Chapter 5: Familiar Faces of the Past

6.5K 98 53
                                    

Calvin's POV

"A-ako ba ang kausap mo bata?" nagtatakang tanong ko sa batang nasa harapan ko ngayon. Napatigil naman siya sa pagsipsip sa iniinom na chocolate drink atsaka tinaasan ako ng kilay. Aba't ang suplado nitong batang ito ah. 

"First of all, I'm not a bata anymore. Lastly, sino pa bang kausap ko? 'Di ba, ikaw?" pagsusungit nito sa akin atsaka muling ipinagpatuloy ang pag-inom. 

"Did you just call me, Kenjie? You must be mistaken, kid," sagot ko sa kaniya kahit may hinala akong kilala talaga niya ako. Kid's don't lie. Kahit may pagkasuplado itong isang 'to, alam kong nagsasabi siya ng totoo. 

Napanganga siya na tila hindi makapaniwala sa narinig na tanong mula sa 'kin. Itinapon niya ang hawak na inumin sa buhangin atsaka inapakan ito nang ubod ng lakas habang nakapatong ang dalawang kamay sa kaniyang baywang. 

He wants to look scary yet he made me chuckle by his cuteness. Ang sarap kurutin ng pisngi niya. Akmang kukurutin ko na ang pisngi niya nang tabigin niya ang kamay ko. Mas lalong kumunot ang kaniyang noo at ang kaniyang kilay ay mas lalo pa niyang itinaas. 

"Are you really messing with me, Kenjie?" sigaw nito sa akin dahilan para mawala ang ngiti sa labi ko. We are starting to caught attentions from those people walking near us. Ano ba kasing problema ng batang ito? 

"I really don't know what you're talking about. I even don't know who I am," sagot ko sa kaniya atsaka siya dahan-dahang lapitan. Baka kung anong isipin ng mga tao dito. I don't want to make a scene. 

Kita ko naman na unti-unting nawala ang pagkakunot ng kaniyang noo. Ang kaniyang kilay ay bahagya na lamang nakataas at alam kong handa siyang pakinggan ang mga susunod kong sasabihin. It's an opportunity for me to get some piece of information-kung ako nga ang Kenjie na tinutukoy niya. 

"Do you really know me?" tanong ko sa bata ngunit bago pa siya makasagot sa akin ay may isang lalaking lumapit sa direksiyon namin at kinuha siya. 

"Where have you been, Chuckie? Let's go. We'll be eating our dinner," wika ng isang matangkad na lalaki sa bata. Kasama nito ang isang magandang babae na nakasuot ng simpleng night dress. Mukhang sila ang mga magulang ng batang ito. Tinignan ko silang mabuti. 

There's a bit of recognition in me. I think I've seen them somewhere. Pamilyar ang mga itsura nila. Hindi ko alam kung saan pero nakakasiguro akong hindi ito ang unang beses na nagkrus ang mga landas namin. 

"Xavier, wait. Aren't we going to say hi, atleast to Kenjie?" tanong ng bata sa lalaking bumubuhat sa kaniya ngayon. Tiningnan naman ako ng lalaki. Blangko ang ekpresiyon ng mukha nito. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa atsaka iniiwas ang tingin niya sa akin. 

Ang babae naman ay humakbang papalapit sa akin at akmang magsasalita na nang pigilan siya ng lalaki sa pamamagitan ng paghawak sa kaniyang braso. "Isabel, let's go. It's getting late. Your son and I were already hungry," wika ng lalaking nagngangalang Xavier sa babae. 

Agad namang tumalima ang babae. Agad silang umalis at iniwan akong nagtataka. Imbes na makakuha ng mga sagot sa tanong ko, mas lalo pang lumago ang pagtataka sa isipan ko. Pinagmasdan ko silang tatlo habang naglalakad palayo. 

Xavier... Isabel... Chuckie...

Even their names sound familiar to me. Pinilit kong hagilapin sa isipan ko kung saan ko nga ba sila nakita. Their reactions were also unusual. It made me wondering if their just trying to ignore me or they don't really know me at all. 

Napasapo ako sa aking ulo nang maramdaman kong kumikirot ito. Ang hapdi at tila binibiyak ang ulo ko sa dalawa. It's been a tiring day for me. I think I need to have some rest. 

MILF (My Invaluable Little Fling) Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt