PROLOGUE

2.5K 39 4
                                    








Gabi na ng makarating ang mga magulang ni Devrah sa hospital kung saan isinugod si Jared, tamang tama lang ang paglabas ng mga magulang ni Jared sa kwarto kung saan sila nag usap ng mga doctor na tumingin kay Jared ng dumating ang mga magulang ni Devrah. Kaya't ora-mismo ay nagbangayan agad ang dati pa namang magkaaway na sila Roxy at Marian. Dahil sa pagsampal ni Roxy kay Devrah ay hindi nanghinayang si Marian na ipagtanggol ang anak mula rito, sinampal nya rin si Roxy at dinuro.






"Wala kang karapatan na saktan ang anak ko Roxy Angelique!! Wala kang karapatan!!" ani Marian




Tumawa lang si Roxy bago tumingin sa dating matalik na kaibigan.
"Kasalanan ng anak mo kung bakit nasa emergency room ang anak ko Marian!"






"Aksidente ang nangyare! Walang may kasalanan non!" sigaw rin ni Marian rito








Mula nung elementarya hanggang kolehiyo ay matalik na magkaibigan sina Marian at Roxy. Nagkalamat lamang ang kanilang pagkakaibigan nung magsimulang mainggit si Roxy sa mga nakukuha ni Marian, mula sa pinakanangunguna sa klase hanggang sa pinaka magandang estudyante sa kanilang paaralan. Palaging nangunguna si Marian sa lahat ng mga ito habang si Roxy naman naman ay laging pangalawa. Marami sa kanilang ka-batch noon ay manghang mangha sa kanilang pagkakaibigan dahil pareho silang nasa listahan ng mga matatalino at magaganda.






Ngunut sino nga bang mag aakala na ang dating matalik na magkaibigan ay humantong lang sa pagiging magka away dahil sa inggit? Lahat ng meron si Marian ay gusto rin ni Roxy na meron sya ng mga ito lalo na ang lalaking gusto ni Marian ay gusto nyang mapasakanya kaya gumawa talaga sya ng paraan para hindi matuloy ang kasal ng mga ito. Si Marian at ang asawa ni Roxy na si Gerard ay lubos na nagmamahal mula nung sila ay nasa kolehiyo pa lamang, ngunit nung araw ng kanilang kasal ay sinurpresa sila ni Roxy ng sabihin nitong may nangyari sakanila ni Gerard. Dahil doon ay hindi na pumayag si Marian na maikasal kay Gerard, sa kabila non ay hindi pa rin nakuha ni Roxy si Gerard.






Habang si Marian ay lubos na nagluluksa dahil sa ginawa ng kanyang pinakamamahal na lalaki at ng kanyang itinuring na kapatid, nakilala nya si Stanley. Hindi alam ni Marian na dati pala itong nobyo ni Roxy. Nakalimutan ni Marian ang ginawa sakanila nila Roxy dahil kay Stanley hanggang mabuntis sya nito, dahil mahal naman nila ang isa't isa ay nagpakasal agad sila. Subalit kakapanganak palang ni Marian kay Devinne nung makita nya ang text message ni Roxy sa kanyang asawa, doon lang din nya nalaman na dating magkarelasyon ang mga ito.






Kahit kakapanganak palang ni Marian ay nagawa nya pa ring ingudngod sa sahig ng hotel si Roxy dahil sa galit, laging gulat naman ni Roxy ng makitang si Marian ang dumating sa dati nilang tagpuan ng dati nyang kasintahan na si Stanley.





Sa huli ay nagustuhan na rin ng paunti unti si Roxy ni Gerard kaya nagpasya na din ang mga ito na nagpakasal at magkaanak, kasabay ng pagbubuntis ni Roxy kay Jared ay sya namang pagpa-plano na naman nila Marian at Stanley ng isa pang anak at ayun nga isinilang ni Marian ang napaka cute na batang babae na si Devrah.






Mula rin noon ay hindi na muling nagkrus ang landas ng apat hanggang sa hindi inaasahang dahil ay kailangang pumunta ng hospital nila Marian at ng asawa dahil muling napaaway ang kanilang anak na si Devrah. Bilang may ari ng paaralang pinag aaralan ni Devrah ay agad nyang pinuntahan ito sa hospital pero yun pala ang umpisa ng muli nilang pagkikita ng kanyang dating kaibigan, at ang lubos na ikinagulat nila ay nung malaman na ang kasintahan pala ng mga anak nila ay ang anak ng isa't isa.






---

RETIRED FUCKBOY [COMPLETE] [SPG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon