Daiyte XXX

129 60 87
                                    

Chapter 30

I don't know kung bakit ako nagkakaganito guys! Masyado akong naoverwhelmed after na makita ko ang taong hinahanap hanap ko!

Ewan ko. Masyadong mabilis ang catch ko. Di ko alam if dakilang tanga ako at go agad na pumasok sa mind ko about this relationship thing? Hanap lablayp or sadyang kailangan ko talaga ito.

You see, ang dami nang nangyayari sa buhay ko. Including this and that. Kilalang kilala na nga ako bilang isang karakter na sobra ang pagkatopak sa problemang... maari namang masosolusyonan.

Pero anong magagawa ko? Ako ito eh! Buhay ko ang ginagawa ko at sa bawat pangyayari na nagaganap, may dalawang pwedeng sisihin. Oo sisi talaga! Ano iyon? Ako at ang maaring kulangot sa buhay ko.

Sakit sa ulo dahil sa pamilya lalo na sa puchang-galang ama ko...TSEK!

Anong ibig sabihin nito? Ang tsek na iyan ay nagsisimbolo ng nagaganap pa rin na di maayos ayos lalo na sa recent na naganap.

Sakit sa ulo dahil sa financial o perang kinakailangan para sa kinabukasan... HALF TSEK?!

Bakit kalahati? I know na unting unti na kaming nakakaahon pero di ko pa rin lubos na maiisip lalo na gusto ng pader ko na bigyan ng money ang aking family which I can't take na he do it.

Sakit sa ulo dahil sa prendshet na nangyari Kay Marveric... KONTING TSEK?

Anong percentage? Vovo lang magiisip non! Kagigil ang sasagot pa! Ganito kase yon, dahil natapos na ang araw, baka bukas... or one day e lapit lapitin ako at isipin niya na close kami? Grabe lang? Exes tapos BFF putrages?

And now na nakita ko na siya... sa app e di na ako magdadalawang isip pa na subukang makipagdate with him. Sana maaccept niya noh? Para amazing at swertehen ako sa pagkakataong ito.

Aba! Sino ba namang makakatanggi kung ang crush mo ay kamukha ng magiging ka-date mo? Di ba exciting!

Natatawa na nga lang ako sa sarili ko dahil sa ginagawa ko. May pagkakataon pa ngang iniimagine ko ang future things na susunod pagkatapos kong magpaask ng love request sa  kanya.

Mga bois, ghourls, para na akong nasa ikapitong langit sa saya! I can't imagine na ganito ka fast forward na aking naisaisip na maghahanap na ako ng love of my life! Ayyiiieeee!!!!!

Pero teka, makikipagmeet up pa lang naman ako if ever tanggapin niya. Wag akong assumerang akin na siya! Pede mong angkinin, ngunit isang araw lang!

Waw naman! Ang desperada ko kung gagasta ako para lang sa isang lalaki! Ubos ang perang napagipunan! Maghihirap kami at walang magagawa kundi tanggapin ang favor niya? That's a no no no!

At alam niyo kung anong masaya pag natanggap niya? Makokontrol ko siya hehe! Ako ang magpaplano para sa magaganap na daiyte hehe.

Gash! Kinikilig ako hahaha! Ang harot ko sobra! Wish ko, matupad sana! Di yung hanggang tingin lang ako! Oops, don't expect too much!

Ngayon, nagtititingin lang ako sa mga posts niya dito sa app. Baka masabihan o maisipan niyo akong masama. I'm not stalking, I was just seeing his awesome, hot pictures hehe.

Pano ako gagawa ng ibang bagay e username ang lang alam ko? Magmamakahirap pa ba ako para alamin ang ibang mga bagay na patungkol sa kanya?

And hey, I'm not that kind of person na obsess sa mga bagay na maaring ikaiba ng kung sinong ako. I'm just an ordinary person you know.

"Stop admiring his pictures so much! Gwapong gwapo ka na ba talaga sa kanya? Hedge gurl! Nagstop by tayo sa isang convenience store sabi mo dahil may bibilhin ka! Meron nga pero anong ginagawa pa natin dito? Ito ikaw, nakatutok sa cellphone mo, manghang mangha sa kanya!" Napatigil ako nang mga sandaling iyon. How dare her? Lakas ni ng Gagita na makasalita pero mas malala pa siya.

DaiyteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon