MAC chapter 26: My Bestfriend and I

2.5K 83 24
                                    

My Anonymous Caller

by iamNashix22
---------------------------------------------

Sa mga boto sa ChannieLee (Gongchan and Ailee)

Ito na moment nila <3

[A/N: PLEASE READ!

IMPORTANT!

Ito na marahil ang pinaka may sense kong AN. Hahaha.

Anyway, could guys please do me a favor? If you noticed some MISPELLED WORDS AND GRAMMATICAL ERRORS, PLEASE INCLUDE IT ON YOUR COMMENTS BELOW OR PM ME.

I would really appreciate kung tutulungan niyo po akong iimprove ang writing skills ko by just informing me my errors. I will edit my mistakes right away.

Thank you so much for the cooperation! :)

-------------------------------------------------

Chapter 26: My Bestfriend and I

(Ailee's POV)

Kakatapos lang ng third subject namin and at last it's lunch time. Grabe ang booooring ng discussion kanina. Di rin ako makapagfocus dahil sa dalawang mokong na kanina pa ako kinukulit sa likod. Sino pa nga ba eh di ang BaDeul. Ang kulit!

"Ailee..dito!" tawag sa akin ni Baro na nasa isang mesa kasama ang ibang members ng B1A4.

Pupunta na sana ako sa mesa nila dala ang pananghalian ko nang mapansin kong pinagtitinginan na naman ako ng mga babae.

"Grabe! Ang sl*t niya. Balita ko nilandi daw niya si Jinyoung." bulong nung isa.

"Oo nga. Narinig ko rin yan. Di pa nakontento at lahat ng B1A4 eh gusto niyang akitin" sagot naman ng kasamahan niya.

"Feel niya siguro ang haba ng hair niya dahil pinatulan siya ng B1A4" sabi pa nung isa.

"Balita ko uncle daw niya ang manager ng B1A4. Kaya siguro ganun na lang makadikit sa kanila" dagdag ng isa pa nilang kasamahan

"I know, right?! Pamangkin lang siya nung manager nila pero kung makaasta siya akala mo girlfriend siya nila. Mabuti nga sa kanya at sinabunutan siya ni Hyorin. Hahaha"

At pinagtawanan nila ako.

Sigh~ Ito na talaga ang laging ko naririnig tuwing may dinadaanan akong mga babae. Binaback bite, pinagtatawanan, pinagkakaisahan.

Di ko rin naman pwedeng sabihin sa B1A4 dahil mag-aalala lang sila sa akin. Di ko rin naman pwedeng sabihin kay Yuri dahil nga may conflicts between us. Namimiss ko na nga siya eh.

Umupo na ako sa mesa kasama nila Baro habang naririnig ko pa rin sa isip ko ang mga bulungan nila.

Ito nga pala ang aming seating arrangement:

Ako - Jinyoung - Gongchan

Baro - Sandeul - CNU

"Oh, Ailee. Ayos ka lang? Parang wala ka din sa sarili ah" tanong ni Sandeul sa akin kaya natauhan ako.

Then napansin ko si CNU na kanina pa siya walang imik simula pa nung nasa classroom kami.

Dahil siguro sa nangyari kagabi kaya sa ganyan ngayon.

"Babe, try mo 'to oh ang sarap" sabi ni Jinyoung sa akin at inalok ang isang kutsarang pagkain.

Teka..

Ano raw?!

"BABE?!!" sabay naming tanong nina Baro at Sandeul.

Heto na naman ako sa pamumula ng mukha ko. Di ko na siguro kelangan ng blush on sa tuwing kasama ko si Jinyoung.

My Anonymous Caller (complete)Onde histórias criam vida. Descubra agora