ⓒⓗⓐⓟⓣⓔⓡ 24

0 0 0
                                    

❇ A Mother's Love ❇

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

❇ A Mother's Love ❇














Unti-unti akong nagmulat ng mata at sumilay sakin ang isang puting pader.

Asan ako?

Agad akong bumangon at naramdaman ko na nanghihina pala ako.

Nasa ospital pala ako at... walang taong nagbabantay.

Biglang bumukas ang pinto at nakita ko si Arton na nakahawak ng mga plastic bags.

"Gising ka na pala." Bakas sa boses nya ang pagka-autoridad.

"Ikaw ba ang nagdala sakin dito?" Tanong ko.

Tumango lang sya at inilapag sa mesa ang mga prutas na binili nya.

"Bakit? Bakit mo ko linagay dito? Wala akong---"

"Ako na ang magbabayad sa medical and hospital fees mo." Seryoso nyang sabi. Umupo sya sa harapan ko at ang sama ng tingin nya sakin. "Bakit? Bakit gusto mong tumalon sa tulay?"

Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya kaya tumingin na lang ako sa bintana.

Wala na akong balak sabihin yon sa kanya.

"Tinulungan na nga kita tapos---"

"Sinabi ko bang tulungan mo'ko?" Sumbat ko. "Sana hinayaan mo na lang ako--"

Nagulat ako ng padabog syang tumayo at inilapit ang mukha nya sakin.

Napaatras ako sa ulo ng konti.

"Alam mo ba kung gaano ako nag-alala sayo ha?!" Pabulong nyang sigaw pero bakas pa din ang galit sa mukha nya.

"Bakit ka ba nag-aalala sakin? Bakit mo ako hinalikan?" Tanong ko pabalik.

Sya naman ang napatigil sa sinabi ko at dahan-dahang umatras. Oo, alam kong sya yung humalik sakin.

Nahalata ko na.

"Ah, kasi may gusto ka sakin." Seryoso kong sabi pero bakas sa boses ko ang pagkairita. "Sabihin mo--"

"Oo gusto kita! Masaya ka na?! Magpapakamatay ka na naman ba?!" Sigaw nya.

Actually, hindi ako sigurado na may gusto sya sakin pero... malinaw na ng sabihin nya yon mismo.

"Wala muna akong pakeelam kung gusto kita pero... bakit mo hinayaan yung sarili mong maghirap?" Tanong nya, at bakas ng pag-aalala yung boses nya. "Sabi ng doctor may depression ka daw. Hindi ka kumakain, pagod kakatrabaho, tapos lagi kang puyat. Ano bang nangyayari sayo?"

Kung makapagsalita sya kala mo nanay ko sya.

"Makinig ka nga muna kasi." Mahina kong sabi pero narinig nya yon. Kaya hinintay nya akong magsalita.

The Story Of Valenie (Completed)Where stories live. Discover now