Epilogue

0 0 0
                                    

Live Your Story by Auli'i Cravalho is dedicated to this chapter

اوووه! هذه الصورة لا تتبع إرشادات المحتوى الخاصة بنا. لمتابعة النشر، يرجى إزالتها أو تحميل صورة أخرى.


Live Your Story by Auli'i Cravalho is dedicated to this chapter...












Narinig ko yung pagkagulat nina mom at dad. Pati si Shan?! Nakauwi na pala sya.

"Kelan pa to Pia?!" Tanong ni mom.

"Mom, sasabihin ko din naman sayo--"

"No! Tell me right now---"

"Honey, dun muna tayo sa kwarto." Sumbat ni dad tsaka na nya hinila si mom.

"Kami nang bahala kay mom ate. Panuoorin mo na lang yan." Sabi naman ni Shan tsaka na sila umalis.

"Okey lang sakin kahit wag ka nang umuwi dito. Dahil ako na lang yung pupunta dyan sa inyo. Valenie... I just want you to have a good life there... And be happy."

Bigla syang nawala sa screen at automatic na nagplay ang isang video. Yung napanood ko kanina kay Stella.

Total napanood ko na yon, kinuha muna ng atensyon ko yung mga nasa loob pa ng kahon. At nakita ko doon ang isang bagong libro. Bago sya kasi nakabalot ng plastic.

Nanlaki yung mata ko sa book cover.

"Shunga talaga yung lalaking yon kahit kailan!" Sigaw ko sa sarili ko. "Ikinover pa talaga yung mismong mukha ko na ipinost ko sa IG nung last year."

At nakasulat nga don yung title.



The Story Of Valenie...








❇ ❇ ❇






A Few Weeks Later...

Arton's PoV

"Thank you sa libre mo Arton! Nabusog kami dun ah!" Sigaw ni Jenzel. At nagtitinginan na naman yung mga tao samin.

"Itigil mo nga yang bunganga mo. Nasa mall tayo." Seryoso kong sabi.

Kakatapos lang kasi ng klase namin kaya dumiretso muna kami dito sa mall.

"Oh saan na tayo pupunta?" Tanong naman ni Marco na may bitbit na mga shopping bags.

"Babe punta tayo sa may arcade games! Turuan mo'ko nung nilalaro nyo ni Arton na baril-barilan!" Sigaw pa din ni Jenzel.

Naging sila na nga ni Marco. Five months na yata sila. Tsk. Akalain mo yun, nagpartner lang sila sa pag-aalaga ng bunny nung highschool tapos na-fall na sila sa isa't-isa.

Hay, inunahan pa talaga ako ni Marco na magka-girlfriend. At heto pa naman ako, single pa din. At... Pogi pa din naman.

"Sure babe!" Sigaw din ni Marco.

The Story Of Valenie (Completed)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن