Chapter 18

265 8 2
                                    

- DEVRAH GRACE

  Dahil hindi pa naman ako gaanong lasing naisipan kong lumabas ng club, hindi ko alam sa sarili ko pero hinanap ng mata ko si Macey, nakita ko naman silang dalawa ni Zack na nakaupo sa dalampasigan. Naglakad ako palapit sakanila, biglang humangin at tumama sa mukha ko ang hangin kaya napatigil ako tsaka pumikit para damahin ang hangin.

Dumilat din naman agad ako at nagpatuloy na lumapit sakanilang dalawa, tumabi ako ng upo kay Macey . Ngumiti ako habang nakatingin sa mga bituin habang dinadama ang hangin na gawa ng alon ng dagat, nakikita ko sa gilid ng mata ko na nakatingin sakin si Macey.

"Wag ka ng umiyak Macey" sabi ko sakanya pero nakatingin pa rin ako sa bituin

"I'm sorry, Devrah" Mas lalong naiyak si Macey nung banggitin nya ang mga salitang iyon

"For what?" tanong ko

"For ruining you and Jared's relationship all this years" Macey

"I think, They're is calling me. balik lang muna ako doon Hon" bulong ni Zack kay Macey bago ito tumayo at umalis

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kay Macey kaya tinitigan ko lang sya, dahil sa totoo lang ay wala naman na akong sama ng loob sakanya o galit na nararamdaman. Medyo nagulat pa ako dahil ngayon ko lang napansin na wala na yung inis na nararamdaman ko kada makikita ko sya dahil naaalala ko na naman ang mga ginawa nya.

"All this year's ngayon ko lang naisip na wala naman akong mapapala sa mga pinag gagagawa ko, I'm just wasting my time bothering you two. I'm sorry , nung naaksidente si Jared, sure na talaga akong buntis ako non because I am one month delay that time pero hindi pa ako nakakapagpa check up non and hindi kami okay ni Zack. Balak ko naman talaga sabihin sainyo yung totoo but tita-" Macey

"Wala na yun, past is past! Sana lang matuto kana ngayon, mag focus nalang tayo sa mga anak natin" makangiti kong sagot sakanya. nabigla nalang ako nung yakapin nya ako at umiyak pa lalo

Hinayaan ko nalang syang umiyak at mag sabi ng nararamdaman at problema nya. ito ata yung oras para mailabas nya yung sama ng loob nya.  dahil sobra ang iyak nya ngayon ay hindi ko alam na naiyak na rin pala ako.

"Maybe this is the consequences, Devrah" Macey

"Ayy! Ang mga bakla andito lang pala at nag iiyakan!" biglang sigaw ni Cess habang patakbo samin

Natawa kami ni Macey ng muntik ng madapa si Cess kaya paglapit samin nito ay sinabinutan nya kami pero parehas lang kaming tumawa ulit. Umupo sya sa gitna namin ni Macey tsaka tumingin sa mga bituin.

"Bakit andito ka? Wala na bang iniinom?" tanong ko

"Nako! kondisyon ata mag inom ang boys ngayon lalo na si Jared at Lloyd" Cess  "Anyways anong pinagchi-chismisan nyo dito? Okay na ba kayo?"

"Ah, Oo okay na kami. Tsaka matagal na yun , magandang mag focus nalang kami ngayon sa mga anak namin" Nakangiti kong sagot habang nakatingin sakin si Macey

"Thankyou" Macey

"Mabuti naman noh! One time hinatid ko sa school ang inaanak ko, and guest what? Hinihintay sya ng anak mo! Hindi pa ako nakakababa sa kotse ko nilapitan na nya si Devorah!" Cess  "Ang cute nila  diba?"

"Hoy ang bata pa anak namin!" Macey

"Oo nga, bakla ka talaga!" sang ayon ko kay Macey pero tinawanan lang kami ni Cess

RETIRED FUCKBOY [COMPLETE] [SPG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon