Chapter 2

1.6K 47 26
                                    

- DEVRAH GRACE






October 8 ang petsa nung ipinanganak ko si Devorah Shauna Sandoval. Nang marinig ko ang iyak nya non ay hindi ko malaman kung anong nararamdaman ko nung mga oras na yon, andon ang kaba dahil baka hindi ko mapalaki ng maayos ang anak ko pero dahil nasa tabi ko naman si Zack ay nawala ang mga isipin kong iyon. Andon rin syempre ang pakiramdam na sobrang saya ko dahil nasilayan ko na ang ilang buwan kong dinala sa tyan ko, mula ng ilapag sya ng doctor sa taas ng tyan ko non ay wala na akong ibang hinangad kundi ang mapalaki sya ng maayos at ang maging mabuting ina para sakanya. Kasama ko si Zack mula ng dalhin si Jared ng mga magulang nya sa ibang bansa para gumaling ito agad hanggang ngayon na malaki na ang anak ko at nag aaral na.




"Marga please pumayag kang pakasalan ako..."




Pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin magawang mahalin si Zack, ilang taon na kaming magkasama sa iisang bahay at laging magkatabi matulog sa iisang kama pero hindi ko pa rin magawang ibigay ang sarili ko sakanya. Well hindi naman nya ako pinipilit pero dapat sa ngayon ay sya na ang mahal ko diba? Kasi lagi kaming magkasama, mukha na nga kaming pamilya tatlo ni Shauna eh. Mukha kaming isang masayang pamilya pero pag kami nalang ni Zack ang nasa kwarto ay parang magtropa lang kami, at iyon ang hindi ko maintindihan.





Nung tanungin ako ng mga kaibigan ko kung kelan ba namin balak magpakasal ni Zack, bigla akong kinabahan non dahil hindi ko alam kung anong isasagot o kung ano bang dapat kong maramdaman sa tanong na yun. Ni minsan ay hindi namin napag usapan ni Zack ang tungkol sa mga ganong bagay kaya hindi ko alam ang isasagot nung mga oras na iyon





Mabilis akong natauhan at nabalik sa reyalidad ng haplusin ni Zack ang mukha ko, tinignan ko sya at mabilis akong umacting na parang naawa sakanya at nalilito. Ilang sandali pa akong tumingin sakanya bago ko sabihin ang huli kong linya





"Justine I'm really sorry. Hindi ko talaga kayang magpakasal sayo" pagkasabi ko nun ay mabilis na tinapos ni direk ang eksenang ito para sa pelikula namin ni Zack kaya nagpalakpakan agad ang mga kasamahan namin dito







"Next week na po ulit ang shoot Ms.Devrah at Sir Zack sabi po ni direk magpahinga na daw po muna kayo ngayon"








"Okay sige thank you po" magalang na sagot ni Zack baka humarap sakin








"Feeling ko true to life yung acting natin kanina. Damang dama ko yung acting mo kanina" natatawa nyang sabi sakin na bigla kong ikinakaba







Ngayon ko lang sya makitang ganto. Halata ko ang lungkot sa mga mata nya kahit na tumatawa sya ngayon pero bakit? Dahil ba gusto na nyang magpakasal kami? Eh hindi naman sya nagpo-propose sakin eh ogag ba sya ?







"Tsk ilan na ba award ko for best actress?" painosente kong tanong sakanya bago ako unti unting mapangisi dahil sa tingin nya sakin







"Yabang! Halika na nga!" natatawa nyang sabi bago ako higitin








"Baby ilan na ba yung best actress award ko?" ulit ko pa pero hindi nya ako sinagot kaya natawa ako








Nagpalit lang kami saglit ng damit ni Zack bago kami pumunta sa parking lot ng venue ng pinag shooting-ngan namin ngayon, pinagbuksan nya agad ako ng pintuan sa shot gun heat bago sya umikot at sumakay rin. Mabilis na pinaandar ni Zack ang kotse nya paalis doon hanggang makarating kami sa paaralan ng anak ko, nung makarating kami doon ay saktong nag lalabasan na ang mga bata kaya bumaba agad kami ni Zack para salubungin ang anak ko








RETIRED FUCKBOY [COMPLETE] [SPG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon