Final Chapter: Where You and Me Stays Forever

1.7K 39 14
                                    

A/N: Okay, okay! May mali talaga sa title eh. haha. Kaya pagpasensyahan nyo na. Yung cover kasi, pina edit ko lang tapos mali pala naipalagay kong title. hehe. Pagpasensyahan na. ^___^v

As I promised, eto na po ang huling chapter (iksi di ba?). Textfic lang naman po kasi talaga ito na inilagay ko dito dahil na-inspired ako sa mga ka-clan kong PRIMADONNA.

Sabi nila maganda, eh may pagka-utu-uto ako (LOL), kaya nilagay ko dito pampadami lang ng laman ng account ko. HAHA.

Basa na po tayo~

* * *

Kinabukasan din ay nagging stable na ang kundisyon ni Eunji at nailipat na rin sya sa kanyang pribadong kwarto.

“Kuya, hindi man lang ba ‘ko dadalawin ni Jonghoon ko?” tanong ko sa kanila.

Nagkatinginan lang si Wonbin at Jaejin dahil pareho nilang hindi alam ang isasagot sa simpleng tanong na iyon ni Eunji. Paano nga ba nila sasabihin na ang iniintay nito ay nasa kabilang kwarto lamang at wala pang malay hanggang ngayon? Alam nila pareho na kaka-stable lang ng kundisyon ni Eunji and it will definitely break her heart if she will know that her beloved boyfriend is still fighting for his life.

“Ano kuya, magtitinginan nalang ba kayo ni Jin dyan? Aba eh baka magka-developan na kayo nyan sa lagkit ng tinginan nyo.” Biro ko pa sa kanila.

Si Kuya ang sumagot sa tanong ko pero nginitian muna nya ko. And there’s something wrong with his smile. “Nandyan lang sya sa kabilang kwarto at nagpapahinga. Kung hindi mo kasi naitatanong eh kagabi pa rin sya rito.”

“Talaga, talaga? Ha Kuya? E di ibig sabihin pala eh binantayan nya ko kagabi at… haa… haa” hindi mo na natapos ang sinasabi ko dahil hanggang ngayon kasi eh nahihirapan pa kong huminga.

“Ang daldal kasi eh! Ayan tuloy…” sita sakin ni Kuya. Nag-peace sigh naman ako sa kanya with my widest smile.

“Dalhin mo ko sa kantya kuya.” Request ko pa. “Ako na gigising sa kanya. Gigisingin ko sya ng matamis kong halik!”

Pero sumeryoso lang si kuya. “Hindi pa pwede. Magpalakas ka muna.” Sabi nya sabay tayo. “Dyan ka lang at may bibilhin lang kami ni Jin sa labas. Hwag kang makulet ha? Just stay here.”

***

“Kainis! Iniwan talaga ko mag-isa. Kung hindi lang naghihina ang pakiramdam ko eh tatayo na ko ditto para makita sya eh.” kausap niya sa sarili nang may biglang pumasok na nurse sa kwarto nya habang nagdadaldalan.

“Grabe yung naaksidente kagabi no? Sana wag syang ma-comatose. Napakabata pa naman.” Sabi nung isa sa dalawang nurse na pumasok sa kwarto ko.

“Hi Ms. Oh! Check-in ka lang naming ha?” bati naman sa akin nung isa.

“Ah, nurse, sino yung naaksidente?” curious kong tanong sa kanila.

“Ah… yung anak nila Mr. Choi, yung isa sa pinakakilalang business tycoon sa bansa. I’m sure kilala mo sya.”

“Ano ka ba?” sabi nung isang nurse at bahagya pang siniko yung kasama. “Bawal ipagsabi ang ano mang impormasyon tungkol sa isang pasyente lalo na kung hindi kamag-anak.”

“Choi?” bulong ko sa sarili ko at hindi na pinansin yung dalawang nurse. “Si Choi Jonghoon lang naman ang kilala kong Choi ang family name na mayaman. Ah! At saka pala si Min –––”

“Tama ka jan, Ms. Oh.” Tapos nilingon nya ulit yung kasama nya nurse. “Magkakilala naman pala sila eh.”

“You mean, Choi Jonghoon got into an accident? That’s impossible! Kagabi lang ay magkasama pa kami…”

HOME: Where You and Me Stays ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon