Chapter 2: Bunch of Secrets

8.8K 103 5
                                    

Calvin's POV

"Mukhang importante 'yong tawag na 'yon ah," wika ko kay Elizabeth nang makabalik na siya sa hapag-kainan. Bago pa man siya makabalik ay nauna na ako upang hindi niya mapansin na sinundan ko siya. 

"Ah, eh... Oo. Work. N-nagkaproblema lang pero everything's fine. N-naayos ko din naman," nauutal na sagot sa akin ni Elizabeth. Alam kong nagsisinungaling siya. I know when she's lying. Hindi mapakali ang kaniyang mata at hindi siya makatingin sa akin nang diretso. 

Ang kaniyang kamay na nanginginig ay pinagpatong niya sa ibabaw ng lamesa upang hindi ko mapansin ang panginginig ng mga ito. Nauutal ang kaniyang boses habang binabanggit ang mga salitang iyon. Alam kong may problema ang I know it's not only in her work. Her reaction shows it's more than that. 

"Kung may maitutulong ako, just tell me. If you have something to say, makikinig ako. Okay?" wika ko sa kaniya atsaka hinawakan ang kaniyang nanginginig na kamay upang pakalmahin siya. I won't force her to tell me everything. I will force her to bed but I'll never force her to speak up. I respect her decision. I trust her. She always know what's the best for us. 

"Kung tapos ka na kumain, tawagin mo na lang si Manang to wash the dishes. I need to run some errands and I'll meet some friends," pagbabago ni Elizabeth sa usapan. Agad itong tumalikod sa akin ngunit sinundan ko siya. I know she needed some company and I'll give her mine. This is the only way I can do to help. 

"Samahan na kita. Saglit lang, magbibihis lang ako. Give me 5 minutes," sabi ko sa kaniya atsaka hinalikan ang kaniyang pisngi bago tuluyang tumakbo paakyat sa kwarto namin para magbihis. 

Isang simpleng polo shirt at jeans lamang ang isinuot ko. Hindi na din ako nag-abalang ayusin ang aking buhok. Ayokong pinaghihintay si Elizabeth.

Men must never make women wait. 

Nang makababa ako nang hagdan, I am mesmerized with the timeless beauty of the goddess waiting for me downstairs. Wearing a simple yet elegant black dress with a long slit exposing her thick thighs, she looked dazzling. The smile on her face makes my world crazy. 

I don't want her to lose that smile. I'll do everything to keep that smile plastered in her face. Forever...

"Sure kang sa restaurant talaga tayo pupunta? Akyat na lang tayo sa kwarto. Usap lang, promise," biro ko sa kaniya but jokes were half meant. Kung gusto niya naman totohanin, she have me all day and all night. She just chuckled after hearing those words. 

~~~

We arrived in a five-star-restaurant. Hindi na ako nabigla kasi hindi ito ang unang beses na nakasama namin kumain ang mga kaibigan ni Elizabeth. Hindi naman sa ayaw ko sa kanila, sadyang hindi lang ako komportable sa harapan nila. Ngunit ayaw kong ipaalam kay Elizabeth ang tungkol sa bagay na iyon. Hangga't maaari ay nakikisama ako dahil una sa lahat, kaibigan niya ang mga taong iyon. 

Pagkapasok na pagkapasok namin ay madali naming nahanap ang mga kaibigan ni Elizabeth. Alam kong naipareserve na nila ang pinakamagandang lugar sa loob ng restaurant na iyon. Kagaya ni Elizabeth ay mayayaman at mga respetadong mga tao din ang kaibigan niya. 

Birds of the same feathers, flock together, right? Well, my bird only belongs to one woman and that woman is the one I'm holding right now. 

"Kanina pa ba kayo naghihintay? Sorry, traffic kasi eh," bungad ni Elizabeth sa harapan ng tatlo niyang kaibigan. If my memory is sharp enough, the people we are about to eat with our lunch are Corazon, a surgeon, Imelda, a lawyer and Gilberto, an engineer.

Okay naman ako sa kanilang lahat maliban sa lalaking kanina pa ako tinitingnan mula ulo hanggang paa. Yes, I only wear poloshirt while they wear their formal coat and dresses pero wala akong pakialam. This is the kind of clothes I'm comfortable to wear. They don't care. 

Medyo naiinsulto na ako pero nagtitimpi ako dahil ayaw kong ipahiya si Elizabeth sa mga kaibigan niya. Besides, they're older than me. I'll respect them if they earned my respect. Just like love, respect doesn't come in ages. Respect is earned and not imposed. 

Agad na inihain sa amin ng mga waiter ang pagkain. The food were great pero nawawalan ako ng gana dahil sa mga matatalim at nang-iinsultong titig sa akin ng matandang kalbong engineer sa harapan ko. 

Sa pagkakaalam ko, niligawan niya si Elizabeth noon ngunit hanggang kaibigan lamang ang tingin sa kaniya ni Elizabeth. Well, mas gwapo naman talaga ako kumpara sa kaniya. Mas umiigting pa ang panga atsaka mas magaling sa kama. 

Tahimik lamang ako habang pinag-uusapan nila ang kung ano-anong mga bagay. Politika, trabaho, negosyo, at mga problema ng bansa. Ilan lamang iyan sa mga bagay na pinag-uusapan nila na hindi naman ako makarelate. Mga topic nga talaga ng mga may edad. 

Kinuha ko na lamang ang cellphone ko at binuksan iyon upang aliwin ang aking sarili. I opened the favorite game installed in this phone. Summertime Saga! I play Mobile Legends too pero ibang bakbakan ang gusto ko. 

Nasa gitna na ako ng paglalaro nang mapatigil ako dahil sa narinig kong usapan sa pagitan ng magkakaibigan sa harapan ko. Their topic ruined my mood, bigtime. 

"Ano nga palang trabaho nitong si Calvin? Bata pa 'to, malakas pa ang katawan para magtrabaho," wika ng kalbong si Gilberto na siyang ikinatigil ko. Hanggang ngayon kasi ay wala pa rin akong regular na trabaho dahil iyon ang gusto ni Elizabeth. Pero kahit ganoon naman ay sumasideline ako sa pagiging online illustrator kaya kahit papaano ay may kita ako. 

Iyon ang perang ginagamit ko para sa sarili ko. Ni minsan ay hindi ako humingi ng pera kay Elizabeth. Kung iyan ang iniisip ng matandang iyon ay magkakasapakan kami ngayon din. I clenched my fist dahil hindi ko na gusto kung saan papunta ang usapang ito. Pailalim akong ipinapahiya ng matandang ito. 

Nakita ni Elizabeth ang naging reaksiyon kung kaya't hinawakan niya ang aking kamay upang pakalmahin. Nilingon niya ako at ngumiti kung kaya't kahit papaano ay kumalma ako.

"Online illustrator si Calvin kaya nagagamit niya ang skills niya sa arts and design. Nakita mo ba 'yong logo ng sikat na building sa harapan nitong restaurant? Si Calvin ang gumawa niyan," pagmamalaki ni Elizabeth sa harapan ng mga kaibigan niya. 

"Excuse me, I just need to go to the restroom." Due to the heavy atmosphere earlier, I decided to breathe in the restroom. I tried to sound formal and not offended kahit konti na lang ay mabubugbog ko na ang matapobreng lalaking iyon. I know what he's up to. He wants to intimidate me at hindi ko iyon ibibigay sa kaniya. 

Matapos maghilamos ay naglakad na ako pabalik sa mesa namin. I took a long and deep breath. Ilang metro na lamang ang layo ng mesa namin nang marinig ko si Corazon na nagtanong kay Elizabeth. 

"Have you already told Calvin?" the surgeon asked Elizabeth. 

"Ang alin? Anong dapat mong sabihin?" singit na tanong ko kay Elizabeth. Nakita ko ang pagkagulat  sa mukha niya at ng kaniyang mga kasama. Mukhang hindi nila inaasahan na maririnig ko ang tanong na iyon. 

"Kanina ka pa ba diyan?" tanong sa akin ng abogadong kaibigan ni Elizabeth, si Imelda. 

"Just answer my question. Anong dapat sabihin sa akin ni Elizabeth?" seryosong tanong ko sa kanila. Medyo tumaas na din ang tono ng pananalita ko dahil sa pagkainis na kanina ko pa nararamdaman kaya medyo agaw pansin ang pagsalita ko. 

Nang makita ko ang ilan sa mga tao sa restaurant na nakatingin sa amin, umupo ako agad upang hindi na makagawa ng anumang eskandalo.

"A-ano kasi. 'Yong sinasabi ni Corazon... A-ano... P-plano sana kitang isorpresa. Tama tama. I booked you a flight to Boracay para you can spend your time alone. I'm worried about your health dahil sa mga nightmares mo tuwing gabi. You need to unwind," nauutal na sagot ni Elizabeth sa akin. 

She's lying, again. I know she's lying. For the nth time in the past few days, she lied to me. Again. 

Itutuloy...

MILF (My Invaluable Little Fling) Where stories live. Discover now