ⓒⓗⓐⓟⓣⓔⓡ 23

0 0 0
                                    

❇ Depression ❇

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Depression












Sumama muna ako kina Arton at Marco sa William's Sports Complex. Wala akong nagawa kasi hinila nila ako papunta ron.

Malapit lang pala sa seven-eleven na pinag-tatrabahuan ko.

"Oh, kain muna tayo." Sabi ni Marco at inilapag sa mesa ang mga binili nilang pagkain kanina sa seven-eleven.

May sarili pala silang gaming room dito sa sports complex na to---

Napatingin sila sakin ng biglang tumunog ang tyan ko.

Tumawa sila sakin pero wala akong ganang mag-react.

"Sabog ka na nga! Gutom ka pa!" Asar ni Arton.

"Naks! Hahaha!" Asar naman ni Marco.

"Oh sayo na lahat yan! Hahaha!" Natatawa pa ding sabi ni Arton at ibinigay nya sakin yung mga salted and vinegar chips.

"Hindi ako gutom." Walang gana kong sagot.

"Itatago mo pa talaga eh dinig na dinig na nga." Natatawa pa ding sabi ni Arton.

"Hindi talaga ako gutom." Seryoso kong sabi at inilapag sa mesa yung mga chips.

"Ah, baka gusto mo ng kanin. Wait, mag-oorder ako." Sabi naman ni Marco.

"Wag. W-wag na. Hindi talaga ako gutom. U-utot ko lang yon."

"May ganon bang utot?" Nakangising sabi ni Marco.

"Orderan mo na nga lang." Utos ni Arton.

"Yeah, I insist." Dugtong ni Marco. Tsaka na sya nag-order ng pagkain sa online.

Wala na akong nagawa kaya tumigil na lang ako. At umupo sa couch nila.

"A-Arton..."

"Bakit?" Tanong nya.

Napaisip ako kung sasabihin ko ba sa kanya yung sinabi ni Mackaye kanina sakin. Nagbabasakaling... Matutulungan nya ako sa problema ko.

Pero... Hindi ko naman sya kaano-ano. Kaibigan ko lang naman sya at hindi naman boyfriend.

"May problema ka ba? Sabihin mo lang sakin. Baka matulungan kita." Seryoso nyang sabi habang kinakain ang isang chips.

Magsasalita na sana ako ng...

"Hey boys! I brought liquors!" Bungad ng isang babae. Nagulat sya ng makita nya ako. "Why the hell is she here?"

Ngayon ko lang narealize na nag-cutting pala si Sephira noong last day na pumasok ako sa Laselle. Kaya sure akong dito na sya kina Arton naki-join.

"Nga pala, we didn't told Sephira to come here. She just found out na nandito si Arton kaya lagi na syang pumupunta dito." Bulong ni Marco sakin.

Hindi ko alam kung bakit nya yon binulong sakin eh hindi naman ako nagtatanong.

The Story Of Valenie (Completed)Where stories live. Discover now