Chapter 11

605 14 3
                                    

- DEVRAH GRACE



Kasalukuyan kaming nasa sasakyan tatlo ni Jared kasama ang anak namin at ngayon ay papunta kaming agency para personal akong magpaalam kay tito-- sa daddy ni Shallie, gusto ko kasing magpaalam dahil nga matagal akong mawawala. Three months ang pinakamatagal na binigay sakin ni Tito at Princess na leave kaya masaya sila Jared at Shauna dahil medyo matagal kaming magkasama sa bahay

"We're here, lets go baby"

sabay sabay kaming bumaba ng sasakyan tatlo, hinayaan kong tumingala sa building ang mag ama ko para mapagmasdan nila ang agency namin tsaka kami pumasok dito. Nung una ay ayaw pang papasukin ng guard sila Jared pero mabuti nalang at saktong dumaan si Princess kaya sabay sabay na kaming pumunta sa opisina ni tito. Kaliwa't kanan ang pagbati at papuring natanggap ko mula sa mga staff na dati ring winelcome ako nung sinama ako ni Shallie dito, hindi rin nawala ang papuri kay Jared dahil ang gwapo gwapo daw nito tas bumagay pa lalo ang suot nito pati ang anak namin si Shauna ay pinuri nila.


"Alam mo sa wakas sasahod ako ng tatlong buwan ng hindi nahahagard kakaayos ng schedule mo" Cess

"Madami bang schedule si Debbie?" Jared

"Ayy oo noh! Kung alam mo lang kung gaano kadami ang naghihintay jan ngayong tapos na ang pelikula nila ni Zack" Cess

"Please let momma rest, ninang" biglang singit ng anak ko kaya napatingin kami dito at natawa

"Baby hindi naman yan magpapahinga, sila ng daddy mo hindi ako naniniwalang pagpapahingahin nya ang momma mo" para namang napipilitang tumango tango lang ang anak ko dahil sa sinabi ni Cess "Charott! halina kayo andito si Mr.Seda"

Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis sa sinabi ni Cess sa anak ko pero nagpaiwan nalang sila Jared at Shauna sa labas ng opisina ni Mr.Seda, kami lang ni Cess ang tuluyang pumasok. Nagulat pa ako ng makitang kausap nila tito at Shallie si Zack

"Oh you're here Debbie, have a seat iha" tito

"Alam mo kung anong gagawin sa issue mo na yan, ikaw ang tinatanong ko" Shallie

"Anong issue mo Zack?" taka kong tanong, wala naman kasi akong nabalitaan about sakanya

"May fans nyo na nakakitang magkasama sila sa isang restaurant ni Macey" bulong sakin ni Cess

"Ahh okay" sagot ko bago mapatingin kay Zack "Announce it"

Hindi kasi alam ng fans namin na si Macey ang girlfriend ni Zack, mula kasi nung premier night ay wala namang lumabas na balita tungkol sa mga kasama namin nung gabi na yun. Hindi rin natuloy yung plano naming pagpapakilala ng mga partners namin non kaya hindi alam ng fans namin

"Ano? Kakausapin ko ba ang media writer ng kabilang station para sulatan ka about sainyo ni Macey?" Shallie

Sa mundo naming ito ay hindi talaga maiiwasan ang mga issues, totoo man o hindi ay kailangang may gagawin sila Shallie dito, tulad ngayon. Eto ang maganda kina tito at Shallie, they'll ask you first before they do a step about your issue. In short kung anong gusto mo gawin o palabasin sa mga tao ay iyon ang gagawin nila. Naalala ko nung buntis ako, syempre wala akong tinanggap na mga endorsement non dahil malaki na nga ang tyan ko. Kinausap din ni Shallie yung head writer nung kabilang station para isulat ako at gawan ng balita para malaman ng mga tao na buntis nga ako, sa kabila non ay sinuportahan naman ako ng mga fans ko.


RETIRED FUCKBOY [COMPLETE] [SPG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon