Chapter 9: Drowned in the Sea of Lies

7.5K 85 60
                                    

Calvin's POV

"What? You haven't told him yet?" Bahagyang tumaas ang tono ng lalaking kausap ni Elizabeth. Kinakabahang tumingin si Elizabeth sa paligid at tinakpan ang bibig ng kausap. Bakas sa mukha ng lalaking iyon ang pagkainis. 

Wala akong alam sa kung ano man ang pinag-uusapan o mas abuti kung sasabihin kong pinag-aawayan nila. Alam kong seryoso ang bagay na iyon dahil sa nakikita kong ekpresyon ni Elizabeth mula sa kinatatayuan ko. 

Dahil sa kuryusidad, dahan-dahan akong lumapit at nagkubli sa likod ng malaking puno, hindi kalayuan sa kanila at sapat upang marinig ko ang kanilang pinag-uusapan. Kinakabahan ako sa mga bagay na maaari kong malaman at marinig pero naririto na ako. Wala nang atrasan pa. 

Nanlaki ang aking mga mata at hindi ko napigilan ang aking sarili na takpan ang aking bibig gamit ang aking dalwang kamay dahil sa aking narinig. "Sinubukan ko, Xavier. I really do pero tuwing magsasalita na ako para sabihin sa kaniya ang totoo, kinakain ako ng takot dito sa dibdib ko," umiiyak na wika ni Elizabeth kay Xavier. 

"You should have told him the truth. No, you must. Because he deserves to know it no matter how painful it is," sagot sa kaniya ng lalaki. Hindi ko na kayang marinig ang mga susunod na lalabas sa kanilang mga bibig at gusto ko na lang umalis sa lugar na iyon. Mas gusto ko na lang mabuhay nang hindi nalalaman na nagsisinungaling sa akin ang taong mahal ko. 

Pinilit kong igalaw ang mga paa ko upang makalayo sa lugar na iyon. Babalik na lamang ako sa tabing-dagat  at magkukunwaring walang narinig ngayong gabi. Kalilimutan ko na lang  na nangyari ito. Akmang hahakbang pa lamang ako ngunit napatigil ako dahil sa sumunod kong narinig. 

"I'll tell him right after the wedding, Xavier. L-look, were already engaged. H-hindi ko kayang mawala sa akin si Calv- este  Kenjie," nauutal na sagot ni Elizabeth sa kausap habang itinataas ang kanang kamay upang ipakita ang singsing  na nakasuot sa daliri nito. "I'll tell him the whole story. Sasabihin ko sa kaniya lahat. I'll reveal everything including his identity and the truth that I already have a daughter and we're not couples at all," dagdag pa niya. 

That statement of hers left me hanging. I never expected to hear those words from her. I don't want to hear those words. Hindi ko kaya. All this time, nabubuhay ako sa kasinungalingan. Napaligaya ako ng kasinungaling pinaniwalaan ko nang matagal na panahon. Nabuhay ako sa isang mundong gawa-gawa lamang ni Elizabeth sa isipan ko. 

Nanlambot ang aking mga tuhod at natinag ako mula sa aking pagkakatayo. Nakagawa ako ng mahinang kalaskas dahil doon. Napalingon sila sa punong  pinagkukublihan ko. 

Gusto kong sumigaw dahil sa sakit na nararamdaman ko pero malalaman nilang naririto ako kaya hinayaan ko na lamang ang mga butil ng luha na dumaloy sa aking pisngi. Ilang minuto akong nanatili sa pagkakaupo roon at hinayaang mapagod ang mga mata ko sa pagtangis. 

Sobrang bigat ng pakiramdam ko, at sa sobrang bigat, tila nasaid na lahat ng luha na maaaring ilabas nito. Malalaman mo talagang masakit na kapag hindi na nadadaan sa pagluha ang paglalabas ng sakit. Namamanhid na ang katawan ko dahil sa bigat ng pakiramdam ko. 

"Think of all your lies as a knife stabbed in his heart. Habang tumatagal, lalong lumalalim ang sugat. Mas masakit. You better remove the knife as soon as possible, Elizabeth.

Iyan ang huling salitang narinig ko mula sa kanilang dalawa bago tuluyang tumayo para umalis. Natagpuan ko na lamang ang aking sarili na tumatakbo palayo sa kanilang dalawa. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Ang alam ko lang, gusto kong tumakbo at takasan ang mundo. 

All this time, pilit kong hinahanap ang kulang sa pagkatao ko ngunit hindi ko inakalang ang pagkatagpo ko dito ang siyang magpapaguho sa mundo ko. Nanumbalik sa aking isipan ang lahat ng mga pinagdaan namin ni Elizabeth. Buong akala ko ay iyon ang totoo ngunit kasinungalingan lamang pala ang lahat ng iyon. 

Nabuhay ako ata naniwala sa kasinungalingan. 

Patuloy ako sa pagtakbo. Hindi ko alam kung ilang minuto ko na bang pilit tinatakasan ang katotohanang hindi ko matangap sa isipan ko. Walang katapusan ang daang tinatahak ko. Hindi ko alam kung saan ako dapat pumunta. Gulong-gulo ang isipan ko. 

Nang makaramdam ako ng pagod ay wala sa sariling humiga ako sa gitna ng kalsada. Hindi ko alintana ang putik na maaaring mapunta sa damit ko. Ang alam ko lang, pagod na ako at gusto ko na lang ipikit ang mga mata ko. Ayaw ko nang imulat pa ang mga ito. hindi ko alam kung anong mga ksinungalingan pa ang maaari kong makita at marinig sa sandaling imulat kong muli ang mga ito. 

Narinig ko ang pagbusina ng isang munting kotse na papalapit sa aking kinahihigaan. Hindi ko na lamang ito pinansin. Mas mabuti na sigurong mabangga na lamang ako. Mas gugustuhin ko pang tapusin ang buhay ko kaysa sa mabuhay pa sa kasinungalingan at huwad na kasiyahan. 

Tumigil ang sasakyan ilang metro ang layo mula sa akin. Nakapikit pa rin ako ngunit batid kong lumabas ang nakasakay dito at lumapit sa akin base sa naririnig ko. Mayamaya ay nagsalita ang estrangherong iyon. 

"You still wanna know the truth?" Narinig ko ang isang malagong na boses mula sa aking ulunan. Nanatiling nakapikit ang aking mga mata. Ayoko nang malaman kung sino siya. At isa lamang ang magiging sagot ko sa katanungang ibinato niya sa akin. 

"Ayoko na. Pagod na ako. Gusto ko na lang mamatay!" pasigaw na sagot ko sa lalaking iyon. Iyon naman talaga ang gusto kong mangyari. Kung ang kamatayan ko ang magiging tiket ko upang matakasan ang lahat ng ito, buong-puso kong gagawin ang bagay na iyon. 

Isang malakas na halakhak ang narinig ko mula sa lalaki. Nakakatakot ang tawa niya. Matapos magbitiw ng isang mahaba at malakas na halakhak, muli itong nagsalita. "You want to die? Stand there and I'll give you what you want. It's my pleasure, Mr. Kenjie.

Napamulat ako ng marinig sa kaniya ang pangalang iyon. Paano niya nalamang iyon nga ang pangalan ko? Hindi ko na gustong malaman pa. Mukhang ako na nga lang ang hindi nakakaalam ng katotohanan. Hindi ko na gustong malaman kung sino siya. Ayoko na. 

Dahan-dahan akong tumayo mula sa pagkakahiga at doon ay nakita ko nang buo ang lalaking kausap ko. Nakasuot siya ng isang itim na jacket at isang itim na sumbrero. Isang nakakalokong ngiti ang nakapinta sa kaniyang mukha. Sinuklian ko rin iyon ng isang ngiti bago tuluyang idinipa ang aking dalawang braso. 

"Kill me then."

"It'll be a great pleasure. Don't worry, I'll help you end the pain tonight, Kenjie. Ikamusta mo na lang ako kay Lord," wika ng lalaki bago tuluyang sumakay pabalik sa kaniyang kotse. 

Bumilis ang tibok ng puso ko nang sandaling i-start niya ang makina ng kotse. Tuwid akong tumingin sa lalaking iyon habang tumatawa siya at tila pinaglalaruan pa ang kotseng sinasakyan niya.

"Just do it!" Hindi ko na mapigilang sumigaw. I just want this to end. Kung puwede lang na ako mismo ang magpaandar ng sasakyang iyon at ibangga iyon sa kahit saan ay gagawin ko.

"Chill, bro. I'm just giving you time to think. Baka magbago pa isip mo. Kung hindi na, any last words?" sigaw nito pabalik sa akin habang dahan-dahang pinapaabante ang kotse.

"I no longer want to live, that's my last words." Iyan ang huling wikang binaggit ko bago ipikit ang mata nang mabilis na umandar ang kotse palapit sa akin upang bungguin ako.

Itutuloy...

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 01, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MILF (My Invaluable Little Fling) Where stories live. Discover now