Chapter 3: The Sudden Need to Leave

7.8K 93 3
                                    

Elizabeth's POV

The car is filled with a deadly silence and the atmosphere inside is too much suffocating. Seryosong nakatingin sa kalsada si Calvin habang nagmamaneho. Hindi ako sanay na ganito siya. The Calvin I know always throw his corny punchlines and dirty jokes at me. 

Ngayon, tila mag-isa lamang ako dito sa loob ng sasakyan. I don't feel his presence anymore at alam kong dahil iyon sa nangyari kanina. If only I know that this will happen, hindi ko na sana siya isinama sa restaurant na iyon. 

I know he's not in good terms with my friends especially to Gilberto. My friends don't like him for me because of our age gap. Almost twenty years is a big gap but it never became a problem to the both of us. 

Alam kong bata pa siya and he's still in the exploring age. Sa edad niyang iyon, he's really sexually active kaya hanggang kaya ko siyang sabayan, sinasabayan ko siya sa paglalaro ng apoy. I always keep my sexy figure to look attractive in his sight. 

I know he loves me. He never failed to show me that. Everyday I spent my day with him, I felt like I was a teenager like him. Call me assuming but his affection always made me feel that way. 

Tiningnan ko ang lalaking nagmamaneho sa tabi ko. Batid kong naguguluhan siya sa mga nangyayari. Nitong mga nakaraang linggo, napapansin kong may kakaiba sa mga mata niya. Ang kaniyang mga ngiti at halakhak ay kagaya pa rin ng dati ngunit ang ningning sa mga mata niya ay naglaho na. Kasalanan ko ang mga iyon. 

I know he already knew something. Hindi siya tanga para hindi mapagtagni-tagni ang mga bagay na nalalaman niya. Ang mga panaginip niya, ang kakaibang kilos ko nitong mga nakaraang araw, at ang narinig niya kanina ay ilan lamang sa mga gumugulo sa isipan niya sa mga oras na ito ngunit ni minsan ay hindi siya nagtanong sa akin. 

Alam kong gustong-gusto niya magtanong ngunit hindi niya ginagawa. Hinihintay lamang niya akong magsalita. Hinihintay niya akong magkusa ngunit sa panahon ngayon, parang hindi ko pa kaya. 

I don't know how he will handle the truth he'll discover soon. That wicked truth comes with a consequence. Malaking bagay ang kapalit ng katotohanang gusto niyang malaman. Maaaring ang pagkasira ng relasyon namin ang maging kapalit nito. 

Hindi ko iyon kakayanin. I know this is a selfish act but I love him. I don't want to lose the only person  I have. I can't afford to lose him. He means everything to me. 

"Kanina pa tumutunog ang phone mo. Baka importante iyan, hindi mo ba sasagutin?" Nanumbalik ako sa katinuan nang marinig kong magsalita si Calvin. Akala ko ay hindi na siya magsasalita buhat noong umalis kami sa restaurant na iyon. 

Masiyado akong nalunod sa iniisip ko at hindi ko namalayang may tumatawag pala sa akin. Lumilipad ang isip ko kaya hindi ko napansin ang 7 missed calls ng kaibigan ko sa akin. Ilang beses na pala tumawag si Corazon. 

Sinubukan kong tawagan si Corazon upang makausap siya at tanungin kung ano ang dahilan ng kaniyang pagtawag kanina. Nakakailang ring pa lamang ngunit agad itong sinagot ni Corazon. 

"Ano? May nalaman na ba si Calvin? Anong sabi mo sa kaniya? Hindi kasi tayo nag-iingat eh. Nakapagpabook na ako ng isang flight papuntang Boracay bukas. Mabuti na rin siguro 'yon para hindi din niya malaman na pabalik..." sunod-sunod na wika ni Corazon na agad ko din namang pinutol. Mabuti na lamang at hindi naka loudspeaker ang cellphone ko. Kung nagkataon, mas lalo sanang lumala ang sitwasyon. 

"Salamat, Corazon. Ipadala mo na lamang sa bahay ang mga plane tickets ha. You really are a good friend. Nag-abala ka pa para sa amin ni Calvin." Pinilit kong gawing masigla ang boses ko para hindi magtaka si Calvin. I don't want to add more suspicions in his mind. Bagama't nakatingin sa kalsada, alam kong nakikinig siya.

"Pinapasabi nga din pala ni Calvin na thank you daw. Nagmamaneho eh, we'll talk to you later ha," dagdag kong wika kay Corazon bago tuluyang ibaba ang telepono. Mabuti na lamang talaga at nagawa naming lusutan ang nangyari kanina. Thanks to my dearest friend. 

"Bukas na ang flight mo papuntang Boracay. Nakapagpa-book na pala si Corazon para sa ating dalawa pero baka next week ako sumunod sa iyo doon. May kailangan lang akong ayusin bago tuluyang makapagbakasyon kasama ka," wika ko kay Calvin atsaka hinaplos ang kaniyang pisngi. 

Isang tipid na ngiti ang naging tugon niya. Ilang sandali pa ay muli siyang nagsalita. "Paano kaya kung hintayin na lang kita para sabay na tayong magpunta doon. I will not enjoy this vacation without you," wika niya na siyang ikinabigla ko. Hindi maaari! Kailangan na niyang pumunta sa Boracay bukas. 

"S-sayang naman 'yong binook na ticket ni Corazon para sa iyo, Calvin," nauutal na wika ko sa kaniya. Please, Calvin. Huwag ka na makulit. Huwag mo na akong pahirapan pa lalo. Staying here until tomorrow is the worst idea you might think of doing. 

"Puwede pa naman magpareschedule, 'di ba? Sige na. Pagbigyan mo na ako, please," sagot ni Calvin sa akin atsaka inilagay ang kaniyang kanang kamay sa aking hita atsaka bahagyang hinimas ito. Nakanguso din siya na tila isang bata na humihingi ng kendi sa kaniyang nanay. 

Napangiti ako dahil sa ginawa niya. That's the Calvin I always wanted to see everyday. That's the Calvin I don't want to lose. He looked cute in that position pero pasensya ka na, Calvin. Hindi ko mapagbibigyan ang gusto mo. Humiling ka na lang ng iba pero huwag ito. 

Ibinaling ko ang aking mukha sa may bintana ng sasakyan. Pinili kong hindi sagutin ang tanong niya. Napansin naman niya ang ginawa kong iyon at inalis niya ang kaniyang kamay sa aking hita. Itinuloy niya ang pagmamaneho at biglang nawala ang kulit niya kanina. 

"Oo na. Basta huwag mong tagalan. You know I won't last a day without you in my side. Natatandaan mo noong hindi ka umuwi sa bahay dahil nag-overtime ka tapos hindi ka nakapagsabi sa akin kasi naiwan mo ang phone mo sa bahay?" tanong niya sa akin. Seryoso pa rin ang kaniyang mukha at nakatitig sa kalsada. Naalala ko ang tagpong iyon. Napangiti ako ng malapad dahil doon. 

"How can I forget that one? Pumunta ka lang naman sa opisina na may kasamang mga pulis. Nagreport ka agad sa mga pulis at ipinagalugad mo ang buong building dahil sabi mo sa kanila, baka nakulong ako sa elevator o kinidnap ng katrabaho ko," natatawang sagot ko sa kaniya. Noong nangyari iyon, nakita ko sa mga mata niya ang labis na pag-aalala. The moment I saw that fear in his eyes, I know he'll protect me at all cost. He really loves me. There's no doubt. 

"Paano mo nakumbinsi ang mga pulis na maniwala at sumunod sa iyo?" natatawang tanong ko sa kaniya. Hindi ko talaga mapigilang matawa at kiligin tuwing naalala ko iyon. 

"Nadaan ko sila sa charms ko. Atsaka baka dati akong police sa past life ko," pabirong sagot rin niya sa akin. Napuno ng tawanan ang kotse sa mga sandaling iyon. It is one of the happiest moment we shared. I just don't know until when this happiness will last. 

"While I am still here, have fun there at the beach. There's a lot of young and sexy girls there. Get one or two. Don't worry, I won't be mad," seryosong wika ko sa kaniya. I mean that one. Ayos lang naman sa akin kung sakaling mangyari iyon. 

Besides, I know young men like him needs to mingle with people of their same age. Alam kong nagsasawa na siyang lumabas kasama ang mga kaibigan kong higit na mas nakakatanda sa kaniya. If he'll make a friend or two there, I would be glad. 

Nagulat ako sa ginawa niya, tinapik niya ang aking hita matapos marinig ang mga salitang iyon. Nanlilisik ang mata niyang tumingin sa akin. "I don't want any other woman. All I want is you. Kahit bumukaka pa silang lahat sa harapan ko, sisilip lang ako saglit tapos hindi ko sila papansin. I am only yours," seryosong wika niya sa akin habang hindi kumakalas sa pagkakatitig sa akin habang nakataas ang isang kilay. 

"Calvin, eyes on the road! Maaaksidente tayo sa ginagawa mo eh," nag-aalalang wika ko sa kaniya. Hindi kasi siya tumitingin sa dinadaanan namin. Mabuti na lamang at wala gaanong sasakyan sa kalsada nang mga sandaling iyon. 

"Promise me you won't say those words again. I love you!" he said without even taking a glance to the road we're taking. 

"Oo na! Promise. Kapag tayo nabangga, Calvin!" kinakabahang sagot ko sa kaniya habang siya naman ay nakangisi habang nakaharap sa akin. Hinalikan niya ako sa labi bago tuluyang ibaling ang tingin sa kalsada habang hindi nawawala ang malapad na ngiti sa kaniyang mga labi. 

I really love this man. Lord, please don't make me lose him. He means everything to me. 

Itutuloy...

MILF (My Invaluable Little Fling) Where stories live. Discover now