Chapter 1

6K 69 5
                                    

A/N:

This is just a short story guys and gals. Text fic ko lang talaga to. Naisipan ko lang ilagay dito. haha. Enjoy reading and don't forget to comment and vote. Pwede rin mag fan. :P

Sa mga nabasa na to thru text, mejo may konting pagbabago at baka, baka lang ha? Baka may madagdag ding konting eksena. ^_^

At para naman po sa mga new readers (kung meron man), marami kayong makikita/mababasang typo, wrong grammar, wrong spelling at wrong chosen of words. Trying hard kasi ang lola nyo mag engrish ei. haha. Basta! Alam ko maiintindihan nyo pa rin to. Kaya nyo na yan! Malalaki na kayo eh. :P

LESGERIRON~!!!

***

"Babe,"  tawag ko kay Jonghun sabay kalabit. "Christmas party na natin bukas, suotin natin yung couple shirt and shoes natin ha? Para terno tayo." paglalambing ko sa kanya.

"Tch! Ang baduy kaya nun. Kung gusto mo, ikaw nalang."

 


Sagot naman nya habang tuloy pa rin ang pagkutinting sa tablet nyang hawak. Ni hindi man lang ako nakuhang tapunan ng tingin! Kainis! >o<

"Ehe! Ayan ka na naman eh! Baduy-baduy ka jan. Ang sweet ng ng ganun eh. Kung anu-ano na naman kasi ginagawa mo jan sa tablet mo. Kundi yan ang hawak mo, yung gitara. Yung kamay ko kaya, kaylan mo ulit hahawakan?" I yelled at him then turned my back. Pero nakakailang hakbang palang ako ng pigilan nya ako.

"Wait! San ka pupunta?" he asked while holding my wrist.

"Eh ano naman sayo kung saan man ako magpunta? Wala ka namang pakialam sakin kasi busy ka di ba?" pagtataray ko pa sa kanya. Nakakainis lang kasi talaga eh. Lagi nalang walang time pagdating sakin. TT__________TT

"You keep on nagging at me. Can't you see that I'm busy? I don't have time to do those kind of mushy stuff."  he said with a blank expression.

"At kailan ka magkakaroon ng oras para sa akin, ha? Hanggang kailan ko iintindihin ang busy mong buhay?"

At pinilit kong makawala sa pagkakahawak nya sa kamay ko then walk out of his classroom. Hindi kasi kami magkaklase since mas matanda sya sakin ng four years kaya madalas, para lang magkasama kami ay ako na ang pumupunta sa classroom nya para sabay na kaming mag lunch. Yun lang din ang way of bonding namin sa isa't isa. Boring di ba?

"Oh? Saan pupunta yon? Nag away kayo? Ay! Ang saya naman! Napapadalas na yan ah. HAHA. Break up na'ng kasunod nyan!"

Naulinigan ko pang tanong ni Hongki na nakasalubong ko sa paglabas ko. Magkaklase sila ng Jonghun babe ko at magkasama pa sa dorm. Nakakainggit lang. >o<

Sa sobrang inis ko sa narinig kong sinabi ni Hongki, bumalik ako at binato sya ng ballpen na palaging nakalagay sa bulsa ng blouse ko. HAHA. Makaganti man lang kahit papano di ba? :P

HOME: Where You and Me Stays ForeverWo Geschichten leben. Entdecke jetzt