Daiyte L

107 19 85
                                    

Chapter 50

Ang sarap pala sa feeling kahit papano may bagay kang natapos lalo na't hindi mo aakalaing magiging goal mo pa pala iyon na dapat mong iachieve.

Everything went fine actually...and I can't still believe that some of it were actually done. One of those was what happen yesterday.

Nakakagaan ng pakiramdam and at the same time, hindi ko na kailangang mag-isip isip pa kung paano ganito o paano ganyan.

Sure that medyo madali lang lang naman ang gagawin ko kung tutuusin but...it was really unexpected. Kaya nga napaiyak ako kahapon e.

Para akong bata nang eksenang iyon. Pretty childish I say but what matters now is that it's already finished. Wala na finish na.

The thrill because of my curiosity, surprises, saying sorry, sweet words and telling all of the details, all of it happen in just a day.

And speaking of a day, today's a brand new day to have a fresh start. I'll begin by putting in my mind that this is just a normal day.

Dapat positive vibes ganern! Yung tipong ngiting-ngiti ako ng malawak, maaliwalas ang aura at kung ano ano pa.

Sana nga ganoon ang mga sumunod na mangyayari. Iyon kase ang ginagawa ko ngayon e. Nasa labas ng pinto at handang handa na pumasok sa unibersidad .

How I wish that not just today...but everyday's gonna be alright. Nawa'y walang sisira ngayon ng araw ko.

H-HA! SINO NAMAN GAGAWA NON?

"Ay Waw! Masaya ka na niyan?" Ay bwisit. Meron ngang kulangot na gagawa nito.

"Ay oo! Masama ba?" I can't help but to let it out sarcastically. Nananadya ba siya?!

Walang alinlangang pinandilatan ko ito. He flinched. Buti nga sa kanya. Matakot siya. Mata pa lang yan, wala pa akong ginagawang iba.

"S-sabi ko nga..." Napaiwas na lang ito ng tingin. Galing sumapaw anong kalalabasan? Ayan karma.

"Psh," Napairap na lang ako dito. Huwag niya akong simulan kase gusto kong maging maayos ang araw na ito.

Masisigurado ko ba na magagawa ko iyon? Maybe yes or maybe no kase merong mga dadating na talagang magpapasabi na di lahat ng bagay magiging perpekto pero sapat.

Ika nga, kung may swerte meron ding malas. So ibig sabihin hindi dapat ako magexpect ng maganda?

Ay shutek. Baka nga ganon. Ano ba dapat kong gawin na lang para maiwasan iyon? Be careful? E kusa ngang dumadating e!

"Pero di nga? Seryoso ka ba?" Ang galing! Nagawa pang magsalita matapos kong sungitan. Di ba siya nagpapatalo?

"Anong hindi?! Pinagsasabi mo diyan? Umayos ka Montereal ang labo mo!Tumahimik ka na lang kung di mo maidescribe!"

"Aish! Yung sinabi mo kahapon!" What does he mean about yesterday? What has something to do with it?

Ibang klase pag hindi nililinaw. Nakakabobo tuloy at baka mabigyan pa ako ng malisya na napakaslow ko.

Hindi naman kailangang gamitin ng common sense dito di ba? Kase kung ganon, nasagot ko na ito ng madalian.

This is purely bullsheez. Sino nga yung nagtatanong? Ah! Oo nga pala. Kapatid kong nakakairita.

"Alin ba doon? Ang dami kong inimik e," Maamo kong sagot. Pagbigyan ko muna baka ma-gets niya agad.

"You don't know?" Nahinto kaming parehas sa nilalakaran namin upang mag-abang ng masasakyan. Nilingon ko naman agad ito. Sa tingin ba niya alam ko kung hindi ako nagtatanong? Grabe. Gusto talaga nitong pahabain ang usapan e.

DaiyteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon