“Flight attendants, cabin crew, and passengers, prepare for landing, please.”
Tanghaling tapat nang mag land ang eroplanong sinakyan ko. Kaya naman pagka labas ko ng airport ay tagiktik ang pawis ko.
Dahil walang nakaka alam na uuwi na ako ngayon, walang sumundo sa akin. Walang Kara na nag aabang sa akin.
I'm going home alone.
That's fine, though. At least, at the end of the day, I'll come home to her. She's my home.
I took a bus to Sta. Cruz. I am so bored because I don't have my phone with me. I can't play music and I can't play games. I just killed my boredom with the visuals of the imposing buildings that the vehicle was passing through.
I know that I am so close to home when there's not much tall buildings around. I'm outside the city. I'm entering the province.
I won't say that I miss the climate or the weather here already because I've been away for only five months. And the places I'm deployed to where mixed. Not all countries I've been through were hot like this but not all of them were cold either.
I move to different countries from time to time because my position is no joke. I have to keep my eyes on my men. I consider this a blessing that General Ferrer agreed to my request for leave. I am honestly just trying my luck. And I am lucky that it's on my side right now.
Or so I thought.
Bumaba ako ng Bay, sa tapat mismo ng isang sikat na fastfood chain sa buong bansa. Iyong may bubuyog na pula kung saan bida ang saya. Gusto ko sanang dumaan para bumili ng makakain at para makabili na rin ng pasalubong kaso ay hindi ako confident sa damit at itsura ko. Baka amoy araw na rin ako, nakakahiya naman.
Kanina ko pa ito suot at sa ibang bansa pa ako nang galing. Tapos commute pa ako. Ang init init dito sa Pilipinas kaya pawis pawisan na ako kahit kakababa ko pa lang naman ng bus.
Uuwi ba muna ako? Shit naman. Miss ko na girlfriend ko, e.
Pero kailangan kong maligo muna bago magpakita ro’n kasi sobrang arte no’n at maselan sa mga kakaibang amoy. Baka mapagkamalan na naman niya akong may putok kapag nakita niya akong pawisan at ganito ang itsura. Baka imbis na maglambitin sa akin ay layuan pa niya ako. I need to freshen up first before seeing her.
Pumara ako ng jeep at naupo sa unahan, sa tabi ng driver.
“Manong, isang Calauan lang po ‘yan.” Sabay abot ko ng bayad ko sa driver.
Tinanggap niya iyon at mag mula no’n ay tahimik lang akong nag masid sa paligid.
Malapit lang ang Bay sa Calauan dahil karatig bayan lang ito kaya naman wala pa yatang sampung minuto ay nasa pinaka bayan na agad ako.
“Dito na lang po, Manong.” Pag para ko ng jeep.
“Salamat po, Manong,” sambit ko at mabilis nang bumaba mula sa jeep.
“Toy! Toy! Sa’n ka?” salubong ng tricycle driver na mga nag hilera sa may babaan ng jeep.
Hindi po ako sasakay dahil diyan lang ang bahay ko, Kuya. Sasabihin ko sana kaso ay tinatamad akong mag salita. Kaya sa huli ay hindi ko na lang sila pinansin at mabilis nang nag lakad.
Kapag umuuwi ako rito sa amin ay palaging nag titinginan ang mga kapitbahay namin kaya sanay na ako sa mga tingin nila ngayon sa akin.
Ang weird lang ng tingin nila ngayon sa akin. Ewan ko, kakaiba sila tumingin. Parang hinuhusgahan ako amp. May mga umiiling iling pa na tila dismayado o naaawa.
Luh? Problema niyo mga dzai?
Ipinagkibit balikat ko na lang iyon at nag tuloy-tuloy sa paglalakad.
Bago ako pumasok sa gate namin ay hindi nakaligtas mula sa pandinig ko ang bulong ng kapitbahay naming chismosa.
“Hala, nariyan na ‘yong tunay! Kawawa naman. Baka mag patayan ang mga iyan, naku!”
Ewan ko kung bulong ba ‘yon o sinadyang iparinig sa akin.
Pero para saan? Ano’ng magpapatayan? Ang OA nila, mas OA pa sila kay Kara.
Pero nang oras na makapasok ako sa loob ng bahay namin ay halos makapatay nga talaga ako ng tao. O ahas? Amputanginang si Christian, nakayakap nang mahigpit sa girlfriend ko habang nakatayo sa may sala. Kung hindi ako pumasok ay maghahalikan na sana sila.
Putangina. Ano ‘to?
Silang dalawa lang ang tao sa sala at hindi ko na maisip kung nasaan si Mama dahil mas iniisip ko kung nasaan ba ang baril ko at nang mapatay ko na 'tong hayop kong kapatid.
“Ano ‘to?” mahina ngunit mariin kong tanong.
“C-Caleb...” Kara uttered slowly as the salty waters started to form in her eyes.
BINABASA MO ANG
Mails of Trust (Military Series #2)
RomanceCOMPLETED Colonel Caleb Stellan Esguera, an army who's always ready to die for his motherland. He's a slave to his work. He always wants to be in the middle of every war he can be in. He is always miles away from his family because of his field of w...