Chapter 34

911 13 1
                                    

Nagising si Isaiah dahil siguro sa nanginginig kong katawan na nakayakap sa kanya.

"Mommy?" kinusot kusot nya ang mata nya at umupo. "What's wrong po?"

"Nothing... baby Ice. Sleep again."

Narinig ko ang pagbukas ng pinto ng apartment kaya napatayo ako.

"Mommy?"

Nakahanda na ako at nakahawak sa doorknob nitong pinto ng kwarto para hindi mapihit ng nasa kabila.

"Shit!" I curse because someone is applying stronger force.

"Sav, it's me."

Nakahinga ako nang maginhawa nang marinig ang mahinahong boses ni Red. Agad ko iyong binuksan at tumalon ako ng yakap sa kanya.

Hinaplos haplos nya ang buhok ko at hinalikan ang ulo ko.

"Red... takot na takot ako..." nanginginig ang boses ko. "B-baka kuhain nya s-si Ice"

"Shhh, he won't... Calm down and we'll be leaving now."

Bumitaw sya at pumunta sa inaantok na si Ice. Binuhat nya iyon.

"Tito Red?? why?"

"Be a good boy, Ice. We'll leave." Sabi nito at hinila ako.

"Wait!" Kinuha ko ang isang travel bag na naglalaman ng iilang gamit namin ni Ice. I just somehow did this years ago. Im case of emergency, kung may sakuna o kung ano pa man.

Kinuha ni Red ang kamay ko at mabilis kaming sumakay ng kotse nya. Sinigurado nya muna na walang sumusunod bago paandarin ang kotse—mali, paliparin

"Mommy, Tito, I don't understand..." mahinang sabi Ice sa likod. He's frowning with his father's sleepy eyes.

"Sleep, baby." I said while fastening my seatbelt.

"His men are probably still on their way. We have to get away fast..."

Tumingin ako kay Red. Nakakunot ang noo nito habang nagddrive. Looking handsome, as always.

"Don't stare at me. Mababangga tayo!"

Agad kong iniwas ang tingin ko at tumingin na lamang sa labas at nagdasal.

Nakatulog muli si Ice sa likod. Ako rin ay hinihila na ng antok pero dahil sa kaba ay padilat dilat ako.

Hindi rin nagtagal ay nagdilim na ang paningin ko at nakatulog na.

I woke up feeling small kisses on my forehead. Dahan dahan kong idinilat ang mga mata ko.

Red's arm is on my waist while kissing my forehead. Tumigil sya nang makitang dumilat na ako.

"Tito, mommy's awake na" Rinig kong sabi ni Ice. Umayos na si Red ng upo kaya ako rin.

Nagpakalong sa akin si Ice at yumakap.

Inikot ko ang paningin ko sa labas. It's peaceful. Maraming mga puno puno at papalubogna ang araw.

"Nasaan tayo, Red?" tanong ko. His sleepy eyes told me that he's tired and he wants to sleep.

"Cavite.."

Tumango ako. Hindi ako sumagot kaya nagsalita sya ulit.

"Unfortunately, I don't have any apartments here that I own. Let's just rent..." Tumango ako.

"Im hungry..." reklamo ni Ice. Red chuckled and went out of the car.

Pinagbuksan nya kami at inalalayan lumabas si Ice bago ako.

Umihip ang malamig na hangin kaya hinangin ang buhok ko.

"O-okay lang ba, Red? Baka pinaghahahanap pa rin ako ng mga tao para sa bilyones?"

Chasing Desire (Complete)Where stories live. Discover now