Biglang nagpanic siFarrah ng matanaw niya si Nathan na nagmamadali patungong parkingarea. "Damn! What's wrong with that guy," inis niyangbulong. Kailangan niyang mapigilan si Nathan dahil kung hindi aytuluyan ng masisira ang plano nila ni Grace. Paliit na ng paliit angtsansa niya na mabaling muli ang atensiyon ni Nathan sa kaniya.
"Nathan! Where are yougoing?," humahangos na tanong ni Farah ng maabutan ang lalaki satapat ng kotse nito. Umiikot din ang kaniyang paningin pilit nahinahagilap ang mga taong binayaran nila ni Grace.
"I have an emergency,Farah. We'll talk but not now." Hindi na nilingon ni Nathan angbabae, dire-diretso na siyang pumasok sa kaniyang sasakyan.
"A-ano ang sasabihinko kay Papa? I'm sure he will ask me about our wedding."Natatarantang tanong ni Farrah lalo na ng simulan ng buhayin niNathan ang makina ng kotse.
Tinapunan ngnakakalokong ngiti ni Nathan ang dating nobya. "Naririnig mo ba angsarili mo?" he asked sarcastically.
"Nathan, please don'tgo..." pagmamakaawa ni Farrah.
"Ilang beses ko bangsasabihin sa' yo na may asawa na ako. And I don't have plans to annulour marriage," matigas na turan ni Nathan.
Naumid ang dila niFarrah at wala na siyang nagawa ng tuluyan ng pinaandar ni Nathan angsasakyan nito. Tinanaw na lamang niya ang papalayong lalaki habangnagngingitngit ang kalooban dahil sa mga inutil na taong inutusan ngbastarda niyang pinsan.
"Ma'am, hindi po kamimakalapit kay Mr. Sarmiento. Mahigpit din po ang mga security niya,"report ng pinaka pinuno ng grupo na binayaran nila ni Grace.
Nanlilisik ang mgamatang binalingan niya ang lalaki na nakatayo sa may likuran niya."Ang sabihin ninyo mga inutil kayo! Umalis ka sa harapan ko dahilnaaalibadbaran ako. Mga walang kwenta!" Galit na galit na bulyaw niFarrah.
Nakasimangot na bumaliksi Farrah sa loob ng function hall kung saan ginaganap ang charityevent ng kaniyang Papa. Nakasalubong niya ang kaniyang ama sahallway. "Papa, hindi na nakapagpaalam si Nathan...."
Hindi na pinatapos niSenador Illustre ang mga kasinungalingang sasabihin ng anak. "We'lltalk tomorrow, Farah. Kinausap na ako ni Nathan tungkol sa kalokohanninyo." May pagbabanta ang tono ng pananalita nito.
Namutla si Farrah sasinabi ng ama. Nagmamadali siyang tumalikod, naninikip ang dibdibniya dahil sa kaba. Humanap siya ng lugar kung saan maaari niyangibuhos ang emosyon hanggang natanaw niya ang isang garden sa kabilangpanig ng hallway. Nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga bagoumupo sa isang garden chair. At nang mahimasmasan ay tinawagan niyasi Grace.
"Hi! My dear cousin.Kumusta ang event? In a few hour mapapasaiyo na si NathanielSarmiento." Sinabayan pa ng tawa ni Grace.
"Gaga! Mga inutil angtao mo. Hinayaan lang nila na makaalis si Nathan," nainis na turanni Grace.
BINABASA MO ANG
Deal with the Millionaire (Completed)
General FictionMaureen believes that everything happens for a reasons, ngunit wala sa hinagap niya na masusuong siya sa ganitong kagulong sitwasyon. Kailangan niyang pakasalan ang nakatatandang kapatid ng boss niya upang malusutan ang isang problema pero mukhang m...