Chapter 17

951 19 1
                                    

(kinabukasan)

"Uy! Aiden, Lucas! Red!" masaya kong bati nang makita ko ang tatlo papasok ng mansion.

Ngumiti sila at isa isa akong hinalikan sa pisngi.

"Hi." si Red.

"Looking pretty as always, Savannah babe" Si Aiden.

"Gago! Marinig ka ni Isaac tingnan mo talaga" Saway ni Lucas at tumawa sila. Tumawa rin ako.

"Sige pasok kayo. Naghanda si manang ng almusal," sabi ko

"Yon!!"

"Yun oh!"

"Oh andito ang mga gwapong hijo! Hala sige magsikain kayo!" Sabi ni manang. Naguunahan pang umupo si Lucas at Aiden. Si Red naman ay tahimik na umupo.

"Where's Isaac though?" biglang tanong ni Red at nakatitig pa sa akin.

"N-naliligo pa." Sagot ko. Tumango sya at tiningnan pa ako ulit bagonagsimulang kumain.

Nang malaman ni manang na natuwa si Zack ay hindi na raw sya nagulat. Alam nya raw na matutuwa ito at natutuwa sya para sa amin.

Umupo na rin ako at kumuha ng dalawang bacon and egg.

"Gago to si Aiden, lasing na nagdrive kagabi!" sabi ni Lucas at kinain ang buong ham. Tumawa lang si Aiden

"Ano? Bakit naman?" nag-aalalang tanong ko.

"Why are you concerned about him?" Narinig ko na ang masungit na boses ni Zack at umupo sa tabi ko.

"Oh badtrip ka naman agad pre" Pang-aasar ni Lucas

"She left me upstairs, that's why I'm in a bad mood. Concerned pa kay Aiden. Tsk" Napaawang ang bibig ko sa inasta nya.

He's becoming clingy again.

"lZack, kaibigan natin sya. At nag-drunk drive sya kagabi. Magtigil ka nga," sawa ko. Ngumuso lang sya.

"What the fuck, dude. Did you just pout?!!!" Humagalpak ng tawa ang dalawa. Habang si Red aynatatawa na rin nang mahina lang.

Lumipad ang isang toast kay Lucas na agad nitong nasambot.

"Shut up!!" Bulyaw nya.

"Zack, kumain ka na nga..." Nilagyan ko ng pagkain ang plato nya. Nanahimik naman na sya.

"Hoy Lucas akin na to!" sabi ni Aiden

"Lah! Ako nauna!"

Nang tingnan ko ang pinagaawayan nila ay ang natitirang bacon sa plato. Parehong nakatusok doon ang tinidor nila at nagbabangayan.

"Tss. Idiots." bulong ni Red.

"Huy tumigil na kayo," sabi ko at tumawa.

"Hindi! Sakin to dapat!" pagmamatigas ni Aiden

"Ako ang nauna!" Giit naman ni Lucas saka kinamay na iyon at kinain.

"Tanginaaaa!!! Akin yun eh" Parang bata na sabi ni Aiden.

Natawa ako at inilagay sa plato nya ang isa kong bacon

"Naks! Thanks Savannah babe!" Tutusukin na sana iyon ni Aiden nang tusukin iyon ng tinidor ni Zack.

"Tss."

"Hoy Isaac! Sa akin to binigay ni Savannah babe!"

Kinain iyon nang buo ni Zack tapos masamang tumingin sa akin. Napalunok naman ako.

"Back off, she's pregnant with my child."

Halatang nagulat ang tatlo habang si manang ay nakangiti. Nang tingnan ko si Zack ay nakangiti na rin ito.

Ang kamay nya ay namamahinga sa hita ko.

"W-what?! Tangina ang bilis mo Isaac!" si Lucas.

"I knew it," si Red naman.

"Ano?! Bakit mo binuntis, Isaac? Tss kahit buntis na sya, Savannah babe ko pa rin sya!"

"Aiden!!" galit na naman si Zack.

"Zack... inaasar ka lang nyan." Sabi ko. Huminahon naman sya at hinalikan ako sa noo.

"Anyway, we'll not go to the doctor today. Bukas na lang. My trusted doctor isn't in my hospital today, I don't want any other doctor to touch you." bulong nya haabng nakatingin sa akin.

"Okay, Zack."

"Fuck ang bilis ni papa Zack~" ginaya pa ni Lucas ang paraan ng pagkakasabi ko sa pangalan nya. Natawa ako habang inis na naman to si Zack

"Zack, paabot naman ng maple syrup" pang-aasar ni Aiden.

"Shut up idiots! Don't call me that!" Saway nya dito pagkatapos ay inangat ang baso ko ng gatas para sya mismo ang magpainom sakin. Naghiyawan naman ang dalawa.

"Lover boy na, puta!"

"Ayon naman pala!"

Namula ang tainga ni Zack sa inis ba o sa kilig o ewan ko.

"Kumain ka na rin, Zack" mahina kong sabi sakanya. Tumango sya.

"Hope all may girlfriend," sabi ni Lucas

"E sinonh papatol sa mukha mo tol?! Kung meron man, wag mo hayaang makita ako baka sakin pa ma-fall hays-" Nag-aasaran pa ang dalawa at nagbabangayan. Natatawa na lang ako. Red is busy in his phone though.

"Zack, kainin mo yang vegetable salad mo..." utos ko.

"Yes, wife." Sinunod nya ako. Bahagya pa akong kinilig dahil sa tinawag nya sakin.

"Ubusin mo to, Zack... Wag mo ihiwalay yan, kainin mo" Utos ko ulit dahil hinihiwalay nya ang tomatoes.

"But..."

"Masustansya yan," dagdag ko pa.

"A-as you say, wife." Kinain nya nga iyon kahit labag pa sa kalooban nya.

I giggled and messed his hair.

"Dammit kahit ano yatang sabihin at iutos ni Savannah susundin ni Isaac," Sabi ni Lucas at tumawa.

"Oo nga. Sabihin mo nga kiss nya pwet ko, Savannah babe" Si Aiden naman. Habang si Red ay nangingisi lang sa gilid.

"Can you all leave now? You both so damn loud, my wife's pregnant can't you see?!" Hala. Nagagalit na nga si Zack.

"Oh oh chill.. Sabi ko nga tatahimk na kami" Sabi ni Lucas at pasimple pang siniko si Aiden. Pareho silang nagpipigil ng tawa.

Chasing Desire (Complete)Where stories live. Discover now