for me."
"Alam ba ni Nathan ang tungkol dito?"
"Hindi ko pa po nasasabi sa kanya."
"I'm sure hindi ka niya papayagan." Mabilis na nag-isip ang ginang kung paano niya mapapaamin ang anak sa totoong nararamdaman nito kay Maureen.
"Basta tatandaan mo na you're part of our family. Masaya rin ako dahil ikaw ang pinakasalan ni Nathan kaya kung anuman ang mga sasabihin ko huwag mong seseryosohin."
Napakunot ang noo ni Maureen, bigla siyang naguluhan sa takbo ng usapan nila. Pinagkibit balikat na lamang niya ang huling sinabi ng biyenan.
Nang mga oras na iyun ay nakikipagtalo naman si Nathan kay Farah. "I told you, I'm a married man now. Hindi na dapat tayo nakikitang magkasama especially in public."
"I don't care if you're married! You can process your annulment anytime alam ko naman na hindi mo mahal ang babaeng iyun. And you promised that you'll help me for my dad's campaign, next year na ang election kaya dapat ngayon pa lang ay visible na tayo sa mga charity events."
"Farah, I'm sorry pero hindi kita mapagbibigyan this time."
"Nat, please nakikiusap ako kahit itong event lang na ito samahan mo ako. Ang alam ng daddy that we're still engaged. Mapapahiya and pamilya ko sa mga kaibigan namin at baka maapektuhan din ang kandidatura ng daddy." Pagmamakaawa ni Farah.
Napasabunot si Nathan. Gusto niyang samahan si Farah pero alam niyang hindi ito magugustuhan ng asawa. "Okay, I'll go with you but in one condition.... Sasabihin ko na kay Senator Illustre na hindi totoo ang tungkol sa engagement natin."
Halos maglulundag si Farah ng marinig ang pagpayag ni Nathan. Sisiguruhin niyang hindi papalpak ang mga plano niya. Mapapasakanya si Nathan.
_________________
A.N.
Enjoy reading!
Grabe na miss ko kayong lahat! ang dami palang naghihintay ng update ko.
YOU ARE READING
Deal with the Millionaire (Completed)
General FictionMaureen believes that everything happens for a reasons, ngunit wala sa hinagap niya na masusuong siya sa ganitong kagulong sitwasyon. Kailangan niyang pakasalan ang nakatatandang kapatid ng boss niya upang malusutan ang isang problema pero mukhang m...