Daiyte II

463 156 391
                                    

Chapter 2

It's been a week since naganap ang pangyayaring iyon. And I didn't expect na hahantong sa ganito ang mangyari. Na-gets niyo ba yung sinasabi ko?

Ganito kase iyon, simula nang inimik ni Val ang patungkol sa "lovelife" kunno, I've been wondering na gusto kong...sumubok ulit. Halos ilang taon na rin ang nakalilipas since nawala siya and I want myself to be happy.

Pero dahil sa ipinasok ng gagita yung kanyang mensahe, tumatak na iyon sa utak ko. Paano ba naman kase, kahit saan man akong magpunta, kasama si Val o hindi e puro landian ang aking nakikita! Parang walang bukas!

Well noon e hindi ko pinapansin ang mga ginagawa ng mga tao kahit nilalanggam na sila nang todo todo. I was like them noong kami. Pero bwisit lang! Napapaisip tuloy ako na sana meron din ako! Inggit lang teh?!

Pero sa mga araw na iyon e it's been normal. At ito ngayon, kasama si Val pauwi. May gala raw ang isa pang Montereal kasama ang barkada kaya ito, best friend ko ang kauwian ko.

Minsan lang kaming magkasamang umuwi. Pag gusto niyang gumala e isasabay ako sa kotse niya. Madalas kase e nauuna siya dahil sinusundo siya ng driver niya. Sosyal niya diba? E nagkataong nasiraan ng sasakyan nila kaya kami ngayon, together.

Hindi naman gaano kalayo ang tinitirhan niya sa amin. Kumbaga, sampung bahay ang kailangan lang puntahan at nandoon na ako sa tinitirhan niya.

"Mads, okay ka lang ba? Ang lalim ng iniisip ah! Share mo naman diyan!" Pagsiko nito sa akin na aking ibinalik sa katinuan.

"Well...oo. Wag mo na lang isipin yung nangyayari sa akin ngayon. Masyadong complicated e." Sabay ikot ng hibla ng buhok ko.

"Bitch, kaibigan kita, kaibigan mo ako...Ay Hindi pala! Mag sisters in law nga pala!" Sabay hikhik nito na aking ikinairap.

"Alam mo, stop the "hipag" thingy, hindi magiging kayo ni Lonlon. May ibang gusto iyon." Well that was a lie. I know wala pa siyang love interest dahil focused on siya ngayon dahil sa kinuha niyang course. Ewan ko na lang kase wala siyang sinasabi kung may crush o nililigawan siya.

Pero whatever happens, bahala siya kase support ko siya. Wag lang magiging ama nang maaga iyon dahil kukutusan ko iyon! And also, Max naman talaga ang apelyido noon. Ako lang naman ang tumatawag sa kanya ng Lonlon at kapag naiinis ako, nickname or full name niya.

"Kahit may syota, asawa o anak na siya, akin lang siya Akin.lang.ang.isang.maxilon.montereal!" Na may pa boses pang Nora Aunor na aking ikinangisi.

"Well gagita...dream on!" Ngumiti ako nang kay lapad na ipinout naman nito. Well...let me remind to her, I'm the bitch, she's the gagita!

Medyo malapit lapit na kami sa aming pupuntahan nang nagtanong ulit si Val patungkol sa kaninang iniisip ko. Should I tell her about it? Baka pagtawanan lang ako nito...Aist! Bala na nga.

"Well about the question na sinasabi mo...parang...um...?"

"Mads, ano? Sabihin mo na dai! Pabebe pa e!" Well wala na akong magawa kundi hay...

"Doon sa sinabi mo noon sa akin tungkol sa love search e parang napag isip isip ko na...i-try?" Sabay pikit ko bigla sa kanya. Pagkamulat ko na lang e nagpipigil ito ng tawa. Huhu sana di ko nalang sinabi!

Hanggang sa bigla na lang humalakhak nang malakas na para bang hindi babae itong kasama ko. How could you let me do this. Ila't saglit rin naman tumigil na ito.

DaiyteWhere stories live. Discover now