Tagalog

1K 18 12
                                    


"MAGULANG"
GreeneverGardenn

Paano ko nga ba makalimutan?
Iyong napakainit na bisig ng aking magulang,
Simula nang ako ay isinilang,
Sila ay aking naging kanlungan.

Sa mundong ito mula nang ako'y mabuhay,
Ang magulang ko ang aking taga gabay.
Sa araw at gabi sila ang kasama,
Sa mundong puno ng lungkot at ligaya.

Bilang anak hindi man ako perpekto,
Pero ayos lang dahil sila nama'y mahal ko.
Salamat sa inyo ina't ama,
Sa walang sawang pag-aalaga.

Siguro, hindi na ako makakakita pa,
Ng pamilyang kasimbuo ng isang tula.
Kung wala na ang magulang na nag-aaruga,
Nagpapatawa at laging nagpapaalala.

-

"A true great love from the person you treasure in your whole life has no ending."

-credits to owner of the qoute-


NOTE: Please don't forget to put a credits to the owner and tap the star button below. Thanks a lot!

Her Words (A Collection Of Poems)Where stories live. Discover now