MAC chapter 35: Wedding Finale

2.6K 94 31
  • Dedicated to all BANAs
                                    

My Anonymous Caller

by iamNashix22

----------------------------------------

Waaaaah! Congratz dahil umabot pa kayo sa last chapter!

I dedicated this chapter sa lahat ng mga BANAs na patuloy pa rin nagsusupport sa B1A4 ^_^

BANAs hwaiting!

THANK YOU FOR SUPPORTING THIS STORY EVERYONE!! ^_^

Please do support my new story too entitled:

"Ghost/Girlfriends"

You'll gonna love it!

Check niyo nalang po sa link na nakaattached ^^

READ,VOTE.COMMENT.FOLLOW.SHARE.ENJOY

----------------------------------------

CHAPTER 35: Wedding Finale

Back to the present..

"Done!" sabi ni Hyorin nung natapos na niya akong ayusan. Inikot niya ako papaharap sa salamin.

Ako ba 'to?!

Ang..ang ganda ko! Hahaha.

"Ayan! Nagmukha ka na rin tao sa wakas. Hahaha" pang-aasar na naman niya sa akin. Di talaga siya nagsasawang asarin ako. Tsk!

*knock

*knock

"Sino yan?" tanong ko.

"Si Jinyoung"

Jinyoung?

Tumingin ako kay Hyorin mula sa salamin at nakita ko siyang parang nagulat at di mapakali.

Hmmm..I guess its my turn para asarin siya. Bwahaha.

Dali-dali akong tumayo at binuksan ang pinto.

"Hi Jinyoung!" masiglang bati ko sa kanya. Suot-suot na niya ang black tuxedo niya na may puting rosas dibdib, parang handa na rin siya mamaya. Infairness, gwapo pa rin as usual.

"Hi Ailee!" bati din niya. "Wow! You look great" sabi niya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.

"Thanks! How about Hyorin? What do you think?" tanong ko at bigla kong hinila si Hyorin at tinulak kay Jinyoung. Buti nalang nasalo niya agad. Hahaha.

Nung nagkatinginan sila sa isa't isa, bigla silang namula pareho at umiwas ng tingin.

Kyaa! Ang cute nila tingnan. Para silang mga bata na nahihiya sa isa't isa. Hahaha.

"H-Hey" nahihiyang bati ni Jinyoung sa kanya na parang natotorpe.

Inayos muna ni Hyorin ang sarili niya bago sumagot.

"Hey" mataray niyang sagot.

Wow ha! Siya pa may kayang tarayan si Jinyoung. Ayaw ata magpahalata na kinikilig siya. Hahaha.

"Y-You look beautiful" puri sa kanya ni Jinyoung at umiwas ng tingin. Tinatago ang pamumula niya kahit halata na ito sa mga tenga niya. Pati si Hyorin ay namula rin.

Para ata akong nanonood ng love story nito ah. Ang cheesy!

"Whatever! At kelan pa naging maganda ang babaeng may simpleng make-up lang? Tsk!" pagtataray na naman niya at umalis.

Ngunit hinawakan siya agad sa kamay ni Jinyoung kaya naman bigla ulit nagblush si Hyorin.

"T-Teka. San ka pupunta? Iiwan mo ba ang partner mo? Sabay na tayong pumunta" yaya ni Jinyoung at inakbayan agad si Hyorin.

My Anonymous Caller (complete)Where stories live. Discover now