Chapter 10

1K 14 1
                                    

Hiyang hiya ako habang buhat buhat ni Zack pababa sa kusina.

"Zack!! ibaba mo na kasi ako," protesta ko. Katatapos ko lang magwarm bath at sya pa nga mismo ang nagbihis sakin.

Ayaw nya akong paglakarin o ano pa man.

"Shut up, baby" mahina nyang sabi.

"Oh sir–" mukhang si manangdin ay natigilan. Maya maya'y ngumiti sya

"Sen eto na ang bananaque, iinitin ko pa ba?" tanong nito

"Ako na lang," sabat ni Zack. Tumango naman si manang at lumabas.

"Damn I forgot your slippers, the floor is very cold" Sabi nya. Pinaupo nya ako sa mesa.

"Di mo naman ako kailangan babyhin, Zack" mataray kong sabi.

"I want to," sagot nya bago pinausot sa akin ang malalaki nyang tsinelas. Sya tuloy ay nakayapak habang iniinit ang bananaque. Tinimplahan nya rin ako ng gatas.

Kanina pa ang lakas ng tibok ng puso ko. Ano ba itong pinaparamdam nya sa akin...

"IT'S BEEN WEEKS after that romantic rainy day. Sa mga nakaraang linggo ay may nangyayari pa ulit sa amin.

Napapansin ko lang na mas lalong naging clingy sa akin si Zack kada tapos ng pagtatalik namin. Halos ayaw nya nang lumapat ang paa ko sa lupa. Minsan na lang din sya pumasok sa trabaho, ani nya dito nya na lang daw ginagawa iyon.

Gusto nya kinakausap ko sya lagi, nasa tabi ko sya lagi at ayaw nyang nawawala ako sa paningin nya, nagagalit sya.

"Siraulong Zack," bulong ko at natawa nang mahina. Nawiweirduhan ako sakanya pero napapabilis nya ang tibok ng puso ko lagi. Kailangan ko sigurong magpasaway ulit para bumalik ang masungit na sya? But I like him better now.

what--?

"Savannah!" Marahas na bumukas ang pinto ng kwarto ko at iniluwa nito si Zack. Agad syang yumakap sa akin nang mahigpit.

"Why are you not in my room?! Naligo lang ako paglabas ko wala ka na," Naiinis nitonh sabi na parang ang laki ng kasalanan ko sakanya.

"Zack-"

"I thought you're with Alex again!" What?!! Anong pinagsasabi nito? Teka nagseselos ba sya??

"What?! Bakit naman kami magkakasama ni Alex, Zack?"

"Tss," mas sumiksik sya sa akin.

"I just suddenly remembered the two of you eating ice cream," pati ba naman iyon?

wala na akong nagawa kundi tumawa dahil sa kinaiinisan nya. He's stressing over stupid little things. He's so cute.

"Wag mo ko pagpapalit, papatayin ko sya" babala nya sa seryosong boses. He's really crazy. Walang kamuwang muwang yung taong pinagbibintangan nya.

MINSAN napapaisip ako kung may minahal na bang ibang babae si Zack noon. Kahit isa? Wala ba? Imposible. Pero sabi ni Ate Rielle nung andito pa sila ay wala pang nauuwing babae dito si Zack bukod sa akin.

"Hija, lumalamig na ang pancake mo," paalala sa akin ni manang. "Nakatulala ka dyan... Saglit lang iyon si sir, may inasikaso lang," ngumisi pa sya nang nakakangisi. Nag-init naman ang pisngi ko sa sinabi nya. Mukha bang iniisip ko sya?!

"Manang... may naging kasintahan ba si Zack noon?" nabigla ako sa sarilikong tanong.

"Mayroon," sagot nito. Lumaki ang mga mata ko.

"Pero bakit po sabi ni ate Rielle e wala pa syang nauuwi dito?" takang tanong ko. I'm just curious.

"Dahil wala ang mga kapatid nya pag inuuwi nya dito noon. Mahal na mahal nya iyon," parang may kung anong kirot sa dibdib ko sa sinabi nya. Meron na palang nauna.

"B-bakit po sila n-naghiwalay?"

"Wag kang mag-alala, Sen, patay na sya." Lumaki ang mga mata ko sa sinabi nya. Patay na?

"P-patay na?" pag-uulit ko

"Oo. Noon ay mabait at palakwento si sir pero simula nang mamamatay sya ay naging malamig pa ito sa yelo at minsan lang kung kumausap at lumabas ng kwarto." So she was the reason. Paano kaya sya minahal ni Zack? sweet kaya sya sakanya? Ngayon ko lang nalaman ito ah.

"Pero hindi namin nakita ang bangkay nya. Hindi nakauwi ang bangkay nya,"

"Po?! Bakit naman?"

"Limang taon na rin ang nakalilipas. Hindi namin alam kung nasaan, basta may nagpadala na lang ng litrato nya na duguan." Napayuko ako. Naiisip ko lang kung gaano kasakit yun sa part ni Zack.

"S-sino naman po ang pumatay?"

"Ang lalaking malaki ang inggit noon kay Sir Isaac. Mahigpit na kalaban sa negosyo at isa rin sa mga bilyonaryo. Akala nya siguro ay babagsak ang kompanya ni sir pag nawala ang babaeng mahal nito, pero mali sya. Bumagsak man ay tumayo itong muli at mas matayog at mas malakas na,"

"Ngunit ang lalaking iyon ay hindi pinatay ni sir Isaac," Dagdag pa ni manang.

"Bakit?" knowing Zack, masyado syang brutal.

"Dahil pinsan nila ito," Lumaki ang mga mata ko. Malaki talaga ang nagagawa ng inggit.

"Wala na po sya ngayon?" tanong ko.

"Hindi na namin sya nakitang muli kasabay ng pagkawala ng babaeng minahal nang sobra ni sir Isaac,"

Pero bakit nasasaktan ako knowing na may iba na syang naunang minahal? Worse, dahilan pa ng pagbabago nya.

"Patay na sya, Sen." nag-aalalang pag-uulit sa akin ni manang.

"Tsaka kahit buhay pa sya, at nandito ka na, ikaw pa rin ang gusto ko para kay Sir. Nasa loob kasi ang kulo ng babaeng iyon. Mabait sya, mahinhin at masunurin kay sir. Pero pag sa amin, napakarahas nyanmag-utos."

Tumango ako at pilit na ngumiti. Ganoon pala. Sakit. Bakit nasasaktan ako sa mga nalaman ko.

"Marami kayong nalalaman, manang ah" pinilit ko pang magbiro at tumawa

"Aba syempre! Pinalaki ko iyan si sir—" Natawa pa si manang pero natigilan sya at tumitig sa akin.

"Umiiyak ka, Sen." Puna nya. Hinawakan ko ang pisngi ko. Basa nga.

"H-hindi ko po a-alam kung bakit," sabi ko at pinunasan. Hindi ko namalayan.

Posible pa lang umiyak nang hindi mo namamalayan? Mabigat lang talaga sa dibdib ang mga nalaman ko ngayon.

"Hindi ka ayos at nasasaktan ka sa mga nalaman mo. Pero lahat yun, nakaraan na lamang."

Chasing Desire (Complete)Where stories live. Discover now