Prologue

5.7K 179 127
                                    

We are unsure of how long this will take us. We are unsure of the possible things that can happen while we're apart. But you told me that we should have this one thing apart from love... trust. 

"Ay! Sorry po, Kuya Pogi!" sambit ng babaeng nakadanggi sa akin habang papasok ako ng convenience store. 

Balewala sa akin ang pagkakadanggi niya pero ang nagpa-irita sa akin ay dahil hindi niya tinitignan ang dinadaanan niya. Abala kasi siya sa pakikipagchikahan sa kasama niyang babae rin. 

Kunot noo ko silang binalingan. 

"Sa susunod kasi, tingnan niyo ang dinadaanan niyo," mariin kong sambit at nagpatuloy sa pagpasok sa napiling convenience store.

Papasok ako habang sila naman ay palabas na kaya ako nadanggi no'ng babae. At dahil nga nag chichismisan sila, hindi nila nakita na papasok na ako. 

Pagpasok ko sa convenience store ay naglibot-libot muna ako sa loob. Hindi siya ganoon kalakihan pero hindi rin naman ganoon kaliit. Mas malaki pa rin ito kung ikukumpara sa iba. 

Ang convenience store na 'to ang pinakamalapit sa bahay namin kaya rito ko napiling bumili ng pang midnight snacks ko mamaya habang nanonood ng paborito kong movie series, ang The Maze Runner. 

Nasa pinaka sentro lang ng bayan namin ang convenience store at kayang kaya kong lakarin mula sa bahay namin, pero dinala ko pa rin ang motor ko para mas mapabilis ang pag uwi ko. 

Kau-uwi ko lang kahapon galing Negros. Doon ako naka destino bilang isang Colonel. Tatlong taon akong hindi umuwi rito sa bayan namin kaya naman naninibago ako. Ang ibang establisyemento ay mga bago pa. Baka bisitahin ko ang mga iyon sa ibang araw. 

"Colonel Caleb Stellan Esguera!" sigaw ng isang pamilyar na boses. 

Lumingon ako sa likod at nakita ang isa sa mga kaklase ko no'ng high school. 

"Victor!" sigaw ko sabay ngiti. 

"Shhh!" ani Victor at sumenyas na huwag akong maingay. 

"Luko ka. Ikaw 'ang unang sumigaw," sabi ko nang makalapit siya sa akin. 

Ngumisi lang siya at umamba ng yakap. Lumapit ako sa kanya at pinaluguran ang akap na gusto. 

"Kumusta ka na?" tanong niya at tinapik ang balikat ko. 

"Ayos lang," sagot ko nang naka ngiti.

"Kau-uwi mo lang?" tanong niya.

"Oo. Kahapon lang. Ikaw? Kumusta ka?" tanong ko naman.

"Ayos lang. Eto at abala na sa buhay may asawa," aniya at humalakhak. 

Nagulat ako. May asawa na siya? Ka-edad ko lang ito ah? Bente tres?

"May asawa ka na?" tanong ko, gulat pa rin sa nalaman.

"Oo naman! Buntis nga ang misis ko. Kaya ako nandito dahil nahingi ng ubas. E sarado na ang palengke, 'yang mga ubas na nariyan na lang ang mabibili ko," aniya at nagkamot ng batok. 

Tumango ako. 

"Ikaw? Wala ka pa rin asawa?" tanong niya.

"Wala pa," sagot ko at umiling. 

Bahagya siyang nag isip. 

"Sabagay... Abala ka ro'n sa trabaho mo. Colonel ka, e. Naku! Baka sa katatrabaho mo ay hindi ka makapag asawa ha?" 

"Hindi naman siguro. At isa pa... hindi naman ako nag mamadali," sagot ko.

"Siya, sige na. Ako ang nagmamadali. Baka magalit ang misis ko sa akin," aniya at humalakhak. "Mauna na ako sa'yo, Caleb," wika niya at tinapik ang balikat ko.

Mails of Trust (Military Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon