Chapter 1

2K 54 17
                                    

- DEVRAH GRACE

Tawang tawa ako ng makitang habol habol ng anak ko ang aso nya, kakatapos nya lang itong paliguan pero mabilis itong tumakbo palabas ng bahay namin bago pa man makuha ng anak ko ang pamunas nito. Nang makalayo sila ay napailing nalang ako bago ligpitin ang ginamit ng anak pampaligo sa aso nya

"Momma! Can you get me a scissors?" sigaw ng anak ko kaya dali dali ko syang nilingon

Nakita kong ang dumi dumi na naman ng aso nya kaya natawa ako.

"Anong gagawin mo sa gunting?"

"Gusto kong gupitin ang mga tenga ni Milo, Momma! Ay ipaampon nalang naten sya momma baka magupit ko talaga tenga nya eh" natawa ako ng ngumuso pa sya bago tumingin ng masama sa aso nya

"Akin nalang si Milo!!" sabay kaming napalingon ng anak ko kay Shallie na kakapasok lang ng gate

"It's a prank ninang! Akin lang si Milo!" mabilis na niyakap ng anak ko ang aso nya at tumakbo sa niligpit ko kanina para paliguan ulit ang aso nya

Napapailing nalang ako bago lumingon sa kaibigan ko na napakadami na namang dala, nagulat pa ako ng makita si Caren na naglalakad rin papasok ng gate. Tulad ni Shallie ay marami rin itong dala na mga paper bags na may mga nakatatak na mamahaling mga brands.

"Here, This is all for our inaanak" inabot sakin ni Caren ang lahat lahat ng bitbit nya bago sakin iabot ni Shallie ang mga bitbit nya

"Ito naman ang sayo, binili namin lahat yan" Shallie

Tinignan ko ang lahat ng paper bags at natawa, dahil halos lahat ng mga ito ay mga endorsement ko at ang iba naman ay endorsement ni Caren. Sigurado akong padala na naman ito sakin

"Tara sa loob" aya ko sakanila

Hindi nila ako pinansin imbes ay hinubad lang nila ang kanya kanya nilang mga suot na heels bago lumapit sa anak ko at makipaglaro kaya ipinasok ko nalang tong mga bitbit ko at dinala sa kwarto namin ng anak ko. Pagbalik ko sa baba ay nakita kong naglalaro parin sila kaya dumiretso ako sa kusina para magluto na.

Magtatanghalian na kaya calderetang baka nalang ang niluto ko pati adobong baka na may maraming patatas pati caldereta ay nilagyan ko rin ng madaming patatas dahil paborito ng anak ko ang patatas.

"Bakla! Shuta talagang media yan najijistress ako!" napapikit ako dahil sa matinis na boses ni Princess na rinig na rinig dito sa kusina

"Ano na naman ba yun Cess? Anong problema?!" tanong ko sakanya habang hinahalo ang niluluto ko

"Tignan mo to jusko!" Mukhang stress na stress sya ng ibigay sakin ang cellphone nya

"Anong meron dito? Dati pa naman sila nag tatanong kung sino ang ama ng anak ko ah?" tanong ko sakanya bago muling ibalik ang cellphone nya

Kahit hindi ako nakatingin sakanya ay alam kong tumango tango sya habang nakatingin sakin, ipinagpatuloy ko lang ang paghahalo sa mga niluluto ko habang hinihintay ang mga sasabihin nya dahil sigurado akong hindi sya tatahimik. Pagdating sa issue na lumalabas tungkol sa ama ng anak ko ay parang sya pa ang mas naaapektuhan kesa saakin

"Pero kasi-- ang tagal na nung may lumabas na article about sa tatay ng anak mo. Hays bakit ba kasi ako ang nasasaktan sa mga comments ng mga bashers mo?!!" iritang sigaw nya bago guluhin ang mahaba nyang sariling buhok

Natawa lang ako sakanya at imbes na pahabain ang usapan tungkol sa article na yun ay pinuna ko nalang ang itsura nya.

"Babaeng babae kana baks ah, may boyfriend kana?" tanong ko sakanya

RETIRED FUCKBOY [COMPLETE] [SPG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon