Chapter 1

2K 20 1
                                    

"Savannah, naibenta ka na." Kunot noo akong tumingin kay Mr. Manager

"P-po? Akala ko po dancer lang ako dito? Hindi naman po pwede ipagbili o ikama ang mga dancer-"

"Savannah, makinig ka-"

"Atsaka kakasimula ko pa lang po nung isang araw?" Kinakabahan na talaga ako. Pinasok ako dito ng kaibigan ko dahil walang wala na talaga ako. Nung isang araw lang ako nagsimula at sasabihin ngayon ito sakin ni Mr.Manager?!

"Sav! Shut up for atleast once!" Maarte nyang sabi at hinawi pa ang wig nya.

"I made an online auction. Sayo ang may pinakamaraming gustong bumili."

"WHAT!! Online auction?! Ng hindi ko po alam?!" kumukulo na ang dugo ko sa pinagsasabi ni Mr. Manager

"Alam mo kung bakit? You're the prettiest here and especially, Virgin! Kung ako nga lang ay di kita ibebenta sa iisang tao lang. Rent rent lang ganun-" I slapped him hard. Nagsimula nang tumulo ang mga luha ko.

"Tangina," mura nya.

"Gusto mo malaman kung magkano?! 50 million. Yun ang halaga mo, Sav. Tangina di ko alam kung nababaliw na ba ang lalaking yun!"

Lumaki ang mga mata ko sa narinig. 50 million?!! 50 milyon!!!

Pero sino ba sya at malay ko ba kung anong klaseng lalaki yun! Nanginig ang kalamnan ko sa mga masasamang bagay na naisip ko.

Paano kung mamamatay tao? Manyak? Rapist? O kung ano pa man?

"I'll give you the half, Sav." Malaki ang ngisi ni Mr. Manager.

"Savannah!"

Hindi ko na sya pinansin at dali daling tumakbo sa closet room. Mula sa isang maiksing tube ay pinatong ko ang isang pull-over jacket. Nakashort lang din ako kaya mabilis kong hinubad yun at pinalitan ng jeans.

Pagbukas ko ng pinto ay nakakunot ang noo sa akin ni Mr. Manager.

"Come on, iwwithdraw na natin to dyan sa may atm sa tapat-"

Mabilis akong tumakbo palabas. Madadaanan ko muna ang dance floor. Marami nang tao ang nagsasayaw at lahat sila ay wild na. Marami na ring tao sa mga upuan at lahat ng bartenders ay gumagalaw na pati na rin ang mga dancers sa stage.

"Excuse me," sumiksik ako para makadaan

"Padaan po"

"Hey pretty, wait" Tumakbo na ako dahil sa lasing na yun.

Pinunasan ko ang pawis sa noo nang makalabas. Madilim na dahil passed 11pm na. Grabe grabe na ang tibok ng puso ko.

I need to get out! Baka ano mang oras ay dumating na sya at hindi yun pwede! I need to escape!

Tumakbo ako papuntang bus stop. Wala na masyadong tao at sasakyan.

Napansin ko ang isang itim na magarang kotse na sumasabay sa pagtakbo ko. Gumapang ang takot sa buong katawan ko.

I stopped running. Huminto rin ako. Napasinghap ako sa gulat at tatakbo na sana nang may dalawang lalaking nakasuot ng formal suit ang humarang.

"P-padaanin nyo ako!" I pleaded. Tumalikod ako at tatakbo sana sa ibang direksyon pero may isa pang lalaking ganun din ang suot.

"Ms. Savannah Andromeda," pormal nyang sabi.

"Sino kayo? B-bakit nyo ko kilala!!" Nanginginig na ang boses ko sa takot.

Nakita ko ang traydor na si Mr. Manager.

"Poof! Mabuti at naabutan nyo sya boys. Tatakas na sana hays."

"I hate you!!! I hate you so much Mr. Manager!!" I started crying.

"Ms. Savannah, let's go. He hates waiting."

"S-sino ba sya?"

"You'll see." Hinawakan nito ang braso ko pero binawi ko yun.

"Aww," daing ko dahil napalakas ang pagbawi ko.

"Ms. Savannah, please, do not hurt yourself."

"Ayoko! Ayokong sumama!!!" Tumakbo ako ulit pero mabilis akong nahuli.

"Just get in, Sav!!!" Malanding sabi ni Mr. Manager

"Please, Ms. Get in now. We don't wanna lose our jobs. He's waiting."

Sino bang he yan!! Nakakainis! Ayoko!

"Please... let me go" Lumuhod ako at umiyak. Naalarma ang tatlo

"Ms., stand up"

"Carry her in, Jan" May isang lalaking bumuhat sa akin kaya agad akong naglikot

"Noooo!!! Mr. Manager!!! Please! Tulong!!!"

UMIIYAK ako buong byahe. Nakaupo ako sa shotgun seat. Isa ay nagmamaneho at may dalawa sa likod. What to do now.

"Please... sige na pakawalan nyo na ako"

Kanina pa ako paulit ulit pero hindi nila ako pinapansin.

"Yes sir. She's with us." Nilingon ko yung isang lalaking ngayo'y may telepono sa tainga.

Napapikit ito at inilayo ang cellphone sa tainga. Sumigaw siguro ang nasa kabilang linya. I shivered in that thought

Ano kaya sya? Masama ba sya? Oo naman masama sya. Matanda siguro at panot. O kaya naman manyak at rapist. Huhuhuhu

"Sorry, sir. We're on South Cameron now." Muli nyang inilayo sa tainga ang cellphone.

"Okay, sir." Ibinaba nya na.

"Alex, drive faster." Sabi nito sa katabi ko. Bumilis nga ang pagpapatakbo. Napahawak ako sa kung saan dahil para kaming lilipad na!

"Idiot Alex! Stop! Her seatbelt!"

Huminto ang sasakyan.

"Fasten your seatbelt, Ms." Umilingako.

"Let me go, please..." Pagmamakaawa ko pero hindi nya ako pinansin. Sya na mismo nag nagkabit ng seatbelt ko at nagmaneho na muli sa mas mabilis na paraan.

We entered a very private subdivision. Pumasok kami sa napakalaking gate na may dalawang guards. Malaki at mailaw ang mansion na nakikita ko. Sobrang laki. May garden din at landscape. Basta. Maganda.

Bumalik ang kaba ko ng huminto na ang sasakyan. Pinagbuksan ako at nanginginig ako na lumabas.

"Alex, let her in. He is really being impatient now."

Hinawakan ako sa braso nung Alex perohindi naman mahigpit. Nagpupumiglas pa ako.

"Please, Ms. I don't wanna lose my job." Naawa naman ako at naglakad na lang kasabay sya. Umiiyak pa ako habang naglalakad.

Chasing Desire (Complete)Where stories live. Discover now