MAC chapter 5: Revelation

2.8K 95 35
                                    

My Anonymous Caller

by: iamNashix22

------------------------------------------------------------------------------------------------

CHAPTER 5: Revelation

(Ailee's POV)

Ano kaya ang pakay nung manager nila at pinatawag pa ako?

Wala naman siguro akong ginawang kasalanan.

Hindi kaya may gusto sa aking yung manager nila?

Eeeekkkk! Wag naman sana. Kadiri yun. Ok sana kung isa sa mga B1A4 ang may gusto sa akin ayos lang yun. Pero kung manager? Parang ang pangit pakinggan eh.

Well, unless na lang kung kasing gwapo niya ang B1A4. Haha.

No! Hindi ka pwede mag-isip ng ganyan Ailee. Baka isipin ng B1A4, pinagpalit mo sila sa manager nila.

Sa B1A4 lang ako forever!

O baka naman gusto din niya akong gawing celebrity tulad ng idol ko.

Sana yun nga yun.

Kung anu-ano kasi naiisip ko na reasons eh. Bahala na nga.

Nakarating na din kami sa backstage.

Nagulat ako sa nakita ko. I can't believed it. Kinamot kamot ko pa ang mga nakadilat kong mata at nagbabaka sakaling nag-iimagine lang ako. Pero hindi.

"Uncle Psy? Anong ginagawa mo dito?" tanong ko nung nakita ko siyang nakaupo sa tabi ng B1A4.

"Uncle??" tanong ng B1A4. Pati din ata sila nagulat dahil kilala ko ang kasama nila.

"Mabuti naman at andito ka na Ailee. Kanina pa kita hinihintay." bati ni Uncle Psy.

Naguguluhan na ako. Ano ba ginagawa ng Uncle ko dito? At kasama pa niya ang B1A4.

Baka naman big fan din siya nito.

Tama! Yun nga yun. Big fan lang siya ng B1A4 tulad ko. But I didn't expect na may lalaki pala na nasa age of middle adult ang mahahanga sa B1A4. Hanep talaga karisma nila :)

"I know you knew very well about the B1A4 but do you know whose their manager?" biglang tanong ni Uncle Psy.

"Hindi po eh. Gusto ko nga po siyang makilala to thank him personally for taking very good care these talented and good looking gentlemen" sagot ko at tumingin ako sa B1A4 na kanina na pala nakatitig sa amin.

"So hindi mo nga siya kilala?" tanong ulit ni Uncle Psy. Ang kulit ah. Kakasagot ko lang sa tanong na yan, tanong na naman.

"Paulit-ulit Uncle? Kakasagot ko lang sa tanong na yan eh" pilosopo kong sagot. Pero pabiro lang naman.

Napansin kong nagtinginan ang B1A4 sa isa't isa. Ano meron sa sinabi ko?

"Sabi ko nga. Anyway, if you want to meet him, their manager is just in front of you"

Naexcite ako sa sinabi ni Uncle.

At last, mamimeet ko na din yung manager nila. Magpapasikat talaga ako nito.

Malay natin madiscover ako nun at gawin din akong artista tulad ng B1A4. O diba bongga? Magsasama kami ng B1A4 sa WM.

Hinanap ko ang manager na tinutukoy ni Uncle.

Tingin sa left.

Tingin sa right.

"Wala naman Uncle eh." sabi ko at nagpouty lips pa.

My Anonymous Caller (complete)Where stories live. Discover now