Chapter 10

899 21 16
                                    

- DEVRAH GRACE

Pareho kaming nakangiti ni Jared habang nakasakay dito sa kotse nya, hawak hawak nya ang isa kong kamay habang nagmamaneho. Nasa likod naman si Shauna na busy sa pag kalikot sa tablet nya pero nakikinig sa pinag uusapan namin ng daddy nya

"Naniniwala na talaga ako sa lukso ng dugo Love. Kaya pala magaan ang loob ko sakanya nung sinundo mo sya sa school nya kasi anak ko pala talaga sya!" tuwang tuwa na kwento ni Jared kaya hindi ko maiwasang mapangiti habang nakatitig sakanya

"Alam mo ba kung saan galing ang pangalan ng anak mo?" nakangiti kong tanong sakanya

"Saan?" nakatitig sa kalsada nyang tanong

"Naalala ko kasi yung una mong itinawag sakin nung inaalok mo akong maging babae mo nung nagle-labor ako, kaya Devorah Shauna ang ipinangalan ko sakanya" ngumiti ako at tulad ni Jared, sa kalsada na rin ako tumingin

Marahan nyang pinisil ang kamay ko na hawak nya bago ito halikan kaya napatingin ako sakanya at ngumiti.
"Thankyou Love" Jared

"Devorah ka kasi ng Devorah dati kaya ipinangalan ko nalang sa anak natin yun" natatawa kong sagot

"Maximus said ang panget daw ng name ko pang witch daw po" singit ng anak naming nasa likod. Pareho kaming natawa ni Jared dahil doon

"Ano namang sabi mo sakanya baby?" tanong ko. Inilapag nito sa tabi nya ang tablet nya bago tumayo at lumapit samin para sumilip

"Sabi ko po mas panget sya kesa sa name ko po" Shauna

Lalo kaming natawa ni Jared dahil doon, jusko feeling ko mas maloko sya kesa sakin. Ngayon palang ay marunong na syang mambara sa kapwa bata nya paano pa kaya pag lumaki na sya? Nag aalala din ako kasi baka maging bully sya someday

"Hello Lolo!!" biglang sigaw ni Shauna nung ihinto ni Jared ang sasakyan nya sa tapat ng bahay nila mama

Nakangiting binuksan ni papa ang pintuan ng sasakyan ni Jared para kargahin ang apo nya bago tumingin samin ni Jared.

"Pasok ka, Jared" Papa

Nung tumalikod na si papa ay napatingin ako kay Jared at natawa, nakahawak ba naman sya sa dibdib nya at akala mo kinakapos ng hangin.

"Kinakabahan ako Debbie" Jared

"Wag kang kabahan, tara na" aya ko sakanya bago ko buksan ang pinto at lumabas ng sasakyan nya

Mabilis din naman syang lumabas at hinabol pa ako nung nasa may pinto na ako dahil gusto nyang sabay daw kaming papasok sa bahay. Natatawa akong hinintay sya hanggang makapasok kami ng tuluyan sa bahay, nakita agad namin sila papa at Shauna na busy na naglalaro sa lapag kaya pinaupo ko si Jared sa sofa. Iniwan ko lang sya don at pumasok sa dati kong kwarto

"Ate nagbibihis pa ako eh!" sigaw sakin ng pinsan kong babae

"Hahaha! Eto oh allowance mo" sabay abot ko sa isang sobre na brown

Agad nya itong inabot at binuksan, napatili pa ito sa tuwa at nagtatatalon dahil sobra sobra daw iyon. Dahil busy kasi sila tita at tito ay dito ko muna sya pinag stay para na rin makapag aral sya ng maayos, masyado kasing malayo sa mismong bahay nila ang university na pinapasukan nya kaya pinayagan sya ni tita na dito na muna sa bahay mag stay. Nangako din ako kina Daddylo na hindi ko papabayaan ang pag aaral nya kaya lagi ko syang binibigyan ng allowance kahit na binibigyan naman sya ng magulang nya.

RETIRED FUCKBOY [COMPLETE] [SPG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon