MAC chapter 27: Fall

2K 71 22
                                    

My Anonymous Caller

by iamNashix22

--------------------------------------

Hello ulit! Ginaganahan akong mag-UD ngayong kaya ito na naman ako with Chapter 27! :)

Dedicate ko nga pala 'to kay @CherrySnow for voting and commenting each chapters!

READ VOTE COMMENT FOLLOW AND SHARE THE STORY ^_^

Thanks for supporting and Ingat kayo lagi :)

May picture nga pala tayo ng mga magaganda at nagwagwapuhan nating mga characters sa taas.

Enjoy reading :))

----------------------------------------------------------

CHAPTER 27: Fall

(Ailee's POV)

"Oh no!" sigaw ko nung sinilip ko ang oras sa phone ko.

Di ko namalayan na nakatulog pala ako. At 6:30 na ng gabi. Susunduin nga pala ako ni Jinyoung mamaya.

OMG! May  30 mins lang ako para maghanda. Parang di ko kakayanin 'to. Tsk!

*Ting!* (sound effect ng umilaw na light bulb. Hehehe)

I know! Tatawagin ko na lang si Jinyoung na mamaya na lang niya ako 7:30 sunduin.

Di na ako nagdalawang-isip, kinuha ko agad ang phone ko at tinawagan siya.

Calling Mr. Anonymous...

Matagal-tagal na din pala kaming di nakakapagcommunicate sa phone simula nung nakilala ko siya bilang si Jinyoung. Di na rin kasi siya nagtetext at tumatawag sa akin di tulad ng dati.

Namiss ko tuloy makig-usap sa kanya sa phone.

Calling Mr. Anonymous...

Calling Mr. Anonymous...

Ang tagal naman ata niyang sumagot. Di kaya busy siya?

At last sinagot din.

"Hello Jinyoung?"

[Ailee?]

"B-Baro?" nagtataka kong tanong. Alam kong si Baro ang sumagot ng tawag ko dahil napakafamiliar sa akin ang malalim niyang boses.

"Si Jinyoung?"

[Ha?! Nasa room niya nag-aayos. Bakit mo naman siya hinahanap sa pho- *Baro!*]

Narinig kong may tumawag sa kanya sa kabilang linya.

[Amm..Ailee..sorry kung hindi si Jinyoung ang sumagot sa tawag mo. Busy ka siya sa paghahanda para sa party mamaya. Si Gongchan nga pala 'to]

"Ch-Channie..."

*Lubdub

*Lubdub

Bumilis na naman ang tibok ng puso ko nung narinig ko ang boses niya.

Di ko na talaga alam kung anong nangyayari sa akin, pero isa lang ang alam ko.

Hindi dapat ako nakakaramdam ng ganito.

"..pakisabi naman kay Jinyoung na kung pwede sana mamaya niya na lang ako 7:30 sunduin. Kakagising ko lang kasi eh. Hehehe. Mag-aayos pa ako. Thanks. S-Sige, bye!"

Binaba ko na agad ang tawag at hindi na hintay ang sasagutin niya.

Waaah! Bakit ba ako kinakabahan tuwing kausap ko siya.

Teka, kalimutan ko muna tong feelings nato at kelangan ko na nga palang mag-aayos.

Kinuha ko na ang binili naming damit ni Gongchan kanina.

My Anonymous Caller (complete)Where stories live. Discover now