MAC chapter 2: Phone Number

4.3K 130 36
                                    

My Anonymous Caller

by iamNashix22

----------------------------------------------------------------------------------------------------

Sa mga nakakabasa nito, hindi ko muna bibigyan ng tunay na pangalan si Anonymous. Kasi sa tingin ni Ms. Author, mas mukhang interesting daw yung story kung pati ang mga readers eh magiging curious din kung sino si Anonymous. O diba, mysteryoso ang dating?!

Pagpasensiyahan na. Temporary lang din naman eh 'coz I promise, later on with the story malalaman niyo din kung sino si Anonymous.

Wag po kalimutan mag.leave ng comment after reading. :)

Cool B1A4 image here attached.

----------------------------------------------------------------------------------------------------

CHAPTER 2: Phone Number

(Anonymous' POV)

At last dumating na kami sa Makati. First time kong pumunta dito. Wala din pala itong pinagkaiba sa Korea. Half Filipino ako from my father side at half Korean din from my mother side. Lumaki ako sa Korea. Simula kasi nang namatay ang lolo ko, mag-isa nalang si lola sa Korea kaya naisipan ng papa ko na magmigrate kami dun para naman may kasama siya.

Hindi ko muna iintroduce ang self ko. Yun kasi ang pinagbilin sa akin ni Ms. Author. Ewan ko ba dun. May pa "anonymous anonymous" pa kasi siyang nalalaman. Pero darating din ang time na makikilala niyo din ako kaya tiis nalang tayo mga readers ah.

Ang tahimik ata ng mga kasama ko ngayon. Halatang napagod sa biyahe. Pero pandalian lang ang katahimikan ng biglang...

Gggrrrrrruuuuu~

Lahat kami napalingon mula sa pinanggalingan ng tunog.

"Oops! Sorry! Mukhang di na nakapagtiis yung tiyan ko sa sobrang gutom. Kaya ayan, nagrereklamo na. Pwede bang kumain muna tayo? Please" nahihiyang sabi niya.

Oo nga pala, di pa nga pala kami nakakain simula ng dumating kami dito sa Makati. Tutal may oras pa naman kami bago dumating sa hotel, naisipan naming lahat na dumaan muna sa isang convenience store..

Hindi na kami bumaba sa sasakyan. Instead, yung driver namin ang nagvolunteer na bumili ng pagkain. Alam kasi namin lahat na kapag bumaba kami sa sasakyan ay siguradong magkakagulo. At pag nagkaganun, lagot siya kay manager.

Pero dahil naiinitan at naiingayan ako sa loob ng sasakyan, naisipan kong bumaba na lang din. Suot-suot ko yung jacket ko at sunglasses para naman walang makakilala sa akin.

Naramdaman ko ang haplos ng hangin sa katawan ko. Kahit nakajacket ako feel ko pa rin ito.

"Wow! Ang sarap naman ng simoy ng hangin dito. Matagal na akong hindi nakakalanghap ng fresh air." sabi ko sa sarili ko. Eh pano naman kasi sa Korea puro polluted air meron dun.

Teka, ano yun?!

May napansin kasi akong puting bagay na tinatangay ng hangin. Tingin ko nga papel yun eh.

Biglang humina ang hangin kaya ang papel na kanina pa sinusundan ng mga mata ko ay bumagsak sa may paanan ko. Pinulot ko ito. Nakita kong may nakasulat kaya binasa ko.

"Teka, phone number 'to ah". Binasa ko pa yung pangalan na nakasulat rin dun.

"Ailee?! So siya pala may-ari ng phone number na 'to. Bakit kaya siya nagkakalat ng number niya dito? Ibang klase din paraan niya para makahanap ng textmate ah" patawa kong sabi.

My Anonymous Caller (complete)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora