Chapter 16.1

23.9K 712 106
                                    

Chapter 16.1

Hindi mapakali si Nathan habang hinihintay si Maureen. Panay na rin ang tingin niya sa oras dahil ilang sandal na lamang ay magsisimula na ang hapunan ngunit hanggang ngayon ay kausap pa rin ng mga magulang niya ang kanyang asawa. Nagpalipas pa siya ng halos kalahating oras at ng hindi pa rin bumabalik si Maureen sa kuwarto nila ay nagpasya na siyang bumaba. Nasa hallway pa lamang siya ng marinig niya ang boses ng kapatid.


"Kuya! How are you?" Masiglang bati ni Margarette bago nilapitan at niyakap ng mahigpit ang kapatid.


"I'm good. Hindi ko na kailangang kumustahin ka dahil alam kong malaki ang problema mo ngayon. Kaya nga biglaan ang pag-uwi ko." Pasaring ni Nathan kay Dale Andrew na tahimik na nakaalalay sa kapatid. Magmula ng nalaman niya na ito ang dating boyfriend ni Maureen ay lalong kumulo ang dugo niya rito.


Naramdaman ni Margarette ang tensiyon sa pagitan ng dalawang lalaki kaya inilihis niya ang usapan. "I think our dinner is ready. Namiss ko ang specialty ng mommy." Masigla niyang turan at inaya ng bumaba si Dale Andrew. Ayaw niyang iwan ito sa kanyang kuya dahil nasisiguro niyang may hindi magandang mangayayari sa dalawa.


Naikuyom na lamang ni Nathan ang mga kamao habang pinapanood ang dalawa patungo sa komedor. Ngayong nasaksihan niya kung paano protektahan ni Margarette sa kanya si Dale Andrew ay nasisiguro niyang mahal na ito ng kapatid kaya hindi niya hahayaang sirain ni Maureen ang kaligayahan ng kapatid.


"Sweetheart, what's wrong with you? Kanina ko pa napapansin na malungkot ka." Nag-aalalang tanong ni Dale Andrew sa asawa.


"Kahit sino naman ay malulungkot kung puro problema ang ibinibigay mo sa asawa mo." Pasinghal na tugon ni Nathan pagpasok na pagpasok sa dining room.


Sabay na napalingon sa likuran sina Margarette at Dale Andrew, hindi nila namalayan na nakasunod pala sa kanila si Nathan. Matalim ang mga tingin nito kay Dale Andrew.


"Kaya nga nandito ako para ayusin ang problema namin..."


"Tarantado ka pala! Kung gusto mong ayusin ang problema ninyo ng kapatid ko, bakit hindi mo putulin ang relasyon mo sa girlfriend mo?!" Namumula sa galit si Nathan. Pilit niyang kinokontrol ang sarili upang hindi maging marahas sa kaharap.


"Hindi ko maintindihan ang sinasabi mo." Malumanay na tugon ni Dale Andrew.


"Kuya, please calm down. Puwede naman kayong mag-usap ng hindi nagsisigawan." Pakiusap ni Margarette sa kapatid.


Hindi pinansin ni Nathan ang kapatid bagkus ay walang pangingimi niyang kinompronta si Dale Andrew tungkol sa nasaksihan niya. "Paano mo ipapaliwanag sa akin ang pagtatagpo ninyo sa family room kanina? At talagang dito pa sa pamamahay namin."


Napakagat ng pang-ibabang labi si Margarette, hindi niya inaasahan na nakita pala ng kanyang kuya ang pagpasok ng dalawa sa family room.


Magpapaliwanag sana si Dale Andrew ngunit muling nagsalita si Nathan.


"Mamaya natin pag-usapan iyan sa harap nina daddy at mommy." Pahayag ni Nathan.


Napabuntong hininga na lamang si Dale Andrew. Madaling paliwanagan ang mga magulang ng mga ito at ipinapag-alala niya ngayon ay si Margarette. Paano niyang papaniwalain itong wala na silang relasyon ni Maureen. Naiinis siya dahil kung bakit naman kasi nandito pa ang babaeng iyun.


"Kuya..... Dale Andrew,kung anuman ang problema natin sana hindi ito mapag-usapan habang kumakain. We have a lot of time after our dinner. I want to enjoy my food. It's been 2 days since I didn't have a decent meal." Seryoso niyang turan sa mga ito.


"Okay" Tanging nasabi na lamang ni Nathan.


Si Dale Andrew naman ay napatango na lamang bilang pagsang-ayon.


"Where's your wife?" Biglang tanong ni Margarette sa kapatid. Kanina pa niya ito gustong tanungin ngunit hindi siya nagkaroon ng pagkakataon.


"Kausap nina daddy at mommy." Maikling tugon ni Nathan.


Agad na tinawag ni Margarette si manang Maring na nakatayo sa di-kalayuan. "Manang, patawag na po ninyo sina daddy."


"Sinundo na sila ni Cely." Mabilis na tugon ng matanda.


Nang mapatingin si Margarette sa kapatid ay titig na titig ito sa kanya. "Why?" Nagtataka niyang tanong dito.


"Ilang buwan na iyan?" Sabay baba ng tingin ni Nathan sa tiyan ng kapatid.


"Ten weeks na. Kayo may plano na rin ba kayong magkababy?" May halong pang-aasar na sabi niya rito.


"Depende kay Dale Andrew." Mabilis na tugon ni Nathan.


Napakunot ang noo ni Dale Andrew, nagulat siya sa narinig. "Bakit depende sa akin? Wala naman akong pakialam sa inyo ng asawa mo."


Nginisian ni Nathan ito. "Mamaya mo sabihin sa akin iyan kapag ipinakilala ko na sa'yo ang asawa ko."


Muli pa sanang magsasalita si Dale Andrew ngunit bumungad na ang mga mag-asawang Sarmiento at kasama pa ng mga ito si Maureen. Lalong lumalim ang pagkakakunot ng noo niya ng tumayo si Nathan at inakbayan nito ang babae.


Lihim na napangiti si Nathan habang pinagmamasdan ng naging reaksiyon ni Dale Andrew. Naisip niya na tama ang naging desisyon niya na pakasalan si Maureen ngayon ang pagtutuunan muna niya ng pansin ay ang problema kay Dale Andrew sa mga susunod na araw na lamang sila magtutuos ng asawa tungkol sa nalaman niya mula kay Grace.

________________

A.N.

Enjoy reaading!!!

Deal with the Millionaire (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon