She likes me. She admitted that bravely.
The audacity of this girl is out of this world.
Or... ganoon lang talaga siya? Malakas ang loob at makapal ang mukha.
Pumayag ako sa date na gusto niya. She promised she'll behave. She said that she won't speak if it's unnecessary. Which... I truly doubt. Hindi yata mabubuhay 'yon kung hindi magsasalita sa loob ng isang minuto.
Dahil dinner naman ang napag-kasunduan namin para sa "date" namin, nanood lang ako buong maghapon sa loob ng kwarto ko. Hindi na ako lumabas dahil no'ng nag-almusal ako kaninang umaga, nagalit lang si Mama sa'kin. Paano ay hanggang ngayon, hindi ko pa rin tinatawagan si Christian.
Nawawala sa isip ko ang dapat kong gawin dahil si Kara at ang ka-ingayan niya ang naghahari sa utak ko. Malapit na akong marindi. Paano na ako mamaya kapag kasama ko na siya?
'Di kaya ang awkward no'n? Hindi naman namin kilalang-kilala ang isa't isa, tapos magde-date agad?
Kakapalan kasi ng mukha ng babae na 'yon, siya pa talaga ang nag-initiate ng date, ah?! I suddenly wonder if she's like this to other guys as well.
Baka ganoon rin? At hindi tumatanggi kasi... sino ba'ng tanga ang tatanggi makipag-date sa gano'n ka-ganda? Wala naman siguro.
Dahil malapit lang ang bahay nila Kara, alas sais nang nagpasya akong bumangon mula sa kama ko. Nagsimula na akong mag-ayos ng kwarto, maligo, at kung ano-ano pa.
Tinanong ko na siya kung saan ang address niya at sa kabilang barangay lang 'yon. Kaya naman pala naglalakad lang no'ng unang beses na pagkikita namin. Malapit lang ang bahay nila rito sa amin.
Binigyan niya rin ako ng sketch papunta sa bahay nila. I-sinend niya 'yon through Messenger. Nakapunta na ako roon noon, bago pa ako sumabak sa military, dahil may barkada akong taga-roon no'ng junior high school.
Nang nakaligo na ay nagbihis na rin ako. Sabi ni Kara, sa resto malapit daw sa may lawa ang gusto niyang kainan namin. Alam ko na rin ang lugar na tinutukoy niya, sa katabing bayan iyon. Mainit ang mismong restaurant dahil hindi airconditioned, pero dahil katabi lang ng lawa, sariwa ang hangin at presko ang aura, kaya hindi na rin gano'n ka-init.
Ang dami-daming restaurant sa lugar namin at sa mga karatig bayan pero aniya'y mahilig daw siya sa tanawin na may tubig kaya roon niya raw gustong maganap ang date namin.
Sa pakikipag-chat ko sa kaniya, marami na siyang mga bagay na tungkol sa kaniya ang nabanggit niya sa akin. Sa chat pa lang 'yon, ah? Hindi pa sa personal pero ang daldal na agad. Paano pa kaya mamaya 'di ba? Baka mapanis ang laway ko dahil siya na lang nang siya ang iimik sa aming dalawa.
Pinili ko ang isang light blue v-neck tshirt na hapit sa katawan ko at isinuot iyon. Kapares no'n ay isang simpleng light washed jeans lang at combat boots ko.
Humarap ako sa salamin sa kwarto ko para tingnan ang sarili ko.
Maayos naman ang itsura ko. Dumapo ang paningin ko sa mga letrang nasa itaas na bahagi ng dibdib ko, sa bandang kaliwang bahagi. Kitang-kita, baka ma-turn off 'yon at baka mang-stereotype?
Bahala na. Hindi ko naman siya liligawan. Simpleng dinner lang ito para sa akin, pinag-bigyan ko lang siya sa kalokohan niya.
Umalis na ako ng bahay. Nagpaalam ako kay Mama at simpleng tango lang ang isinagot niya sa akin. Hindi manlang tinanong kung anong oras ba ako uuwi o kung uuwi ba ako.
Sa bagay... wala naman siyang pakialam kung hindi man ako umuwi.
"Grabe, Caleb, ha?! Three minutes akong nag-hintay! Kinagat na ako ng lamok, may dalawang pantal na ako sa legs!" salubong sa akin ni Kara nang sunduin ko siya sa kanila.
BINABASA MO ANG
Mails of Trust (Military Series #2)
RomanceCOMPLETED Colonel Caleb Stellan Esguera, an army who's always ready to die for his motherland. He's a slave to his work. He always wants to be in the middle of every war he can be in. He is always miles away from his family because of his field of w...